A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
Panibagong araw na naman, ngunit patuloy pa rin ang pagkilos ng grupo. Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang paggawa nila ng mga plano para isagawa ang misyon upang mapabilis na rin ang imbestigasyon.
Gur ervtavat Zvff. Zrqnyvba Dhrra.
Pinag-aralan nila ang natanggap na text message. Tumingin rin sila ng mga reference sa internet upang mapabilis ang pag-break ng code.
ROT18 is one of the single transliteration ciphers that encrypts by replacing the characters in the text with other characters.
Character replacement is performed by shifting the characters from
A to Z by 13 characters out of the 26 characters of ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ.
Also, the numbers 0 to 9 are shifted by 5 characters out of the 10 characters of 0123456789.
Hindi sila makapaniwala nang makita ang nasa likod ng mga letra. Paanong nangyari na ang sikat na estudyante ay gagawa ng mga bagay na mahirap paniwalaan? Hindi ba ito natatakot sa magiging kapalit ng maling ginagawa nito?
Ano kayang dahilan ng estudyanteng ito at pinili niyang ilagay sa kapahamakan ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera?
"The reigning Miss Medalion Queen."
Unang taon pa lang ng magkakaibigan sa bagong unibersidad na kanilang pinasukan ay matunog na ang pangalan nito. Halos kilala ang dalaga na nagngangalang Kaixin dahil siya ang kinilalang Medalion Queen sa university. Hindi nakapagtataka dahil napakaganda nitong dalaga at lalo itong hinahangaan dahil sa angking talino na mayroon ito. Ayon sa mga balita at mga post mula sa mga bulletin board sa bawat departamento sa unibersidad, laging laman ng mga article at print-out ang pangalan ng dalaga. Sikat din ito sa lahat ng colleges kung kaya't nakapagtataka kung bakit nasangkot ang pangalan nito sa insidenteng pandaraya nina Austin Guzman.
***
Natapos na ang lahat ng klase at isa-isa na ring lumalabas sa university ang mga mag-aaral. Tahimik lang na nasa gilid ng pader sina Steinhart at Nimrod. Inaabangan nila si Neiza na makalabas ng paaralan habang nauna nang nagpaalam si Malorie na makauwi sa kanila.
"Natawagan mo na ba siya?" tanong ni Steinhart at seryoso pa ring nakatingin sa gate kung saan nagsilabasan ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)