Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.
N
Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Kumalat sa buong bayan ang insidenteng nangyari kaninang madaling-araw. Isa sa dalawang estudyante ang nakaranas ng kakaibang pangyayari sa loob ng kanilang inuupahang apartment.
Ang mga pangyayaring ito ay tila normal na sa bayan. Dahil na rin sa nangyari ilang taon na ang nakalipas. Sa kabila ng takot at kakaibang karanasan ay patuloy pa rin ang pagtangkilik ng ilan sa apartment na ito. Marahil ay wala na sila pagpipilian pa. Maganda ang imprastraktura ng apartment. Hindi ito nalalayo sa mga bagong disenyo na mayroon ang ibang establishments. Malapit lamang ito sa mga unibersidad at pamilihan. Mura, maayos na pasilidad at kumpleto sa gamit kung kaya't walang nagdadalawang-isip na tumirang ilang estudyante at maging mga normal na mamamayan dito kahit na may isang kwarto na binabalutan ng kababalaghan.
Bakit may mga sumusubok pa para malaman kung ano ang nasa likod ng isa sa mga kwarto ng apartment?
Kahit na kapalit nito ang kanilang buhay?
Sinamahan ni Nimrod ang mga kagrupo nito sa club para pumunta sa palengke. May mga gamit silang dapat bilhin sa gagawing bulletin board ng kanilang clubroom.
"Room 201? Hindi ba't may balita na may multo riyan? Tapos noong nakaraang linggo, may lumayas diyan dahil muntikan nang mabangungot! Tapos ngayon, may natagpuang patay sa loob ng banyo at naliligo sa sariling dugo!" natatakot na kuwento ni Nimrod sa mga kaibigan na todo ang tingin sa bahay. Mainit na balita hanggang ngayon ang nangyari, hindi nila maipaliwanag kung totoo bang aksidente ang naganap. Bukod sa hindi makatao ang insidente, malaking palaisipan pa rin sa mga tao kung sino ang gumagawa ng mga nangyayari. Usap-usapan pa na isang multo ang gumagawa ng karumaldumal na gawain.
Hanggang sa malaman nila na ang isa sa kagrupo nila ay may balak na kumuha ng kwarto sa naturang apartment.
Walang pagod sa paglabas-masok ang ilang taong rumesponde para kunin ang bangkay sa naturang kwarto at mag-inspeksyon.
Isang buhay na naman ang nawala.
"Baka gusto niyang ma-experience ang nangyari. Hayaan mo na siya, gusto niya 'yan," seryosong paliwanag naman ng isang binata na na si Carlo kay Reymond, na seryosong nakatingin sa isang kwarto—ang kwarto kung saan naganap ang hindi maipaliwanag na insidente. May bintana roon at parang may kakaibang bagay siyang nakikita na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao.
Gustong takutin ni Carlo ang kaibigan na sana ay magising sa kahibangan. Hindi rin nito gusto ang plano ng binata na tumuloy sa nasabing kwarto, ngayon na may nabalitaang muli na mayroon insidenteng nangyari.
"Seryoso ka ba, Reymond? Marami pang apartment dito sa bayan. 'Wag diyan!" Hinila pa ni Nimrod ang braso ni Reymond, ngunit nanatiling seryoso ang binata sa pagkakatayo. Tulad ng pagkakatindig nito sa kalsada ay hindi siya nagpatinag sa mga kaibigan. May kailangan siyang puntahan sa loob. May dapat siyang harapin na kung anong mga kababalaghang nasa misteryosong kwarto.
Kinabukasan ay kinausap niya ang may-ari ng apartment upang itanong kung puwede nang makapasok sa Room 201.
"Marahil sa sususod na buwan pa. Kailangan pa ulit naming ipaimbestiga ang nagyayari. Pasensya ka na, hijo," paliwanag ng matanda na kinilalang may-ari ng apartment.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)