Cheaters III

3 1 0
                                    


[Continuation...]

Nagkaroon na ng kuryente sa buong building at ang ikinagulat ng lahat ay may mga litrato na naka-flash sa projector. Malinaw na malinaw ang mga litrato ng isang binata na gumagamit ng cellphone habang nagsasagot ng test papers, ang paggamit ng codes at ibang mga technique para makapandaya, at may mga screenshot din ng mga text message na naglalaman ng mga transaction mula kay Austin. Ang ilang estudyante sa kabilang room ay nakitingin na rin sa nangyayari. Gulat ang ilan, ngunit may mga ibang estudyante na nakaramdam ng kaba dahil sa oras ma mapatunayan na ang binata ang may pakana ng lahat ay malalagay sila sa kapahamakan.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, kumilos na sina Nimrod at Steinhart para ipagbigay alam sa nakatataas upang masigurado na sila ay hindi na mag-alala pa. Nakausap na nila ang President ng university tungkol sa insidente, at napagdesisyunan nito na patungan ng parusa ang maysala.

Naging maayos ang pagsasagawa nila ng aksyon ayon sa napagplanuhan ng magkakaibigan. Ang naisip nilang paraan ay dahil na rin sa plano na nabuo ng grupo ni Austin sa storage room ng library. Bukod sa pagtuturo sa paggamit ng morse code alphabet tapping, may iba pang klase ng pandaraya ang itinuturo ng grupo at ito ang ang hindi pag-surrender ng mga cellphone sa guro at gamitin ito nang palihim para makita ang mga answer key na kanilang binayaran. Mabuti na lang at sumabay ang panahon upang mas makita ng instructor ang mga itinatago na cellphone sa ilalim ng mga test paper.



***


Mabilis na naligo ang dalawa sa shower room sa gymnasium. Malagkit na ang kanilang pakiramdam dahil sa init ng suot nilang pang-disguise. Pagkalabas nila ng gym ay may nakaabang na sa kanila sa hallway.

"Kumusta? Ano'ng balita?" tanong ni Nimrod kay Neiza na nakapagpalit na rin ng damit.


"Nasa office na si Austin. Nasa ilalim pa siya ng imbestigasyon." Halata ang pagod sa kanilang mukha. Huminga nang malalim si Steinhart at kinuha ang bitbit na bag ni Neiza.


"Salamat. Nga pala, nagkita na kayo ni Inspector Galvin? May gusto raw makausap, may importante raw siyang sasabihin sa 'yo," paliwanag ni Neiza at nagpatuloy na sila sa paglalakad.


"Ayos ka lang? Mukhang may gumugulo sa isip mo?" tanong ni Steinhart.


Napabuntonghininga na lang si Neiza at binalingan sandali ang dalawang binata.


"May isa pa tayong kailangang mahuli," sabi ni Steinhart.


Natigil sa paglalakad ang tatlo. Sa kalagitnaan ng abalang hallway at sa mga estudyante na nakaharang sa daan na tila pag-aari nila ang lugar, may mga ideya ang unting-unting nabubuo.


"May isang rason pa ako kung bakit sumali ako sa grupo nina Austin. May babae akong pinaghihinalaan na may malaking papel sa grupo. Na-retrieve nina Inspector Galvin 'yung mga deleted message ni Austin mula sa unregistered number. 'Yun ang bagay na gusto sanang sabihin at ipagbigay alam ni Inspector Galvin. Ang problema ay wala pang lead kung sino ang may ari no'n. Susubukan ko pang alamin ang hinala ko."


Umayos ng tayo ang tatlo nang makitang papalapit si Malorie. Kumaway ang dalaga at mabilis na lumapit sa mga kaibigan. Nagpanggap ang tatlo na maayos ang lahat. Hindi na nila isinali pa sa mission ang isa pa nilang kaibigan dahil hindi nila gustong maistorbo ito sa exam. Alam nilang mahalaga ang makapasa sa pagsusulit, ngunit mas mahalaga ang araw na ito para sa kaibigan nila at napagdesisyunan nilang ilihim ang ginagawa.


"Kumusta ang exam? Tapos na mga major subject ko. Rest day ko na. Kayo?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.


"Ah, may exam?" nagtatakang tanong ni Nimrod. 


Pasimple siyang siniko ni Steinhart at kunwari ay naubo dahil ang totoo ay nagpa-excuse muna sila sa pag-take ng exam sa tulong na rin ng university president. Naramdaman ni Steinhart ang pag-vibrate ng cellphone niya na nasa kanang bulsa ng kaniyang pantalon. Mabilis niya iyong kinuha at inilabas. Binasa niya ang isang mensahe na galing kay Inspector Galvin.


"Ayos lang, bukas exam namin sa major," mabilis na sagot ni Steinhart at ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pants niya.


"Talaga? Gusto n'yo, tulungan ko kayong gumawa ng reviewers? May dala rin akong gamit sa bag, puwede n'yo 'yun gamitin at iuwi."


Umakbay si Neiza sa kaibigan na si Malorie. "That's a good idea! Pero bago 'yun, magmeryenda muna tayo? Gutom na ako!"


Tinulungan ni Nimrod si Malorie na bitbitin ang mga gamit ng kaibigan. Nagprisinta na ang dalawang binata na pumunta sa cafeteria para bumili ng makakain. Dumiretso na sa meeting place sina Neiza at Malorie, sa ilalim ng mangga, sa gilid ng soccer field ng university.


"Hindi na ako mapapagod pa na magsulat ng mga note para i-highlight para magkaroon ng maraming papel na gagamitin. Ang sipag talaga ni Malorie!" kinikilig na paliwanag ni Nimrod. Napahinto sa paglalakad si Steinhart nang may pumasok na ideya sa isip niya.



'Kung hindi pa si Austin ang main source ng mga answer key, may isa pang tao ang gumagawa nito para ikalat 'yun.'



Inilabas niyang muli ang cellphone at binasa nang mabuti ang natanggap na mensahe. Isang screenshot ito mula sa isa sa mga mensahe ni Austin para sa kausap nito na unregistered number. May code na nakalagay na nangangahulugan na isang pangalan.



Naupo muna silang dalawa sa isang bench sa gilid ng hallway. Tumulong si Nimrod para i-break ang code at isang pangalan ang kanilang nakita.


Gur ervtavat  Zvff.  Zrqnyvba  Dhrra.








According to the University of the People.

The actual consequence of what will happen to you when you are caught cheating depends on multiple factors, including: the academic institution's policy, the offense that was committed, whether or not you admit to being guilty or not, and so on.

Here are some of the common consequences of cheating.

Class Failure: You fail the class and may not have an option to retake it.

Suspension: You are temporarily kicked out of the institution.

Expulsion: You are permanently kicked out of the institution.

Legal Consequences: You face legal punishment in the form of a fine or worse.

Revoked Scholarships: If you have any scholarship awards, you may lose them if you are caught cheating.

Academic Reputation: You may have the offense input into your academic record which could impact your future application to undergraduate or graduate school.



#

SEARCHING STUDENT X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon