[Continuation...]
Inilapag ni Steinhart ang malaking cup sa mesa. Nakuha na niyang maubos ang laman ng malamig na milktea sa pakikinig kay Zandra at dahil doon ay napagdugtong niya ang mga ideyang nakalap nito.
"He doesn't really love you. The truth is, he is obsessed with you." May kinuha si Steinhart sa maliit na bag, isang puting papel at isang ballpen.
"Can I have the address of your apartment? You said that he still goes back and forth there, at kahit na palitan mo ang password ng pinto ay nabubuksan niya pa rin."
Isinulat naman agad ni Zandra ang address nito at inabot muli kay Steinhart ang papel.
"I have a plan, and when we get the evidence we need, I'll make sure your ex-boyfriend will rot in jail. So don't worry, just think about your studies." Steinhart smiled slightly, hoping it would alleviate the anxiety the woman was feeling.
***
Nasa plaza naman ang dalawa ngayon. Ayaw pa ring umuwi ni Zandra sa tinutuluyan dahil nakasisigurado siya na naghihintay roon si Arjay.
"Mabuti pang i-report narin siya sa kalapit na police station. May contact ako sa kanila, tawagan mo kapag nagkaroon ng problema." Makailamg beses na nagtipa sa touchscreen cellphone si Steinhart. Ipinakita ni Steinhart ang mga numero na naka-flash sa screen niya. Kinuha na rin ni Zandra ang cellphone niya upang kopyahin ang mga numero.
Ramdam ni Steinhart ang takot mula sa mga mata ni Zandra. Maging siya ay nag-aalala dahil mag-isa lang ito sa bahay dahil nasa probinsya ang mga magulang nito at kapatid. Nakipagsapalaran ang dalaga na makapasok sa kilalang unibersidad para matupad ang mga pangarap para sa pamilya.
Namagitan muli ang katahimikan, tanging sa tapat lang ang tingin nila kung saan abala ang mga tao sa pamamasyal. Hapon na at buhay na buhay ang plaza. May ilang mga food stall na nakahilera sa gilid, may ilang booth stall din na bilihan ng mga damit, maging mga laruan at iba't ibang gamit.
Sa kabilng banda ay may covered court. May malaking entablado roon kung saan may mga tao rin na nagpe-perform. May mga sumasayaw at kumakanta para sa entertainment sa mga manonood.
Naghari ang malalakas na pagsipol at pagtawa ng mga tao sa isang performer. Mukhang comedian ngayon ang nasa stage. Binalingan ni Steinhart ang katabi na seryosong nakatingin sa entablado.
"Gusto mo bang lumapit tayo roon?" Lumingon si Zandra, bahagya itong ngumiti at umiling.
"His confidence is great, eh? He was able to face a lot of people even though he was not very good at singing and almost crouched down. It doesn't matter to him even if people laugh at him."
Napatango ang dalaga at muli ay nagkatitigan sila ni Steinhart.
"Hindi ko binabawalan ang kuya sa pagkanta niya nang sintunado, baka kasi 'yun ang paraan niya para pakawalan 'yung mga worries and insecurities niya. So bakit ko pipigilan? Kung doon siya masaya?"
Steinhart shook his head and couldn't hide his laughter. He simply smiled and caught Zandra's eyes. Gradually it became serious. Steinhart spoke to enlighten Zandra on her point.
"But to be honest, hindi kasiyahan ang magmahal ng maling tao."
***
Pagdating ng umaga ay kaagad na bumangon si Steinhart. Inihanda na niya ang agahan maging ang mga gamit sa pagligo. Kagabi pa ay naisipan na niya ang mga gagawin ngayong araw. Hindi siya mapakali sa tuwing maiisip niya ang kalagayan ni Zandra.
Suot ang isang gray jacket na may hoodie, isinuot na rin niya ang itim na jeans at tinernuhan ito ng puting rubber shoes. Isinukbit niya sa balikat ang itim na bag at handa nang umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)