Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.
Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
[Continuation...]
Sinamaan ng tingin ni Charles si Steinhart na natatawa sa mga sinasabi, pero wala namang nakakatawa. Natahimik tuloy si Steinhart at umayos ng upo. Ilang sandali pa ay umakbay si Charles kay Steinhart at nagsimula na silang mag-asaran.
Tanggap ng binata na si Charles ang kondisyon na mayroon ang kaibigan niyang si Steinhart, may mga pangyayari sa buhay nito ang biglang nawawala sa alaala ng binata. Tila may bumubura sa mga alaala nito kung kaya't kahit anong pilit ni Steinhart na alalahanin ang mga iyon ay hindi niya magawa. Kaya tanggap ni Charles na minsan sa isang araw ay hindi siya makilala ng matalik na kaibigan. Nagpapasalamat pa rin ito na kahit papaano ay naaalala niya pa ito sa pamamagitan ng pagpitik sa noo ng binata.
Hindi na natuloy ang pagkikita nina Malorie at Steinhart sa meeting place kaninang breaktime dahil nanlibre si Charles ng pagkain para makipagkuwentuhan pa kay Steinhart. Napagdesisyunan na lang nila na pagkatapos na lang ng klase sila magpatuloy.
Hapon na, unti-unting bumabalot ang kadiliman sa buong kapaligiran. Umiihip na rin ang malamig na simoy ng hangin. Mapapansin sa himpapawid ang mga ibon na naghahanap na ng masisilungan ngayong gabi. May mga kuliglig na ang nagsisimulang kumanta, senyales na mag malapit na naman ang gabi.
Nasa labas na si Steinhart at tahimik na nakatingin gate ng university kung saan isa-isa na ring lumalabas ang mga estudyante, ilang minuto pa at nakita na niya ang hinihintay nito. Kumaway ito para kunin ang atensyon ng dalaga, mabilis naman itong nakita ni Malorie at tumakbo pa para kaagad na makalapit sa binata.
"Halika ka na?" agad na tanong ni Steinhart kay Malorie at tinulungan ito sa paghawak ng mga gamit ng dalaga.
Habang naglalakad papunta sa lokasyon ng tutulungan nila ay nagsimula na ring magsalita ni Malorie tungkol sa sinabi ni Neiza sa kaniya.
"Part-timer si girl student sa isang convenience store, at nasa night shift siya. May isang lalaki na stalker ang madalas na nagpupunta tuwing gabi sa store para bumili at pagkatapos ay may gagawin ito habang busy si girl sa pag-assist sa kaniya. Mag-i-spray ito ng kemikal na siyang dahilan para antukin ang dalaga. May mga code na nakasulat sa mga papel ang iniiwan ng lalaki para sa kaniya, pero hindi niya ito maintindihan. May isang customer na student ang napagtanungan ng dalaga, sakto naman na may kilala itong marunong mag-break ng code at ito ay si Neiza," paliwanag ni Malorie.
Napahinto muna sila sa isang café at hinintay ang oras para makalapit sa convenience store. Isang matandang lalaki ngayon ang nasa counter, mukhang wala pa ang estudyanteng babae na magbabantay.
Isang oras ang lumipas, kumain na rin sila ng hapunan, isang pasta at soup ang in-order ni Steinhart kasama si Malorie. Isang pagtunog mula sa isang cellphone ang narinig nila at mula iyon kay Malorie.
"Si Papa, excuse lang. Nakalimutan kong magpaalam, hays!" Tumayo na ito at lumabas ng café.
Itinuon na lang muna ni Steinhart ang atensyon sa letter na iniabot sa kanila ni Neiza. Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman habang nakatingin sa mga letra. Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing susubukan niya itong i-decode.
Hindi napansin ni Steinhart na nakabalik na sa kinauupuan nila si Malorie, napatingala siya at tiningnan ang dalaga.
"Puwedeng mauna ka na muna sa convenience store? Kailangan ko pang ayusin 'yung files ni Papa, nakalimutan kong i-send sa kaniya." Kinuha nito ang itim na bag na may lamang laptop at inayos ito sa mesa.
"Ayos lang, take your time." Tumayo na s Steinhart at nagpaalam na para maunang lumabas ng café.
Tumambay muna siya sa isang maliit na bookstore sa kanto malapit sa convenience store. Inabala niya ang sarili dahil hindi niya alam kung paano pumatay ng oras sa paghihintay. Sinubukan niyang tawagan si Neiza, pero unattended ito. Hanggang sa tingnan niyang muli ang mga makakapal na libro at komiks para malibang. Hanggang sa hindi niya namalayan na malalim na ang gabi, muntik pa siyang makatulog dahil sa pagbabasa ng libro, kung hindi lang dahil sa pag-vibrate ng cellphone niya na nasa bulsa ay hindi siya magigising sa pagkakaidlip.
Nagpunta na agad si Steinhart sa lokasyon ng pinangyayarihan. Nadatnan niyang walangng tao sa counter. Pasimple siyang lumapit sa isang storage room kung saan may maliit na kwarto. Natagpuan niya ang dalaga na natutulog nang mahimbing doon. Binasag ng tunog chimes na nakasabit sa entrance door, na nagsasabing may pumasok sa store. Nagmadaling naglakad si Steinhart para makaalis, pero napagtanto niya na walang bantay ang counter. Mabilis siyang lumapit sa counter at isinuot ang vest at sumbrero.
"Good evening po," bati niya sa matandang babae.
"Mabuti at may bantay na rito ngayong hatinggabi? Pinaalis na ba 'yung babaeng estudyante?"
"Ay, hindi po, nasa storage room po, nagpapahinga," magalang niyang sagot sa customer. Nangangapa pa siya sa pagpindot sa hindi kalakihang screen na tinatawag nilang point of sale system.
"Gano'n ba? Oh sige, hijo, magkano itong mga nakuha ko."
Habang ini-scan ng binata ang mga pagkain na binili ng matanda, may naramdaman siyang nakamasid sa kaniya sa labas ng store. Nagkunwari siyang tinatanong ang matandang babae kung may idadagdag pa ito hanggang sa makumpirma niyang may isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood at naka-face mask pa. Sa itsura pa lang nito, talagang kahina-hinala na. Lumabas na ang matandang babae at siya namang pagdating ni Malorie na may dalang dalawang tupperware na may lamang takoyaki.
"Pasensya na at natagalan. Sobrang dilim ng mga eskinita rito. Akala ko, mabilis lang gagawin dito. Mabuti at may nabilhan akong takoyaki sa isang kanto, kain ka muna ulit."
Naka-uniform pa rin sila hanggang ngayon. Gamit lamang ang makahulugang mga paningin ng binata ay nabasa ng dalaga ang gusto nitong sabihin.
"Pakibantayan muna itong store. Nakita ko na ang target natin." Agad namang kumilos si Malorie at siya muna ang pumalit muna sa counter.
Kumuha ng walis at dustpan si Steinhart at lumabas ng store. Hindi sapat ang ilan sa mga ilaw sa poste, tirahan at ilang establisimiyento para mabigyang liwanag ang lugar. Takaw-aksidente talaga ang lugar at hindi malabong may mga nagaganap na mga krimen. Dumagdag pa ang sobrang katahimikan sa bawat sulok. Ang pag-ihip ng hangin ay hindi mo gusto pang marinig at maramdaman dahil maghahatid lamang ito ng kakaibang pakiramdam, pagkabahala, at takot.
Pasimple niyang nilinis ang mga upuan at mesa na may kalat na iniwan na lang ng mga bumili. Mga walang disiplina. Nasa sulok na si Steinhart ng store, hindi niya namalayan na sa kabila ng inis niya ay nagawa niyang linisin ang mga kalat, dahil noon ay ni hindi niya mahawakan ang walis para lang maglinis.
"Hindi sapat ang walis tambo na 'to para ihampas sa mga matitigas na ulo ng mga taong walang hiya! Nasa tapat na nila 'yung basurahan, hindi pa magawang ilagay sa—putang—"
May isang lalaki na nakasagi sa balikat niya, ang lahat ng naipon na basura na nasa dustpan na hawak niya ay natapon muli sa sahig. Gusto niyang ituloy ang pagmumura lalo na nang makita niya kung sino ang sumagi sa kanya.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)