Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.
Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
A week passed.
May usapan ang mga kaibigan ni Steinhart na sina Neiza, Nimrod, at Malorie na magkita sa bahay nina Nimrod. Kaarawan ngayon ng kaniyang kapatid kung kaya't inimbitahan ni Nimrod ang mga kaibigan.
Sabado noon, bago magtanghali ay isa-isa na niyang sinundo ang mga kaibigan. Sakay ng isang Camry sedan ay bumiyahe na sila sa bahay nila ni Nimrod. Nasa backseat ang dalawang babaeng kaibigan, habang nasa passenger seat naman si Steinhart. Sa isang subdivision nakatira sina Nimrod, bago pa sila makarating sa bahay ay may nadatnan silang mga sasakyan ng mga pulis sa isang bahay, hindi kalayuan sa tirahan nina Nimrod.
"Anong meron? Bakit may mga pulis?"
Huminto sa gilid ng kalsada ang sinasakyan ng mga magkakaibigan.
"Kilala mo ba nakatira diyan?" tanong ni Steinhart na nasa driver's seat. Sumilip siya sa malaking bahay, nakabukas ang gate, pero hindi pa rin makita ang kabuuan ng bahay dahil sa mga halamang nakapalibot dito.
"Actually, kaibigan namin 'yung anak ng mga nakatira diyan. May nangyari kasing aksidente na kinasangkutan ng anak nila, pero walang ideya ang anak nila dahil walang maalala ang dalaga sa nangyaring insidente," paliwanag ni Nimrod na sumilip din sa bahay.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Malorie.
"Nakausap ko mismo 'yung biktima. At saka kapag ba ikukuwento ko sa inyo, maniniwala kayo?"
Tumango ang mga kaibigan niya, muli ay pinaandar ni Nimrod ang sasakyan at itutuloy ang usapan sa loob ng bahay nila.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin sila. Pinatuloy ni Nimrod ang mga kaibigan at dumiretso na sa loob. Wala pang masyadong tao at mamayang hapon pa magsisidatingan ang mga bisita ng kapatid.
"Magandang araw po," kaagad na bati nila nang makita ang mga magulang ni Nimrod. Nagmano rin sila rito para magbigay galang.
"Ipaghahanda ko na kayo ng makakain," sabi ng ginang at pumunta muli sa dining area para ihanda ang mga pagkain.
"Tara sa second floor, nandoon 'yung celebrant."
Nakangiting tumango sina Neiza at sumunod kay Nimrod na umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.
Masayang ipinakita at itinuro ni Nimrod ang mga kwarto at ibang bahagi ng bahay nila. Hindi ito gaanong malaki at isang ordinaryong bahay lang ito na may may pagkamoderno ang style.
"Nandito na tayo!" Kumatok muna si Nimrod sa isang pinto na gawa sa magandang uri ng kahoy. Nakakatatlong katok na siya, ngunit wala pa ring nagbubukas. Kumatok muli siya, pero wala pa ring nagbukas ng pinto. Napilitan na pihitin ng binata ang doorknob at tuluyan na nga itong nabuksan.
Madilim sa loob ng kwarto. Mabilis na sumuot sa kanilang mga ilong ang amoy ng pabango na tila gawa sa isang napakabangong bulaklak. Maririnig sa buong kwarto ang boses ni Nimrod na makailang ulit nang binanggit ang pangalan ng kapatid.
"Oryang? Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawag. Aba naman!"
"Sino si Oryang?" tanong ni Malorie.
Nagkibit balikat na lang si Neiza at hindi malaman ang reaksyon kung matatawa ito sa pangalan na narinig.
"Ay, sura!" Napatakip ng bibig si Steinhart sa nasabi dahil sa gulat.
Napapitlag ang magkakaibigan nang marinig nila ang pagsara ng pinto. Nang lingunin nila ang pintuan kung saan sila pumasok ay may isang itim na imahe ang gumalaw palapit sa kanila. Nangangatog na umatras ang dalawang babae dahil sa takot. Itinulak naman ni Steinhart sa harapan si Nimrod para gawing harang sa kung ano mang elemento ang nakikita nila.
"Kuya! Ang ingay mo!" asik ng isang boses mula sa isang babae.
"Kanina ka pa kasi tinatawag!" Akmang kukurutin pa ng binata ang labing-walong taong gulang na kapatid sa tagiliran.
Napatayo nang maayos sina Steinhart nang mapagtanto na ang kumikilos kanina ay ang kapatid ni Nimrod. Isa-isang bumukas ang ilaw sa kisame at lumiwanag na sa buong kwarto.
"Kahit kailan talaga, napakatipid mo. Pati paggamit ng kuryente—"
"I love darkness kaya," protesta ng kapatid ni Nimrod.
"Ewan ko sa 'yo," banat naman ni Nimrod. Napalingon siya sa mga kasama na halos nakadikit na sa malaking binata na may navy blue na kurtina, at halos tumalon na sila pababa dahil sa takot.
"May bisita ka na, pero nagkukulong ka pa rin sa kwarto? Mag-ayos ka na nga. Tingnan mo 'yang itsura mo, para kang bampira." Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang magkapatid.
"Baka puwede na kaming lumabas? Sa sala na lang muna kami at nang makapag-usap kayo nang maayos," paghingi ng excuse ni Steinhart. Nagmadaling lumapit sa pinto si Steinhart, pero dahil sa nararamdaman pa ring kaba sa dibdib ay maling pinto pa ang nabuksan niya.
Napaatras siya at tuluyang napaupo sa makintab na sahig. 'Anak ng tinola naman!' sigaw niya sa isip.
May babaeng nakaupo sa gilid ng isang kama, nakayuko ito dahilan para ang buhok nito ay tumakip sa mukha nito. Nagmukha tuloy itong sadako dahil sa mahabang buhok na mayroon ito. Malayo pa ang Halloween, pero kung ano-ano na ang nakikita nilang kababalaghan.
"Kuya? Ayos ka lang?" dire-diretsong tanong ng kapatid ni Nimrod. Kaagad naramdaman ni Steinhart ang paghawak ni Nimrod sa kaniyang braso upang tulungan na maitayo.
"Pasensya na po, kaibigan ko po siya." Itinuro nito ang babae na nasa kwarto. Napalingon si Nimrod at gulat ito sa nakita.
"Arbhi?"
***
May maliit na living room sa kwarto ng kapatid ni Nimrod, doon tahimik na nakaupo ang magkakaibigan.
Makalipas ang labinlimang minuto ay nahimasmasan na ang magkakaibigan. Gusto mang magpaliwanag ni Nimrod ay maging siya ay walang masabi dahil sa natuklasan.
'Bakit nandito siya?'
'May alam ba siya sa nangyayari sa bahay nito?'
"Ang totoo niyan, Kuya, alam na lahat ni Arbhi ang totoo," paliwanag ni Naomi, ang palayaw pala nito ay Oryang.
Naagaw ang atensyon ni Nimrod sa narinig mula sa kapatid. "Ano'ng sabi mo? Totoo ba 'yun, Arbhi? Ibig sabihin, ikaw ang tumawag sa mga pulis na nasa bahay ninyo ngayon?" Naguguluhang tanong ni Nimrod sa dalaga na humihikbi ngayon. Marahang pagtango ang natanggap niya sa mga katanungan na ibinato niya.
"Does it mean that the friend you told me about earlier was her?" Steinhart asked.
Nimrod answered it quickly, "Yes, mahirap ipaliwanag ang nangyari. Akala ko rin sa mga pelikula ko lang mapapanood 'yung mga pangyayaring 'yun."
Sumingit na si Neiza dahil sa kuryosidad na naghahari sa sistema niya. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng magkapatid kahit na ang kaibigan nilang si Steinhart ay halatang naguguluhan.
Malalim na paghinga ang narinig nila at mula iyon kay Arbhi. Nagpunas ito ng luha na patuloy na bumabasa sa kaniyang pisngi. Humarap ito sa mga bisita ng kaibigan at nagsimula nang magsalita.
"Ikukuwento ko ang nangyari. Sana ay huwag n'yo akong husgahan," ang sabi ng dalaga.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misterio / Suspenso"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)