He's Dead

50 8 0
                                        


Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.

[Continuation...]



Steinhart Sevilla Pov


Ito ba ang dahilan kung bakit ako pinalilipat ng ibang eskwelahan ng mga magulang ko?

Ang nakapagtataka lang ay bakit alam nila na may hindi magandang mangyayari sa eskwelahan kung nasaan ako?

Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala si Neiza. Muntik na niya akong mahuli nang lumingon ito sa akin. Mabilis naman akong yumuko para tingnan kunwari ang relo sa wrist ko. Nagsimula na itong maglakad palayo at nang makasigurado na ako na wala na siya tabi ko ay umayos na ako ng tayo at binalingan siya. Natagpuan ko siya na tumabi kay Nimrod na abala sa pagtingin sa computer.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa kanang bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Humarap muli ako sa malaking bintana at napatingin sa malawak na field ng academy.

"Ma? Hello po," mahinang sabi ko, hindi ako sanay na makatanggap ng tawag mula sa kinikilala kong magulang. Madalas ay text messages ang natatanggap ko kay Mama Felipa at Tatay Asuncion.

"Kumusta? Nasaan ka? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod nitong tanong. Naramdaman ko kahit na sa cellphone lang kami nag-uusap, iba ang tono ng pananalita nito, bakas ang pag-alala sa boses ni Mama.

Napabuntonghininga na lang ako. "I'm at my classmate's house. Hindi ako makakauwi sa apartment, gumagawa ho kami ng project. Huwag na po kayong mag-alala, Ma, ayos lang po ako. Kayo po kumain na at mag-iingat palagi ni Tatay." Ilang paalala pa ang ibinilin sa akin ni Mama at ibinababa na ang tawag.

I sighed, I hated lying. I hope I could see them after this dilemma.

I remembered the white envelope earlier from the locker. Fear crawled through my being and sweat started to form on my forehead.

"Steinhart! Gusto mong sumama sa amin? Pupunta kami sa cafeteria para kumain." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses, nakita ko si Nimrod kasama si Neiza na nasa tapat na ng pintuan.

"We should talk about how we are going to solve this mess and also discuss the code immediately." Neiza looked so serious. Well, we could not blame her because of the situation.

Pagkababa namin sa ground floor ay may ilang estudyante pa kaming nakita at nakasalubong na bitbit pa ang ilang mga libro na mukhang dadalhin pa nila hanggang sa pag-uwi sa kani-kanilang mga bahay. Halos sarado na ang mga pinto ng mga classroom na nadaanan namin. Kumalat na ang kadiliman ng gabi ngayon sa academy, at tanging ilaw sa kisame sa hallway na dinaraanan namin ang nagbibigay liwanag papunta sa cafeteria.

"Mag-send kaya tayo ng secret codes sa mga estudyante na huwag na silang pumasok sa school bukas? Delikado na kasi baka madamay pa sila," suhestiyon ni Nimrod.

"It is not easy. Some can't decode codes. If we send them a bold message, some may panic or get paranoid," paliwanag nito. Napabuga nalang ako ng hangin sa dami ng iniisip.

"Kailangan nating isikreto muna 'to ngayon. Wala sa plano natin ang takutin ang buong academy," dagdag nito.

Nakabukas pa rin ang cafeteria dahil may ilang estudyante pa at faculty members ang nasa school. Naupo muna kami matapos naming ibigay ang mga order namin. Inilibot ko ang paningin ko sa tahimik na paligid para ilihis ang mga gumugulo sa isip ko. Noon, halos magkapalitan na ng mukha ang mga estudyante dito nagsisiksikan makakuha at maka-order lang ng mga pagkain na gusto nila. Ngayon, parang gusto ko na lang na ganito katahimik ang cafeteria, para kung sakali man na mahuli kami ay walang madadamay.

"Steinhart, get up, our orders are here," Nimrod said while heading out of the cafeteria together with Neiza.

Napansin ko na naging mas tahimik si Neiza mula nang makalabas kami ng cafeteria. Tumayo ako at sumunod sa likuran nila at umakyat muli sa hagdan pabalik sa principal's office.

Habang naglalakad pabalik sa opisina, nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Hindi ko alam kung dala ba ng malamig na simoy ng hangin ngayong gabi. Kakaiba ang pakiramdam ko na tila may isang tao na nakamasid sa likuran ko. Nilakasan ko ang loob ko at lumingon para makita kung may tao ba sa paligid. Nang makumpirma ko na wala ay lalong nadagdagan ang kaba sa sistema ko. Ibinaling kong muli ang atensyon sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad, baka sa sobrang dami na ng nangyayari ay kung ano-ano na lang ang nararamdaman at nakikita ko.

We were back in the office. We sat on the chairs made of steel, in front of us was a round wooden table, it had black curves around, and was accompanied by a porcelain vase in the middle.

"I admit you can help, but hear this out, you both are not officially members of the club. Stei, remember you're in danger, the club can't save you. I just can't. I'm sorry."

"Naiintindihan ko naman ang ibig mo sabihin, Neiza, pero hindi mo na ako mapipigilan pa na hindi tumulong sa sitwasyon na mayroon kayo ngayon ng tito mo," paliwanag ko sa kaniya.

Call me crazy, but I wanted to spend my time here with Neiza even if my life was at stake.

"Nimrod? Are you not going home?" tanong ko sa kaniya para ilihis ang atensyon ni Neiza at huwag nang mag-alala pa.

"Nag-text na ako sa parents ko na hindi ako makakauwi. Ang sabi ko may ginagawa tayong projects."

Narinig namin ang pagpihit ng doorknob ng pinto ng opisina. Iniluwa nito si Mr. Montefalco na halos habulin ang paghinga sa sobrang hingal na animoy tumakbo nang napakalayo. Hindi ko alam kung ako lang, pero may napapansin akong kakaiba sa ikinikilos nito, pero kaagad kong binura iyon sa isipan ko. Nilapitan niya ang pamangkin at may sinabi. Kahit na mahina lamang ang boses nito ay sapat pa rin iyon para marinig ang mga salita na sinabi nito.

"I think it was a warning. Mr. Louie, one of the janitors, saw Liam, the guy from the incident? I think that's his name."

Ngayon, naalala ko na ang pinag-uusapan nila ay ang balita tungkol sa insidenteng nangyari noong nakaraang linggo, ito rin ang tinitingnan ni Nimrod sa cellphone niya kanina habang abala ako sa pagsagot sa sulat na ibinigay sa akin ng XO.

Inilapag ni Mr. Montefalco ang cellphone nito sa mesa. Tumayo kami at lumapit doon pars makita ito nang mabuti. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng malamig ng tubig sa nakita ko na naka-flash sa screen ng cellphone. Naramdaman ko ang rin ang presensya ni Neiza sa tabi ko na nangangatog din sa takot dahil sa nakitang litrato.

The photo flashed on the screen and it was Liam, bathing in his own blood, his head was cracked and his thick, red blood spilling from it. I couldn't even explain how brutal the picture was. I couldn't even stare at it without grimacing.

How could they do such a merciless act!

My head was starting to ache and a blurry image was flashing through my head, but I paid no mind to it. All I could hear was Neiza's sobbing and in between her sobs, she said, 



"He's dead."


#

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon