Steinhart Pov
I was trying to think and remember everything that happened, but all went in vain and I couldn't remember anything from my past. I couldn't even remember my parents and why I was alone. It seemed like a big part of my life was lost.
Mula elementarya ay kinukupkop ako ng mga madre at pari sa simbahan. Nang dumating ang araw na may umampon sa akin ay tuluyan ko nang hindi matandaan ang lahat. Ilang taon din ang lumipas nang mapagdesisyunan ko na humiwalay na sa mga itinuring kong pamilya. Pinayagan nila ako at sinabi na patuloy pa rin nila akong susuportahan, lalo na sa pag-aaral ko.
Isang staff ng school ang nakakita sa akin na walang malay sa laboratory room. Kaagad itong tumawag ng mga teacher para ipagbigay alam ang kalagayan ko. Nang malaman ito ng mga tumatayong guardian ko ay naisipan nilang lumipat na ako ng ibang eskwelahan. Halos tatlong taon na akong nag-aaral sa Arch Academy, why would they tell me about that unexpectedly?
I couldn't sleep, or maybe I didn't want to sleep because I kept on thinking about the girl hiding in the darkness. Every time I think of it, there was a feeling of discomfort, a feeling where I wanted to remember all of the memories I had, where I thought the girl from the darkness was connected to me. When I decided to live only on my own, something strange started to accompany me and my soul. A strange perception kept on tormenting me.
I just sat on my study table, turned on the little lamp at the corner side of my table. I put my books and other notes to make myself busy. I turned on the music to help me relax my mind and give me some energy to do my work. Afterwards, while doing my assignments, I read my notes and did an advance reading on my modules.
Maybe with this, I could forget those thoughts I couldn't explain.
Ilang pagtilaok ng mga manok ang umalingawngaw sa buong paligid. Kahit na nasa loob ako ng kwarto ay dinig pa rin ang mga ingay mula sa labas ng maliit kong tinutuluyan. Ilang sigaw mula sa nagbebenta ng mga pandesal at mga ulam sa umaga, ang pagpasada ng mga tricycle driver at pampasaherong jeep, kaliwa't kanan din ang mga pagbusina ng ilan pang sasakyan sa kalsada. Maririnig din ang pagtama ng mga walis tingting sa lupa kung saan ang ilang tao ay nagsisimula nang maglinis sa kanilang bakuran.
Nang magising ako nang tuluyan ay tuloy pa rin sa pagtilaok ang mga manok. At napagtanto ko na ringtone ko nga pala ang tumutunog. Namumungay pa ang magkabilang mga mata ko at pilit na kinakapa ang cellphone ko sa gilid ng mesa ko.
"Nasaan ka na ba!" naiinis kong sabi na para bang kayang sumagot pabalik ng cellphone.
Tumayo ako nang maayos at narinig ang mahinang pag-pop ng buto ko sa likod.
"Oh, my back! Ugh!" I exclaimed.
Mukhang kakailanganin kong uminom ng gamot, sobrang sakit ng likod ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa study table ko.
Dahil ba sa sobrang pag-iisip ko kagabi ay hindi na ako nakahiga sa kama at pinili na lang matulog nang nakaupo?
Anong oras kaya ako nakatulog?
Napatingin ako sa mga nagkalat sa sahig kung saan ako nakatayo. Lahat ng notebooks, notes, modules, at maging mga print-out ay nasa malamig na sahig na. Lumuhod ako para pulutin ang mga iyon. Inayos ko na ang mga ito sa mesa at pinatay na ang lamp na hanggang ngayon ay nakasindi pa rin. Sunod na hinanap ko ang cellphone ko na patuloy pa rin sa pag-iingay.
A typical morning atmosphere inside a school. The birds chirped monotonously. Fresh air that was good to breathe.
I walked in the hallway while simply massaging a little part of my back. I stopped then looked at my silver wristwatch.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)