A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
[Continuation...]
"Hindi mo kasi naiintindihan! Ang gusto ko lang ay hindi ka madamay sa problema na meron kami!" Pulang-pula ang mukha ni Nathale, ngunit hindi nakaligtas sa mga lente ng mata ni Steinhart ang luha ni Nathalie na nagpupumilit kumawala sa mga malulungkot nitong mga mata.
"Alam ko, alam ko ang ibig mong sabihin. Dahil sino ba naman ako? Hindi mo ako kilala kaya wala kang tiwala sa 'kin," seryosong sabi ni Steinhart.
Hindi na siya pinakinggan pa ni Nathalie at nag-umpisang kunin muli sa sofa ang kanilang mga gamit, ngunit walang sabing binawi iyon ni Steinhart na siyang ikinainis ng dalaga.
"Mas magiging delikado ang gagawin mo kung babalik ka sa inyo. Hintayin natin sina Inspector Galvin para mahuli na ang kapatid mo," kalmadong paliwanag ni Steinhart.
"Aalis na kami."
Napakuyom na lang ng kamao si Steinhart sa tugon sa kaniya ng dalaga. Napabuntonghininga na lang ang binata.
"All right, I'll let you go. Who am I to decide about this? I don't know you and you don't know me. That's right, why should I help you if you don't need it—" Hindi na naituloy pa ni Steinhart ang sinasabi dahil isang mainit na halik ang naramdaman niya, halik kung saan unang beses niyang naranasan at sa isang babaeng hindi niya inaasahan. Dahil sa pangyayaring iyon ay nawala siya sa konsentrasyon, wala siyang ideya na kasabay ng paglapat ng kanilang mga labi ay ang pagbaon ng isang matulis at matalim na kutsilyo sa tagiliran niya.
Ang mainit na halik na kaniyang natanggap ay kaniyang nalasahan, dumagdag pa ang isang malakalawang na lasa na naghari sa kaniyang bibig. Humiwalay si Nathalie. Umiiyak ito at kusang nabitiwan ang isang maliit na kutsilyong balot ng sariwang dugo mula kay Steinhart. Gusto mang magsalita ng binata, ngunit malapot at mapulang dugo ang lumabas sa kaniyang bibig imbes na mga salita.
Marahan niyang iniangat ang kanang palad upang punasan ang dugong kumakawala sa kaniyang bibig. Nang makita niyang nabalutan ng dugo ang kamay niya ay nakaramdam siya ng panghihina. Nag-umpisang magkaroon ng mga imahe sa kaniyang isipan. Ang mga imahe na nagpapalik sa kaniya sa nakaraan.
"N-Nathalie . . . ." Tuluyan na siyang napahandusay sa sahig. Napaupo naman sa takot ang dalaga dahil sa nasaksihan. Sumunod ay ang pagkahulog sa sahig ng isang bakal na tubo kung saan dumikit din doon ang malapot na dugo ni Steinhart. Wala na siyang malay at tila mahimbing na lamang na natutulog sa malamig na sahig ng sariling bahay.
"Tama na po, Kuya!" Halos mapatid na ang ugat sa leeg at pumutok na ang ugat ni Nathalie sa noo sa galit niya sa Kuya Esguerro niya.
"Subukan mong maghanap pa ng kakampi, hindi ako magdadalawang-isip na danasin din nila ang ginagawa ko sa 'yo."
Napaluhod na lang ang dalaga at nagmakaawa na tumigil na ang kuya niya. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay na may bahid ng dugo ni Steinhart. Hindi niya matanggap kung isusunod ng kuya niya ang natitirang mga bagong kaibigan na sina Nimrod, Malorie, at Neiza.
"Ibibigay ko na po lahat ng pera sa 'yo, Kuya! Tumigil na po kayo! 'Wag n'yo po silang sasaktan! Ako na lang po ang gulpihin ninyo. Parang awa n'yo na po!" Wala na siyang pakialam kung marinig man sa mga katabing bahay ang pagsigaw niya. Marahas siyang sinabunutan ng kaniyang kuya. Napatingala siya at ang tuyong pisngi niya ay nababalutan na ng nakapapasong luha na kumawala sa magkabilang mata niya.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)