Stop The Drama

48 7 0
                                        

[Continuation...]



Kaagad kong inilabas ang cellphone ko at naghanap ng mga bagay na kakailanganin ko para ma-break ang code.

"May ballpen ka?" tanong ko habang nakaupo sa tapat ng computer at pinag-aaralan ang mga naka-flash na code sa screen ng computer.

Kinuha si Nimrod ng ballpen sa loob ng kaniyang bag. Mabilis kong inaabot iyon sa kamay niya at kinuha ang isang piraso ng bond paper na nakapatong sa tabi ng computer at nagsimula na akong magsulat.

DECRYPTED

V-S

K-H

H-E

O-L

Y-V

H-E

V-S

E-B

O-L

H-E

D-A

F-C

K-H

H-E

U-R

V-S

V-S

S-P

R-O

R-O

Q-N

Nang matapos akong magsulat ay lumapit si Nimrod at tiningnan ang naisulat ko, palipat-lipat din ang tingin nito sa papel at sa sarili kong cellphone kung saan naka-flash ang Caesar cipher. Sa tingin ko ay pinag-aaralan niya rin kung paano niya ito matututuhan tulad ko.

Ipinakita ko na sa kanila ang papel. Napakunot-noo naman sila, maging ako ay walang ideya sa naisulat ko. It didn't not make sense at all.

Shelves? Bleachers? Spoon?

At ano ang gagawin namin sa mga bagay na iyon?

Naputol ang mahabang pag-iisip ko nang lumapit si Steinhart sa amin. Hindi kaagad ako nakakilos sa paglapit niya. Hindi ko namalayan na kinuha na nito ang ballpen na hawak ko at may isinulat rin sa papel. Tiningnan ko siya nang seryoso kahit ang atensyon nito ay nasa isinusulat niya. Desidido talaga siya sa pagtulong sa problema na mayroon ngayon sa amin kahit na hindi ko pa sila tinatanggap bilang miyembro ng club. Ibinaling ko na lang muli ang atensyon ko sa papel.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa may emosyon akong nararamdaman sa loob ko. Sobra ang kaba na nasa puntong hindi ko na maipaliwanag.

"I think shelves mean libraries, bleachers are for gymnasium, and spoons for the cafeteria." Itinuro niya pa ang nasa papel kung nasaan ang isinulat niya, maging ang mga code sa screen ng computer.

Humakbang na ito paatras. Hindi ko sinasadya na tingnan siya at tila napako ako sa kinauupuan ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Kung hindi pa nagsalita ang Tito Flavian ay magkakaroon talaga kami ng staring contest ni Steinhart.

"I'm going out. I'm going to look at the locations that were given inside the academy." Tumayo ako para pigilan siya, masyado siyang nadadala ng emosyon nito at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya sa labas.

"Can you just stay here and watch the computer if something strange happens?"

Kung hindi pa kami kikilos nang maaga, baka mahuli na ang lahat at wala na kaming magagawa kundi ang magsisi. Napansin ko na naglalakad na si Steinhart palabas ng opisina.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon