[Continuation...]
Paglipas ng isang araw, pagkatapos ng klase ay nagtungo si Nimrod sa klase ni Malorie. Napakunot-noo siya nang malaman na hindi pa rin ito pumapasok. Ang naisip niyang dahilan ay ang panghihina ng katawan nito dahil sa dehydration.
Dumaan muna siya sa bayan na malapit lang din sa university. Bumili siya ng ilang prutas at tinapay para sa dalaga. Inabot siya nang ilan pang minuto matapos maligaw kung saan ang bahay nina Malorie. Malapit na ring maggabi dahilan upang hindi niya makita ang dinaanan niya noon papunta sa bahay ng kaibigan. Nasa isang kanto siya at minabuti na magtanong sa isang maliit na sari-sari store.
"Ah, sina Mang Toning? Umalis sila kahapon kasama ni Mareng Arlen at 'yung dalagang si Malorie. Umuwi yata ng probinsya, hindi na sila nakabayad ng bahay at lupa. Nakasanla pala 'yan, at kung hindi makababayad ay palalayasin na sila."
Napakapit nang mariin si Nimrod sa hawak-hawak na mga plastic bag, maging ang sariling paghinga niya ay napigilan dahil sa pagkagulat sa mga nalaman.
Nagmadali siyang tawagan ang numero ni Malorie, ngunit walang sumasagot. Wala siyang ideya kung saang lugar nagpunta ang mga ito. Hinanap niya ang numero ni Neiza, pero hindi na niya ito natuloy nang may humablot sa cellphone niya.
"Put—"
Nakatakas ang isang kilay ni Neiza, naitikom na lang ni Nimrod ang bibig.
"Ituloy mo at masasapak kita." Umakto pa ito na sasapakin siya nito. Marahang hinawakan niya ang palad ni Neiza na nakataas sa ere at ibinaba ito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Sasagutin mo rin ba ako kapag tinanong ko rin sa 'yo ang tanong na 'yan?"
Natahimik na lang si Nimrod at ibinaling ang tingin sa bahay nina Malorie. Halos hindi na ito makita dahil naitago na ng kadiliman ng gabi ang lugar.
"Tutal Friday na rin naman ngayon at wala tayong mga pasok sa susunod na na araw, I think two days is enough?"
"Two days?" Doon pa lang napansin ni Nimrod na bukod sa nakabihis ng pang-alis ang kaibigan at may bitbit din itong backpack.
"Saan ka pupunta?" naguguluhan na tanong niya.
"Susundan sina Tyler. Alam ni Sirius kung nasaan ngayon si Malorie kaya mag-impake ka na. 'Wag mong kalilimutang magpaalam sa magulang mo."
"Hayaan mo na." Hinawakan niya ang braso ni Neiza at iginiya paalis ng lugar.
"Nasaan ba sila? Tara na, baka maunahan pa tayo ni Tyler," dagdag pa si Nimrod. Natuloy na rin ang iniiwasang sapak ni Nimrod. Napakamot na lang siga sa ikinilos ng dalaga.
"Magpaalam ka nga muna! Padalos-dalos ka! 'Tsaka wala tayong sasakyan!"
"Oo nga pala." Natahimik siya kaagad matapos niyang mapagtanto ang ginawa. Alam ba ng kaibigan niya ang mga kahulugan ng reaksyon niya? Sana ay mali ito, na ang mga nakikita niya ay isa lamang pag-aaalala sa kanilang kaibigan.
***
Kinabukasan
Sa isang palengke, tahimik lamang nasa tabi ng kaniyang tiya si Malorie. Sinamahan niya itong mamalengke ng mga gagamitin sa bahay. Hindi niya mapigilan ang pangingilid ng mga luha kaya't makailang beses na rin siyang nagpunas ng pisngi gamit ang palad. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya dahil hindi niya nagawang makapagpaalam sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)