[Continuation...]
"Teka, may sagot naman siya, ah? Ano 'to? Introvert?" dire-diretsong tanong ni Nimrod habang nakatitig sa notebook na hawak-hawak nito.
"Introvert ka? Parang hindi naman." Tinitigan ni Malorie ang mukha ni Steinhart nang maayos. Napaiwas naman kaagad ng tingin ang binata at tumingin sa ibang direksyon.
"I just don't want to be with someone. Nasanay na rin akong walang kasama, masaya ako kahit mag-isa. Besides, I just want to be alone, because I feel like when someone is close to me, they will also be affected by the problem I have, or if someone hurts me, those so-called friends will also be affected. I won't be able to accept that. So as long as I can, I will stay away so that no one will be hurt because of me. I don't want them to be hurt because of me. I don't want to lose anything again because of me. So as much as I can, I want to be alone," mahabang sabi niya at mababakas sa tono ng pananalita ang pagkaseryoso.
"But you still accepted us as friends. Maybe you just got mad at us, huh? Anyway, no matter what happens, we will stay by your side, promise. Don't worry too much." Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Neiza kay Steinhart, maging sa mga kasama nito.
"You are brave, I really admire you. For all you have been through, you are still here, still smiling at us. I tell you not to be discouraged because we are here for you," ang sabi naman ni Malorie at ngumiti rin sa mga kaibigan.
Tumayo si Nimrod. "Group hug?" Hinila pa nito si Steinhart na nahihiya sa ginawa ng kaibigan dahil may ilang tao na pinagtitinginan na sila, pero sumunod na rin siya nang tumayo na rin ang dalawa pa nilang kasama.
"Salamat sa inyo. Kahit hindi ko naman talaga totoong kaarawan ngayon araw ay ginawa n'yo pa ring espesyal ito para sa akin."
"Kinikilig ka niyan?" Natawa na lang sila sa sinabi ni Nimrod, mabuti at nakapagpigil si Steinhart na batukan ang kaibigan.
"Tara na? Punta tayo sa amusement park," sabi ni Nieza.
Isang araw sa buong taon, ito ang naging masayang araw para sa binata kasama ang mga kaibigan. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang mga problema na gumugulo sa kaniyang isipan. Mga tipikal na ginagawa ng mga magbabarkada sa tuwing nasa amusement ang mga ito. Nakailang sakay na rin sila sa mga iba't ibang klase ng rides sa park, maging mga booth, horror man o pambata ay pinasukan na rin nila para masulit at maging mas masaya pa ang pag- celebrate ng birthday ni Steinhart.
Makalipas ang dalawang oras ay pumunta sila sa isang fast-food chain para makakain. Sa walang tigil na pag-iikot nila sa amusement park ay nakaramdam na rin sila ng pagod.
Nasa counter sina Nimrod at Malorie para kumuha ng makakain nila. Pumili naman ng mauupuan sina Steinhart at Neiza. Habang naghihintay ay inabala ni Steinhart ang pagtingin sa mga litratong nakunan niya gamit ang camera na dala ni Nimrod. Nang lingunin niya si Neiza ay abala rin ang dalaga sa pagsusulat sa kaniyang maliit na notebook.
"Is there a problem? I've noticed earlier that you seem to be thinking deeply?"
Napatingala ang dalaga kay Steinhart na seryosong nakatingin sa kaniya. Napabuntonghininga ito at sumandal sa inuupuan.
"May nagpapagawa ng code. Ang kulit din kasi kaya pinagbigyan ko na," paliwanag ni Nieza. Inabot niya rin ang hawak na notebook sa binata. Napansin niya ang mga pinaghalo-halong mga letra at numero.
"Ito pa rin pala ang pinagkakaabalahan mo hanggang ngayon," ani Steinhart at sinubukan na hulaan ang mga code na nasa papel.
J MPWF XPT.
"Anong klase ang ipinagagawa sa 'yo? Secret letter ba 'to?" dagdag niya.
"Alam mo naman na hindi lahat ng lalaki, may confidence sa sarili na magsabi ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila, kaya dinadaan nila sa mga codes. Well, I find it cute."
Pakiramdam ni Steinhart ay kinikilig pa ang kaibigan sa sinabi nito.
Nakakakilig 'yon?
Parang binibigyan lang nila ng sakit sa ulo ng makatatanggap at makakabasa ng letter.
Nang maalala ni Steinhart sa isipan ang unang beses na makatanggap ng letter, wala siyang ideya sa kahulugan ng mensahe. Naalala niya na halos sumakit ang ulo niya sa kaiisip kung paano niya malalaman ang nasa likod ng code. Ngayon pala ay isa siya babala na may mangyayari na hindi maganda.
"Oy! Ano 'yan, ano 'yan!" Hindi nila namalayan na nakarating na sina Nimrod at Malorie bitbit ang mga pagkain, kasama ang isang staff ng fast-food na hawak din ang iba pang in-order nila. Dalawang large na pizza, apat na platong spaghetti, sandwiches, fries, isang bucket ng fried chicken, ice cream, isa pang cookies and cream na cake at drinks na milktea, iced tea, soft drinks, at tubig.
"Kayo, ha! Nagsusulatan na kayo ng love letter? Hindi dahil birthday ni Steinhart ngayon ay pagbibigyan—" Napaatras pa si Nimrod nang tapakan ni Steinhart ang paa nito nang patago.
"Ang ingay mo," sabi ng binata at inayos na ang pagkakalagay ng mga pagkain sa mesa nila. Pumuwesto na sila sa napili nilang upuan habang palihim na iniinda ni Nimrod ang paa nito na kumikirot.
"May nagpapagawa ng code sa akin, hindi ko naman matanggihan dahil naging magkaklase kami noong high school."
Binitiwan ni Nimrod ang kinuha nitong pritong manok sa lalagyan at humarap sa puwesto nila ni Neiza.
"May club ka ulit? Buti pinayagan ka ng student council ng Medalion University?" sunod-sunod niyang tanong sa dalaga.
"Hindi, wala akong club room. At wala rin akong balak sumali kung meron man." Nagsimula nang kumain si Nieza, napatango na lang si Nimrod dahil alam niya rin na hindi biro ang humawak ng club room.
"Ikaw, kamusta sa sinalihan mo?" tanong ni Steinhart at sumimsim ng iced tea.
"Ah, sa Paranormal Club? Ayos lang, next month may out-of-town trip kami, hindi ako sure kung makakasama, hehe," sagot ni Nimrod. Mahilig pa rin siya sa mga hindi ordinaryong mga nangyayari sa paligid na karamihan ay takot pa na mapag-usapan. Iilan din ang mga taong may interest kapag usapang mga paranormal, kadalasan ay hindi kapani-paniwala at gawa lamang ng mga malilikot na imahinasyon.
"Ibig sabihin, kilala ka pa rin ng mga ibang estudyante noon sa Arch Academy na ngayon ay nasa Medalion University?" tanong ni Malorie.
"Sino ba naman ang makakalimot sa Code Breakers Club? Naging fan kaya ako ng club na 'yun." Nagniningning pa ang magkabilang mata ni Nimrod habang inaalala ang mga nangyari tungkol sa club.
"Puwede naman tayong gumawa ng private club, 'di ba? May mga nakikita akong mga code, pero hindi ko maintindihan. Puwede natin 'yun sagutan. Malay natin, may humihingi na pala ng tulong? What do you think?"
Nagkatitigan sina Steinhart, Nimrod, at Neiza sa naisip na ideya ni Malorie.
Handa na ba silang harapin muli ang mga parating na pagsubok at problema?
Kaya na ba nilang lumaban gamit lamang ang kanilang mga isipan?
Nakahanda na ba ulit silang magsakripisyo para sa kaligtasan ng iba?
Binasag ni Neiza ang katahimikan na unti-unting naghahari sa paligid. Tumikhim muna ito bago harapin ang mga kaibigan.
"It's not that easy to handle a club, especially and it's not an unusual club I had back then," puno ng sensiridad na sabi ni Nieza. Mahirap pa ring tanggapin sa tuwing naaalala nito ang mga nalaman niya kahit isang taon na ang nakalipas.
"Just in case, what will be the name of the club we will be handling?" Nasamid pa si Nimrod sa iniinom nitong cola. Maging si Malorie ay napatigil sa pagsubo sa spaghetti kung kaya't bumalik muli ang mga noodle sa plato. Si Neiza naman ay tila nahulog ang panga sa mesa sa pagkagulat.
"You mean, you're in favor of Malorie's idea? You're agreeing to form a private club where we can help others who use secret codes to ask for our help?"
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)