Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
[Continuation]
"Wala kang karapatan na pagbintangan ang tito at kaibigan ko na si Mr. Louie! Wala kang alam!" sigaw nito sa akin at nilapitan ako sabay hampas sa dibdib ko habang umiiyak. Sinubukan ko siyang pigilan, ngunit isang sampal muli ang ibinalik niya sa akin. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko namalayan na tumakbo na ito palayo. Pakiramdam ko, nawawala na ang pandinig ko sa lakas ng sampal na natanggap ko.
Akmang susundan ko na si Neiza, pero may kamay na humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako at lingunin ito, si Nimrod.
"Narinig ko ang lahat," sabi nito at may maliit na papel na inabot sa akin.
"What's this?" I asked while holding my left cheek because of the stinging pain. I grabbed the piece of paper with my right hand.
"It's from Mr. Montefalco," he replied and I looked at the message written on the paper.
Let's help each other.
Nimrod tapped my shoulder and told me to follow Neiza. I was worried about her, but maybe I should set it aside first because of the situation. We ran and entered the cafeteria.
Nang makapasok na kami sa cafeteria ay napansin ko na may babae sa counter. Nakatayo ito sa isang bangko at may inaabot na box sa itaas ng mga malalaking cabinet. Napansin ko rin ang magkabilang pisngi nito na basa dahil na rin sa pag-iyak nito. Mabilis na lumapit si Nimrod kay Neiza, tinulungan na rin niya itong makuha ang box. Maingat na hinawakan ni Nimrod ang maliit na box at agad na itinakbo sa akin at ipinahawak.
Kaagad kong pinakiramdaman ang nasa loob, marahan kong idinikit ito sa kanang tainga ko kahit na may kabigatan ang kahon. At sa ilang sandaling katahimikan ay nakumpirma ko na may kakaibang tunog sa loob ng kahon.
Gulat si Neiza na makita ako at hawak ang box na inabot nito kanina. Mabilis siyang lumapit sa aming dalawa ni Nimrod.
Walang pagdadalawang-isip na hinablot niya ang maliit na kahon sa mga kamay ko. Dahil alam kong delikado ang laman ng box ay hindi ako pumayag na makuha niya ito sa akin. Hindi pa rin siya tumigil sa pagkuha ng kahon sa akin. Nagulat ako nang marahas niya itong hilahin at dahil may kabigatan ang kahon ay nabitiwan namin ito.
Wala kaming ideya sa nangyayari kundi ang isang bagay na sana ay hindi matuloy. Sa oras na mahalikan ng kahon ang sahig ay siguradong sasabog ito.
"Run!" I frantically shouted and held Neiza's hand and pulled her away from that place.
Nimrod was also running towards the entrance. Neiza's eyes were still locked on the small box that would explode any moment from now.
When the box hit the floor, white smoke came out of it. I diverted my attention back and saw Nimrod waiting for us. Neiza abruptly stopped and she was trying to loosen her hand from mine, but I never let her go.
The fuck! Huwag mo nang balikan!
Nakita ko na may kumislap sa mismong kahon at ilang segundo lang ay sinundan pa ito ng ilan pang pagkislap. Mabilis kong hinila si Neiza sa kalapit na pader at niyakap siya nang mahigpit. Ginawa kong harang ang likod ko para maging proteksyon sa pagsabog.
Nakabibingi ang pagsabog ng kahon. Naramdaman ko ang init sa likod ko. Nayanig maging ang sahig na kinatatayuan naming dalawa. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko para maiwasang matamaan ng basag na mga salamin ng bintana at cabinet ngayon sa cafeteria. Nang masigurado na wala nang pagsabog ay nagmulat na ako ng mga mata at nakita ko ang kalat at pagkasira ng buong lugar. Nabaling ang atensyon ko nang may maramdaman akong marahang paghawak sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystère / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)