[Continuation...]
Humanap ng ibang paraan si Daryl. Kumuha siya ng mga ebidensya laban sa mga magulang ng dalaga. Ngunit nang mapansin ito ni Shamaehiah ay umiwas na siya sa binata.
Naisip ni Daryl na gustong iparating ng dalaga sa kaniya na magulang pa rin ni Shamaehiah ang mga ito. Na kahit saktan at pagmalupitan siya ng mga magulang ay hindi pa rin niya ito pupwedeng labanan. Wala siyang magawa kundi ang manahimik at tanggapin ang lahat ng sakit at umiyak nang palihim.
Kailan ba naging tama ang mga maling gawain?
Kailan ba naging mali ang paggawa ng tulong para hindi na maulit ang mga pananakit?
Ngunit paano pa lalaban ang binata?
Paano pa niya ipagtatanggol ang dalaga ngayong tuluyan na itong sumuko?
***
Nagdadalawang-isip si Steinhart kung sasabihin niya ang katotohanan kay Officer Dianelo. Naguguluhan siya matapos marinig ang kuwento ni Dylan. Hindi gusto ni Shamaehiah na malagay sa kapahamakan ang mga magulang, pero napakalaking kasalanan ng nagawa nila sa kanilang mismong anak.
"Murdered?" naguguluhang tanong ni Malorie. Naging tahimik naman sina Nimrod at Neiza, ngunit mababakas pa rin ang pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Pinatay nila ang anak nila? Paano nangyari? Pumunta pa nga si Mrs. Garcia sa university para humingi ng monetary—"
Nagkatinginan silang apat na magkakaibigan, sana mali ang iniisip nila na ginagamit ng mga ito ang pagkamatay ng anak para makakuha ng pera.
"Pumunta ako sa kanila, kagabi lang. Malinis na ang buong bahay, pero may nakalimutan silang bagay na kahit labag sa loob ko ay ibibigay ko na sa inyo."
Hindi nagkamali si Steinhart sa nasa isip niya. May alam si Daryl sa mga nangyayari, ngunit nangangamba parin ang binata dahil isa sa hiling ng dalaga sa kaniya ay ang kaligtasan ng mga magulang.
"Inilagay ko 'yang maliit na camera sa harapang parte ng bag ni Shamaehiah. Sobrang na ang pag-aalala ko sa kaniya sa tuwing uuwi na siya sa bahay nila pagkatapos ng klase. Hindi rin naman kasi puwede na pumasok din ako sa bahay. Naka-connect mga video sa laptop ko, puwede ninyong gamitin ang mga 'yun para sa imbestigasyon," paliwanag ni Daryl kahit na walang awat ang mga luha niya sa pagpatak, marahil nasasaktan rin siya sa nangyayari dahil sinuway niya ang pangako ng dalaga.
"Ibig sabihin, hindi suicide ang nangyari? Balita sa school na nagbigti ang biktima," sabad ni Nimrod sa usapan.
***
Kumalat na ang kadiliman sa buong kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin na tila may ulan na paparating. Makakapal din ang mga ulap sa himpapawid at kapansin-pansin ang kulay itim nito, hindi na halos makita ang pagkinang ng milyon-milyong bituin sa langit. Isa-isang nagbubukas ng ilaw ang bawat bahay at establishments sa lugar, ngunit nanatiling madilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misterio / Suspenso"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)