Letting Go

15 1 0
                                        


[Continuation...]



Nahuli ng binata ang pagbagsak ng magkabilang balikat ng ginang. Labag man sa loob ni Nimrod ay kailangan niyang makauwi upang ayusin ang mga papeles na kakailanganin sa pagbabayad ng bahay at lupa nina Malorie.



"Sige, may kukunin lang ako sa kusina at dalhin mo na 'yun para may makain ka sa biyahe." Malungkot man ay binigyan siya ng ginang ng ngiti.


"Salamat po."


Lumuhod si Nimrod at niyakap ang mga bata. "Magpakabait kayo rito, ha? Pagbalik ko, mamamasyal tayo sakay ng kotse." Yumakap pabalik ang mga bata. Naiyak na rin ang mga ito matapos marinig na aalis na ang kanilang kuya.


"Bakit bigla kang aalis?" basag sa eksena ni Tyler na hanggang ngayon ay kumakain ng tinapay. Marahil ay iniinda pa rin nito ang pagkirot ng pumutok na labi kaya't nahihirapan itong makakain.


"Gusto mo bang dagdagan ko 'yang sugat sa bibig mo? Sa kabilang banda naman para pantay."


Natawa pa si Tyler sa tinuran ni Nimrod. "Gusto ko ngang magpasalamat sa 'yo kasi inalagaan ako ni Malorie. Bring it on, Nimrod."


'Putang ina talaga, nito!'



"Hahayaan kitang magsaya ngayon, Tyler. Dahil hindi pa lumulubog ang araw ngayon, babawiin ko si Malorie sa 'yo."



***



Sakay ng isang tricycle, pauwi na galing sa bayan sina Neiza at Malorie. Kasalukuyang nasa biyahe sila nang may matanaw si Malorie pamilyar na sasakyan sa isang tabi. Nang makalapit ang sinasakyan nila ay nakumpirma niya na tama siya, kilala niya kung kanino ang sasakyan. Ipinahinto niya ang tricycle, sumunod si Neiza na nagtataka rin kung bakit umalis ng bahay si Nimrod.


Nang makalapit sila sa sasakyan ay walang tao sa loob. Inilibot ni Malorie ang tingin hanggang sa may matanaw siya sa dalampasigan. May lalaking mag-isang nakatayo roon.


"Dito lang ako, puntahan mo na." Bahagya pang itinulak ni Neiza si Malorie, alam niyang naguguluhan pa rin ang kaibigan kung bakit sumunod ang mga ito sa kaniya gayong napakalayo ng probinsya nila.



Hindi pa gaanong mainit sa balat ang sinag ng haring araw, presko ang hanging umiihip sa paligid, at nakagagaan ng pakiramdam ang tunog ng hampas ng alon sa dagat. Malayang nagsasayaw ang mga ibon sa himpapawid kasama ng mga maninipis na ulap.


"N-Nimrod?" nagdadalawang-isip na tanong ng dalaga. Napalunok siya ng laway dahil sa kabang bigla na lang naghari sa loob ng sistema niya.


Ang kakaibang kaba na nararamdaman niya sa kaibigan na pilit niyang pinipigilan magmula nang sila ay magkita at hanggang sa magkakilala. Hindi niya gustong bigyan ng atensyon ang nararamdaman dahil kaibigan niya ang lalaki.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon