A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
[Contonuation...]
Ten o'clock in the evening.
Bitbit ang dalawang paper bag na may lamang mga pagkain ay masayang naglalakad pauwi ang magkakaibigan. Pagod man ay may masayang ngiti ang nakapinta sa mga mukha ng bawat isa. Dumaan na rin sila sa bahay ni Nathalie upang kunin ni Neiza ang mga kailangang mga papel. Literal na apat na sulok ng bahay ang mayroon ang dalaga. Mahimbing naman ang tulog ng isang matandang lalaki na nasa sahig at tanging kumot ang naging sapin ng matanda bilang higaan.
"Salamat sa inyo, malaking tulong ang pagpunta ninyo kanina." Bahagyang ngumiti si Nathalie, ngunit napawi rin ito ng pagtataka sa narinig.
"Actually, may kapalit ang lahat. Huwag kang titigil sa pag-aaral." Inabot ni Steinhart ang isang maliit na bote ng alcohol, bulak, at Band-Aid.
"Huwag kang magagalit, naikuwento pala ni Neiza na naiwala mo ang funds ng klase ninyo." Isang brown na envelope ang inabot pa ni Steinhart sa dalaga.
"Idagdag mo na 'to, hanggang sa mabuo na natin 'yung pera. Ayos lang sa akin na mag-part time para tulungan ka."
Ibinigay rin ni Nimrod ang pera na natanggap niya kanina sa fast-food. Hindi man kalakihan ang natanggap nilang bayad ay malaking tulong na rin ito sa dalaga.
"Ito naman sa gamot ni Lolo."
Maluha-luhang tinanggap ng dalaga ang pera kay Neiza. Sinabihan na rin ni Neiza na ihiwalay ang pambayad sa mga gamot ng kaniyang lolo at sa pera para sa klase. Naiintindihan niya na nagastos ni Nathalie ang pera ng klase para sa lolo nito.
"Kita tayo bukas." Yumakap sina Neiza at Malorie, kumaway naman ang dalawang binata kay Nathalie at umalis na.
Ilang minuto ang lumipas ay nasa bus stop na sila. Tahimik naman na naghihintay ang magkakaibigan. Ilang kanto lang din ang layo ng apartment ni Steinhart kung kaya't pinili niyang hintaying makasakay ang mga kaibigan ng bus o taxi.
"I don't expect you to do the work, coming from you." Nailing pa si Nimrod sa sinabi niya.
"It's not a big deal to me, I'm not doing anything today. It's also an experience, plus we are able to help, besides . . ." Napatingin siya kay Neiza na seryosong nakatingin sa kalsada upang pumara ng sasakyan nila pauwi. "I also want to help Neiza who looks stressed," dagdag niya. Mahina man ang pagkakasabi niya sa katabi niyang si Nimrod ay hindi napigilan ng binata na mag-react kung kaya't napaharap si Neiza na walang ideya sa sinasabi ni Steinhart.
"Huh?" nagtatakang tanong ng dalaga. Biglang natuod si Steinhart nang magtama ang paningin nilang dalawa.
"Ano . . . may bus na!" Humakbang siya paabante at makailang beses na kumaway upang parahin ang bus na paparating.
"Magpahinga na, may trabaho pa bukas." Tinapik na lang ni Malorie na palihim na nakangiti kasama si Nimrod na inaasar siya patalikod.
"Sige, ingat!" Saktong nakahinto na ang bus. Hinintay muna nilang makababa ang ilang pasahero. Bahagya pang itinulak ni Steinhart ang kaibigan si Nimrod palapit sa bus dahil hindi ito tumigil sa pang-aasar.
"Keep safe, too!" sigaw pabalik ni Neiza at kumaway pa. Nang tuluyang makaalis ay nagsimula na siyang maglakad pauwi.
Mag-isa muli.
***
Matapos ang maghapong klase ay halos gusto na ni Steinhart na ihiga ang katawan sa malambot na kama. Namumungay pa ang mga pares ng kaniyang mata na ilang segundo na lang ay pipikit na. Ngunit marahas na pagkakaakbay ang naramdaman niya dahilan upang umayos siya ng upo.
"Ibang klase ang professor ninyo. Your professor really took his time, ano?" Inalog pa ni Nimrod ang katawan niya gamit ang magkabilang balikat. Feeling exhausted man ay tumayo na si Steinhart at sumabay na sa paglabas ng kwarto. Hindi pa rin humihina ang energy na mayroon si Nimrod, palaging full charge gayong pauwi na at tapos na lahat ng klase.
"Bakit ba antok na antok ka? Puyat ka ba? Hindi ka makakasama niyan sa fast-food?" walang preno na tanong ni Nimrod.
"Sasama ako, may napanaginipan lang ako kagabi kaso biglang naputol. Kahit ano'ng gawin ko para matuloy, hindi ko na magawa. Pakiramdam ko, mahalaga 'yun."
Napahinto sa paglalakad si Nimrod nang marinig ang mga katagang binitiwan ng kaibigan. "May naaalala ka na?" Napaatras siya nang umakto na sasapakin siya ni Steinhart, mukhang nagising nang tuluyan ang kaibigan niya.
"Hindi ko nga natuloy kaya hindi ko na maalala! Lumayo-layo ka't baka hindi kita matantiya." Umakbay pa rin si Nimrod kay Steinhart, napahinga na lang nang malalim ang huli dahil sa kakulitan ng kababata.
"Ang mabuti pa, 'wag mo munang alalahanin 'yan. Relax lang at ikain muna natin 'yan."
Tumango na lang si Steinhart at nagpatuloy na sa pagbaba sa groundfloor upang kitain ang dalawa pang kaibigan.
Napatingin siya sa paligid kung saan unting-unti bumabalot sa himpapawid ang kahel. Palubog na ang haring araw at ilang minuto na lang ay gabi na namang muli. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga imahe siyang nakikita, mga imahe sa dilim kung saan may mga simbolo siyang hindi maipaliwanag. Pilit sumisiksik sa kaniyang isipan ang malawak na kapatagan, mga puntod, imahe ng dalawang tao na nakasisigurado siyang malapit sa kaniya. Malabo man ang mga mukha ng mga ito, alam niyang sila ang tunay niyang mga magulang. Nakapagtataka lang dahil wala siyang maalala sa mga pangyayari noon na ginugulo siya ngayon. Wala siyang ideya kung saan lugar ang mga puntod na nakita niya. Iyon ang mga dahilan kung bakit kulang sa tulog si Steinhart. Sumapit muli ang gabi, hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil may mapapanaginipan muli siya tungkol sa nakaraan ng kaniyang buhay, o patuloy lang siya na guguluhin ng mga malalabong imahe na mahirap ipaliwanag kung ano ba talaga ang mga ipinahihiwatig ng mga ito.
***
"Salamat po! Come again!" nakangiting sabi ni Steinhart sa customer matapos iabot ang mga in-order na mga pagkain. Isa siya sa ipinuwesto sa counter. Samantalang si Nimrod ay naglilinis at minsan ay nagse-serve rin ang trabaho. Ang dalawa babaeng kaibigan niya ay sa kusina ang trabaho kasama si Nathalie.
Napalingon siya sa gilid nang maramdamang may lumapit sa kaniya.
"Sigurado ka ba? Pasasagutan mo sa 'kin 'to?" diretsong tanong ni Steinhart nang makita ang isang kapirasong papel na inabot ni Neiza. May ilang letra ang nakasulat doon. Isang code.
YKTFEHREAOP
LMAINWEAA
Hindi na siya sinagot ni Nieza dahil may customer muli sa counter.
"Good evening po! Ano po'ng order nila?" nakangiting tanong ni Steinhart at pasimpleng kinuha ang maliit na papel at inilagay iyon sa kaliwang bulsa ng kaniyang pantalon.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mistério / Suspense"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)