Secret Headquarter

24 0 0
                                        


[Continuation...]


Sirius Feliciano Pov



Tatlong minuto pa ang natitira sa oras, mabagal man ang pag-andar nito ay hindi pa rin kami makampante, sasabog pa rin ang bomba sa oras na mamali kami sa pagputol ng mga wire.

"Hindi ka ba nagsisisi na sumali la sa grupo namin?"

Napahinto ako sa pag-alis ng mga tape sa katawan ng babae.

Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Nagsisisi? Wala akong pinagsisisihan. Masama man ang impresyon sa inyo ng mga estudyante noon, maging ako, pero naintindihan ko na lahat ang mga ginagawa n'yo matapos kong sumali sa inyo."

Napangisi si Tyler, kahit na pawis na pawis ang mukha nito ay bakas pa rin ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha.

"Kung sakaling mahuli tayo, sasama ka rin sa amin sa kulungan? Makasisigurado ba kami na mananatili kang nasa tabi namin kahit ano'ng mangyari?"

Tila mga putok ng bala ang mga binitiwang mga salita nito, tumagos lahat ang mga iyon sa laman ko. May mga tunog ng wangwang na maririnig sa academy. Wala akong ideya kung sino ang tumawag ng mga iyon, ang alam ko lang ay mahuhuli na kami ng mga pulisya.

Pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya niya. Ipamumukha ba ni Tyler na ako ang may kagagwan ng lahat ng kaguluhan ngayon sa academy?

"Tyler? Ano'ng ibig sabihin nito?"

Napaluhod ako nang marahas akong hawakan nina Jervey at Claud. Naguguluhan akong tumingala sa kaniya habang nilalaro ang matalim na kutsilyo sa kanang kamay niya.

"Do not try to define me," ang sabi niya, biglang pumasok sa alaala ko ang mga salitang iyon.

"Hawak ng isang estudyante ang mensahe na 'yun, pero mas importante ang mga nalaman ko sa pagkatao niya. Wala kang ideya sa nangyayari sa headquarters, matagal ko na itong pinag-isipan at siguro, oras na rin na sabihin mo ang katotohanan. Kapag hindi ka pumayag at sumunod sa mga sasabihin ko, pasensya na lang at hindi na masisinagan ng araw ang pinakamamahal mong kaibigan na si Neiza."

"Napakawalang hiya mo! Bakit mo ginagawa 'to!" Nagpumiglas ako, pero mas malakas pa rin ang pagpigil at paghawak nila sa akin para hindi makawala.

"Kung ililihim mo sa akin ang totoong pagkatao ni Steinhart, itatali ka rin namin kasama ang babaeng 'to at hahayaang sumabog kasama ng bomba ang mga parte ng katawan ninyo at kumalat sa lugar na 'to. Hindi ba't magandang ideya 'yun?"

Hindi puwede ito! Hindi puwedeng saktan nila si Neiza! Hindi ako papayag!

Nawalan na ako ng lakas pa para lumaban, naramdaman ko na niluwagan na nila ang pagkakahawak sa braso at kamay ko. Napatingala ako nang alalayan ako ni Tyler na makatayo.

"As I expected, masyado mo akong pinahahanga, Sirius Feliciano." Napansin ko na inalalayan din nina Claud at Jervey ang babae na makaalis sa upuan, wala na rin ang bomba sa katawan niya at nakita ko itong nasa sahig at nakahinto ang oras.

"Tara na, sinusubukan lang kita," dagdag pa ni Tyler. Tinapik rin nina Jervey at Claud ang balikat ko at nauna na sa paglalakad paababa ng ikalawang palapag.

Ano'ng nangyari?



***

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon