Attention

12 1 0
                                        


Medallion University


"Magsusuot na lang ako ng face mask." Nilagyan na ng gamot ang pisngi ni Steinhart at tinapalan ng ilang Band-Aid sabay suot ng face mask.

Bumalik na sila sa University at nasa meeting place sila, sa lilim ng puno ng Acacia at mga mangga. Sumama sa pulisya si Zandra upang ireklamo ang mga ginagawa ni Arjay sa kaniya.

"Sobrang daming mga tao ngayon sa gilid ng field. Mabuti at pumuwesto kaagad sina Neiza at Malorie sa puwesto natin," paliwanag ni Nimrod na may bitbit na mga snack na binili nila sa kalapit na convenience store sa tabi ng university sa labas.

Nang makalapit na sila ay naguguluhan ang dalawang dalaga na nakatingin kay Steinhart. Napaiwas na lang ng tingin ang binata.

"Are you sick? Bakit ka pa pumasok?" sunod-sunod na tanong ni Neiza.

Sumagot kaagad si Nimrod, "Nakipagbardagulan na naman." Pasimple siyang siniko ni Steinhart, pero walang pakialam ang huli.

"Daplis lang. Don't mind me—aray!" Bahagyang tinampal ni Nimrod ang pisngi ni Steinhart na may sugat. Kahit na nalagyan na ito ng gamot ay may kirot pa ring nararamdaman ang binata.

"Daplis lang pala, ah?" Sinamaan ng tingin ni Steinhart si Nimrod na kaagad tumabi kay Malorie at nagpatay malisya. Inabutan na lamang ni Nimrod ng pagkain ang dalaga.

"Siguro ka ba na ayos ka?"

Tumango si Steinhart at bakas sa pagsingkit ng magkabilang mata nito ang pagngiti. Hangga't maaari ay gusto niyang mawala ang pag-aalala ng mga kaibigan sa kaniya, kahit na magkunwari na kaya niya ang sakit at magpanggap na hindi siya nasasaktan at nahihirapan.

Nang kalahating oras na ang lumipas ay nagpaalam muna si Steinhart na pupunta sa restroom. Abala pa rin ang mga kaibigan sa panonood ng soccer game. Nagprisinta si Nirmod na samahan siya nito, ngunit hindi pumayag ang binata dahil saglit lang naman siya roon.

Maingay ngayon saan man lugar sa loob ng unibersidad. Naghahari ang pagsigaw at palakpakan sa paligid dahil sa iba't ibang palaro at pakikipaglaban ng mga atletang ilang buwan ding nag-ensayo para makamit ang mga medalya. Ngunit sa kabila ng mga pag-iingay ng mga estudyante ay may mga estudyante pa ring kumikilos nang palihim at ang paggawa nila ng ingay ay magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Mahinang pagsasalita ang naririnig ni Steinhart nang tuluyan niyang patayin ang gripo sa lababo. Tapos na siyang gumamit ng banyo at hindi pa rin magawang makaalis sa lugar. Pumikit siya upang pakiramdaman kung saan nanggagaling ang mga boses.

"Nailagay ko na 'yung bagong camera, napalitan ko na rin ng bagong memory card."

"Maraming mga babae pa man din ang pumapasok ngayon dito."

Naisipan niyang lumabas ng building at nagtungo sa likuran. Hinanap niya kung saan nakalugar ang restroom. Nakabibingi ang sobrang katahimikan at tanging pagkalaglag ng mga tuyong dahon mula sa mga matatandang puno ang maririnig sa paligid. Nang makumpirma na walang taong makikita ay tumalikod na ang binata upang bumalik na sa field.

It only took one step when a kind of glass shattered, causing Steinhart to face again. He found men coming out of a small window. It was just strange because they were wearing women's clothes. Steinhart immediately came over to help one get down. When he approached, he found two pieces of wigs on the ground and broken jalousie windows.

"Napadaan lang ako, hinahanap ko 'yung alaga kong aso," pagsisinungaling ni Steinhart. Marahil dahil na rin sa tago ang lugar at maraming punongkahoy ay hindi niya napansin na may tao kanina. Napatingala silang pareho nang makita na palabas ang isang lalaki.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon