Part Time Job

11 1 0
                                        


[Continuation...]



Naalimpungatan si Steinhart at nang idilat niya ang mga mata ay nakita niya ang kaibigan. Si Malorie.

"Mukhang napuyat ka kagabi?" tanong ng dalaga at inilapag ang ilang fillers sa mesa.

"Ikaw pala." Umayos sa pagkakaupo si Steinhart at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi. Mabuti na lang at walang laway roon.

"May biglaang meeting mga professor natin, mabuti at napadaan ako rito sa room ninyo. Mag-lunch na tayo."

Ngayon pa lang napagtanto ni Steinhart na wala na ang mga kaklase niya. Kaya pala tahimik ang lugar at napasarap ang pag-idlip niya.

Tumayo na siya matapos ilagay ang notes niya sa bag at sabay sila ni Malorie na lumabas ng kwarto.Tahimik lang siyang naglalakad kasama ang kaibigan, pilit niyang inaalala ang naging panaginip, ngunit unti-unting namang nabubura ang mga iyon sa kaniyang isipan.

Isang mahigpit na paghawak sa braso ang naramdaman ni Steinhart. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ang dalaga. Nang mahuli niya ang tingin nito ay puno ito ng pagtataka na may halong pag-aalala.

"Ayos ka lang ba talaga?" Marahan nitong inilapat ang palad sa noo ni Steinhart.

"M-May iniisip lang ako. Pasensya na, pinag-aalala kita." Bahagya pang ngumiti ang binata upang kahit papaano ay mabawasan ang pag-alala sa kaniya ng kaibigan.



"Mabuting kumain na tayo."



***



Nasa field sila kung saan nakahilera sa may gilid ang matandang puno ng mangga at Acacia. Papunta na rin sina Nimrod at Neiza.

Halos mapudpod na ang screen ng cellphone ni Steinhart dahil sa panggigigil sa paglalaro ng isang online game. Abala naman sa pag-aareglo ng pagkain sa maliit na mesa si Malorie na nabili nila kanina sa cafeteria.

Halos makapagsalita nang masama si Steinhart sa isang paghiyaw. Maging si Malorie ay napapitlag sa gulat.

"Ayaw ko na! Nakakain ako ng puwet!" humagulhol ito at napakapit sa binti ni Steinhart na kaagad namang ikinatayo ng binata. Halos ambahan niya ang kaibigan sa pagdadrama nito.

"Napano 'yan?" nagtatakang tanong ni Malorie kay Neiza na napa-roll eyes pa nang lingunin nito si Nimrod na pilit kumakapit sa binti ni Steinhart.

"Malinis naman siguro 'yun. Ibebenta ba nila kung hindi." Napailing na lang ito at inabot kay Malorie ang isang pakete.

"Kahit na! Puwet pa rin ng manok 'yun!" Kulang na lang ay ipahid ng binata ang dila nito sa damuhan sa sobrang pandidiri.

"Saan ba galing 'yan?" Pilit na umiiwas si Steinhart na maglapit silang dalawa. Kung puwede lang umakyat sa puno ng Acacia ay gagawin niya makaiwas lang.

"Bigay lang ng ka-club member ko." Dumura ito nang ilang beses at halatang hindi nito nagustuhan ang nakain.

"Katakawan 'yan." Napailing na lang si Steinhart at ibinulsa ang cellphone, sumuko na rin sa paglalaro. Lumapit siya sa mesa at tiningnan ang pakete na may laman pa sa loob. Amoy barbeque flavor.

"Malay ko ba! Akala ko kasi mga fried mushroom 'yun! 'Tsaka lasang mushroom din kasi!" explain nito at kulang na lang ay magpapadyak ito sa inis.

"Label muna kasi bago kain." Inihagis ni Steinhart ang pakete sa binata. Hindi kaagad nakaiwas si Nimrod kung kaya't tumama ang pakete sa mukha nito. Lalong namula ang mukha ni Nimrod at naiyak na lang.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon