Right For Her

16 1 0
                                        


[Continuation...]

Hatinggabi na at mag-isang nakaupo sa tabing dalampasigan si Nimrod. Hindi siya makatulog kaya't naglakad-lakad muna siya hanggang sa makarating sa tapat ng dagat. Nakababawas ng pagod ang tunog mula sa mga paghampas ng alon at ang mga kuliglig at insekto na umaawit sa paligid.

"Now it's clear," sabi niya habang nakatingala sa malawak na kalawakan. Tuluyan na siyang humiga matapos makaramdam ng pagod sa katawan.

Ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ay dahil sa text message na natanggap tungkol sa may-ari ng lupa kung saan nakatayo ang bahay nina Malorie. Ang pamilya nina Tyler, isa sa mga kinikilalang pinakamayamang pamilya na may iba't ibang negosyong pinalalakad sa bansa. Ayon sa mensahe na natanggap, gagawing commercial lot ang lugar nina Malorie maging ang katabing mga lote.

"Naligaw ka ba?"

Hindi na siya nag-abala pang bumangon nang marinig ang tanong mula sa isang lalaki. "Buhay ka pa pala," bulong ni Nimrod at napabuntonghininga. Makailang beses na niyang minura ang lalaki sa isip dahil sa pagkainis na nararamdaman.

"Narinig ko 'yun." Umupo si Tyler sa tabi ni Nimrod na nakapikit ang mga mata.

"Alam kong itatanong mo kung bakit ako nandito," dagdag ni Tyler.

"Sa totoo niyan, gusto kong isampal sa 'yo na wala akong pakialam, naiintindihan mo?"

Natawa si Tyler sa ibinato ni Nimrod sa kaniya.

"Alam mo ba kung ilang probinsya ang layo nito mula sa bahay mo? Bakit pumunta ka pa rito para mang-istorbo?" Umupo si Nimrod at nilingon si Tyler.

"Gusto ko lang tumakas sa problema." Tumingala ito sa mga bituin at pumikit upang damhin din ang malamig na simoy ng hangin.

"Bakit dito pa?" walang katapusang tanong ni Nimrod.

"Dahil nandito ang pahinga ko." Walang nakakatawa sa sinabi ni Tyler, ngunit palihim na natawa si Nimrod. Mabuti na lang at nakapikit pa rin si Tyler.

"Magaling ka na rin palang magbiro." Napailing si Nimrod at unti-unting napayukom ang magkabilang palad. Hindi siya inosente para hindi makita ang kahulugan ng mga salitang binitiwan ni Tyler.

"Gusto mo rin siya, 'di ba?"

Namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan. Maging ang paghampas ng mga alon sa kanilang harapan ay hindi marinig. Napalunok na laway si Nimrod dahil pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya sa sinabi ni Tyler.

"Ipinagkasundo ako ng magulang ko sa isang babae, kaya tumakas ako ngayon, nagpakalayo, at kung puwede lang na magtago ay gagawin ko." Ang totoo niyan ay hindi pa gaanong magkakilala ang dalawa. Dahil lang sa insidenteng kinasangkutan nila noong nakaraang taon sila nagkaalaman ng pangalan at dahil sa misyon nila kay Steinhart.

Ang impresyon hanggang ngayon ni Nimrod kay Tyler ay tila isang examination test sa Math. Minsan ay maiintindihan mo ito kahit isang beses mo lang tingnan, ngunit kadalasan, kailangan pang pag-isipan at alamin ang buo nitong pagkatao upang masagutan nang tama ang mga katanungan sa kung ano ba talagang klaseng tao ito. Hindi ordinaryong estudyante si Tyler. May mga lihim ito na nananatiling sikreto. Ngunit bakit niya narinig ang mga salitang napakalabong magmula sa tulad nito?

"Alam mo ba sinasabi mo?" muling tanong ni Nimrod.

"Si Malorie ang pahinga at lakas ko. Kung ikakasal man ako, gusto ko sa kaniya lang—"

Marahas na itinayo ni Nimrod si Tyler. Napabaling sa kanan ang ulo ni Tyler dahil sa malakas na pagsuntok ni Nimrod. Naidura kaagad ni Tyler ang laway sa lupa na may halong dugo dahil sa pumutok na labi. Nakaramdam man ng pagkahilo ay tumayo ito nang maayos upang gumanti, ngunit natigilan ito nang makita ang matalim na pagtitig sa kaniya ni Nimrod. Bakas na bakas sa pares ng mata niya ang galit tila nag-aapoy ang mga mata sa nararamdaman niya sa loob.

"Pahinga at lakas? Gusto mo bang suntukin kita nang malakas at makapagpahinga ka na habambuhay?" singhal ni Nimrod.

"Hindi mo ba alam kung bakit umalis si Malorie at tumigil sa pag-aaral? Dahil 'yun sa pamilya mo! Sila ang may-ari ng bahay at lupa kung saan nakatira sina Malorie. Ngayon wala silang pambayad ay tuluyan na silang napalayas. Saksi ka kung paano mawalan ng malay si Malorie, 'di ba? Kung paano manghina ang katawan niya sa kakaisip kung paano magkaroon ng malaking halaga ng pera para makabayad sa inyo!"

"S-Si Malorie ang . . . ipinagkasundo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Tyler sa sarili. Napangiti siya kahit na namumula ang bibig dahil sa patuloy na pagtulo ng dugo mula sa sugat sa kaniyang bibig.

"Nagawa mo pang tumawa? Putang ina mo, Tyler!"

Tuluyang napaupo na sa panghihina si Tyler dahil sa pagsuntok muli ni Nimrod sa kaniya.

"Gusto kong ipaalam sa 'yo na hindi ako papayag na maging kayo ni Malorie. Gaano kakapal na na pera ang gusto mo at nang isasampal ko sa 'yo?" seryosong sabi ni Nimrod.

"I already told you this, Nimrod. You have no right to decide here. Malorie will decide which of the two of us is right for her." Nanghihinang napaubo ng sariling dugo si Tyler at pilit na tumatayo.

Akmang susugod muli si Nimrod, ngunit may yumakap sa kaniya dahilan upang matigilan siya sa pagkilos.

"Ano ba'ng problema n'yo! Magpapapatayan ba kayo rito!" Galit na singhal ni Neiza na inalalayan si Tyler.

"M-Malorie . . . ako na lang ang piliin mo."

Naguguluhan na tumingala si Malorie sa kaniya at nang magtama ang kanilang paningin ay siya namang pagsigaw ni Neiza.

Humiwalay kaaagad si Malorie sa pagkakayakap kay Nimrod. Natagpuan niya na nakahandusay na sa buhangin si Tyler na nawalan na ng malay.



***



Pagdating ng umaga, alas-otso na nagising si Nimrod. Hindi niya maalala kung anong oras siya nakatulog sa kaiisip sa nangyari. Nag-ayos na siya ng sarili at ang mga gamit niya ay inayos na rin niya. Nang lumabas siya sa kwarto ay nakita niya si Tyler na mag-isang nakaupo sa sala habang may mga Band-Aid sa gilid ng bibig nito.

"Kuya!" Yumakap kaagad ang dalawang bata sa baywang niya. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ng mga ito ang mga laruan na napanalunan nila kagabi sa peryahan.

"Sakay po tayo sa malaking sasakyan mo po!" nakangiting sabi ng kambal sa kaniya, ngunit hindi na siya makasagot sa mga bata.

"Aalis ka na?" tanong sa kaniya ng ginang, nakalapit na ito sa kinatatayuan niya habang may hawak na tray na may lamang agahan. Inilapag muna ng ginang ang dala sa isang maliit na mesa sa tapat ni Tyler.

Nagmano muna si Nimrod sa ginang. "Opo, Tita. May kailangan lang po akong asikasuhin. Salamat nga po pala sa pagpapatuloy sa akin dito." Pasimple siyang napatingin kay Tyler na kunwari ay hinihigop ang bagong timplang kape. Palihim na napairap si Nimrod sa binata.

"Mag-agahan ka muna. Hintayin mo na sina Malorie, nagpunta sila ni Neiza sa palengke."

Umiling si Nimrod na siyang ikinapagtaka ng ginang.

"Pakisabi na lang po na nauna na ako, kailangan ko na po talagang umalis. Pasensya na po, Tita." Nahuli ng binata ang pagbagsak ng magkabilang balikat ng ginang. Labag man sa loob ni Nimrod ay kailangan niyang makauwi upang ayusin ang mga papeles na kakailanganin sa pagbabayad ng bahay at lupa nina Malorie.




#

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon