Another Code

13 0 0
                                        


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.


Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children


[Continuation]


Pilit na hinahabol ni Steinhart ang pahinga niya. Madilim pa rin sa labas at nandidilim na rin ang kaniyang paningin sa pagod. Ngunit ilang kanto na ang nadaanan niya ay hindi pa rin niya mahanap si Malorie. Makalipas ang labinlimang minuto ay sa masikip na eskinita sumuot ang binata. May naririnig siyang nag-uusap, dala ng kuryosidad ay kumilos siya nang walang pagdadalawang-isip pa.


"Teritoryo namin ang lugar na 'to. Walang puwedeng maghari dito!" Hinampas ng lalaki ang isang backpack sa ulo ng isang babae.

Hindi man gustong isipin ni Steinhart na si Malorie ang babae, pero base sa suot nitong uniform ay hindi na siya nagpaawat na sumugod pa.


Hindi inasahan ng mga lalaki ang pagdating ni Steinhart. Kahit na hinihingal ay ginawa niya ang lahat ng alam sa pag-atake para maitumba ang mga grupo ng lalaki. Ngunit dala ng pagkabog ng dibdib niya sa pagod mula sa pagtakbo ay makailang beses na rin siyang natamaan ng mga suntok at hampas mula sa kalaban.


Napadura na lang siya ng sariling dugo. Matagal na niyang natanggap na hindi siya malakas, ngunit hangga't kaya niyang lumaban para sa kaligtasan ng iba ay gagawin niya.


"Ano'ng madudulot sa inyo ng mga ginagawa n'yong 'to sa mga babae? Ikatataas ba 'yan ng pagkatao ninyo?" Hindi pa tapos sa pagsasalita si Steinhart nang maramdaman ang pagsuntok ng isang lalaki sa sikmura niya. Napangisi na lamang siya at dumura ng dugo sa maruming sahig.


"At sino ka para mangialam? Ah! Nagpapakabayani ka? Naku, tutoy! Huwag mo kaming yabangan! Kung yabang lang naman ang bitbit mo, umuwi ka na sa nanay mo!" Kumalat sa paligid ang pagtawa ng kalalakihan. Narinig niya rin ang pag-iyak ni Malorie. Ang pagluha na nakita niya sa dalaga ang dahilan kung bakit unting-unti siyang nagkaroon ng lakas para lumaban.


"Sa totoo niyan, kahit kayabangan ay nakalimutan kong bitbitin. Pero hindi ko nakalimutang dalhin ang isang bagay na magpapaluhod sa inyo," huling sabi ni Steinhart bago siya dumugin ng mga kalalakihan para bugbugin.


***


Nagpipigil na magmura si Steinhart, kasalukuyan siyang ginagamot ng isang medical staff na dumating kasama ang mga pulis. Ginagamot na rin si Malorie ng isa pang nurse na nasa loob ng ambulansya. Malaki ang pasalamat ni Steinhart dahil walang natamong kahit anong sugat at galos ang dalaga, ngunit hindi pa rin siya nakasisigurado sa trauma na mararamdaman ng kaibigan.

"Hindi ko talaga matantiya mga kilos mo. Oo, kailangan namin ng matibay na ebidensya, pero hindi sa ganitong paraan. Tingnan mo ang nangyari sa 'yo. Gusto mo bang magkita na kayo ni San Pedro?" sermon sa kaniya ni Inspector Galvin, ang tatay ni Nimrod.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon