Hell Week II

8 1 0
                                        


Kinabukasan.

Tahimik na naghihintay si Steinhart sa isang bench sa gilid ng quadrangle. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya na may naupo rin sa bench na inuupuan niya.

"Makakasigurado ba ako sa 'yo na hindi mo ako isusumbong?"

"Why would I? Kailangan nating kumilos para matapos na ang pandadaya na ginagawa nila. Huwag kang mag-alala, ligtas ka, tiwala lang."

Isa sa mga kaibigan ni Austin si Frost, at lahat ng ginagawa ni Austin na hindi alam ng karamihan ay nasasaksihan ni Frost. Isa na roon ang pagbibigay ng mga answer key sa mga estudyante kapalit ang pera.

Napakadelikadong gawain na kailangan ng putulin. Kung kailangang isampal ni Steinhart ang katotohanan na mali ang mga gawain ng isang outstanding na student ay gagawin nito. Kung walang kinatatakutan si Austin, sisiguraduhin ni Steinhart na wala ng ihaharap na mukha si Austin pagkatapos mailantad ng huli ang lahat ng hindi magandang gawain nito.

"Ito ang mga nakunan ko kahapon, bago ang exam namin sa klase."

Inabot ni Frost ang ilang print-outs kay Steinhart. Naka-print ang ilang litrato kung saan makikita si Austin. Nasa unahang parte ito sa loob ng classroom, sa gilid, tabi ng bintana. Sa susunod na litrato kahit na hindi maayos ang anggulo ng pagkakakuha ng noon ay makikita pa rin na may inilabas na manipis na cellphone ang binata. Hindi ito mapapansin dahil kulay puti ang cellphone at itinago ito sa ilalim ng isang papel sa itaas ng mesa nito. Sa isa pang larawan ay may ipinatong na itim na panyo ang binata para hindi gaanong mapansin ang cellphone. Ang susunod na litrato ay ang paglingon-lingon nito sa kaniyang katabi habang abala ang instructor sa pagbibigay ng mga test paper. Ang ibang litrato ay nakakuha ng atensyon ni Steinhart. Hindi na siya nagtaka pa sa nakita. Makailang beses na nagtitipa si Austin sa kaniyang mesa. Sa isang normal na estudyante ay normal lang ang ginagawa nito, ngunit base sa obserbasyon ni Steinhart ay bawat pagtipa ni Austin sa mesa ay may mensahe, mga letra.


A morse code alphabet tapping.


"May mga hidden cameras akong inilagay sa gilid ng room. Ang mga screenshot na 'yan ang tanging maibibigay kong ebidensya sa 'yo."

Maingat itong ipinasok ni Steinhart sa isang brown envelope at inilagay sa backpack niya. Nagsimula muli itong magsalita at inilahad ng binata kay Steinhart ang touchscreen cellphone nito at naka-flash ang ilang text messages.

"Ito ang mga transaction code. Diyan ko ipinadadala ang mga perang hinihingi niya bilang kapalit sa mga answer key."

Hindi makapaniwala si Steinhart sa nakita. Halos umabot na sa limang libo ang naibayad ni Frost na siyang ipinagtaka ni Steinhart.

"Bakit may koneksyon ka pa rin sa kaniya? What I mean is, bakit nagkakaroon ka pa rin ng answer keys?"

"For future purposes. Akala ko darating ang araw na titigil na siya sa pandaraya, pero nagkamali ako. Marami pang naenganyo para lumapit sa kaniya nang palihim at handang magbayad."

Naikuwento rin ni Frost na isa palang administrator ng university ang ama ng binata. Kaya ba may kapit ito sa nakatataas at walang gustong bumangga rito?

"Kapag nagsumbong kami, isang kisapmata lang ay maki-kick out kami sa university. Alam mo namang napakahirap pumasok sa school ma tulad ng Medalion University—"

"Alam n'yo palang mahirap, bakit gumagawa kayo ng bagay para mapaalis kayo?" Pinipigilan ni Steinhart na mainis, ngunit hindi rin naman niya masisisi ang binata dahil nangyari na, kailangan na talaga nilang pigilan ito.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon