[Continuation...]
Sirius Feliciano Pov
Napalingon kami sa pagbukas ng pinto at iniluwa nito sina Nimrod at Tyler.
"At sino naman siya?" Bumaling sa akin si Neiza na itinuro pa si Tyler na inaayos pa ang suot na makapal na salamin sa mata.
"Si Tyler nga pala. Ang head leader ng XO Club." Nahuli ko ang pagtaas ng isang kilay ni Neiza.
Sa tingin ko ay hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Tulad sa mga unang impresyon ng mga estudyante sa mga alam nilang mga gang na naghahari sa mga eskwelahan nila, alam nila na maangas ang itsura ng mga ito, na parang mga gangster ang datingan para katakutan sila ng mga taong gustong banggain sila. Ibahin na lang natin ang XO Club. Mula sa matapang na itsura at palaban, bumagsak ang impresyon ni Nieza sa isang nerd na mukha kutsupoy ang itsura.
"To clear things up, I'm not really into this. Kailangan ko lang talagang magpanggap na ganito ang itsura para maging malaya sa pag-oobserba sa loob ng academy. Sino ba namang magkakainteres sa itsura ko? Halos itulak na nga ako palayo sa tuwing tumatabi ako sa ibang mga estudyante. Wala silang ideya na ako ang taong kinatatakutang club ng karamihan. Pleased to meet you, Code Breakers Club President Neiza Tuazon."
Marahan pang yumuko si Tyler habang nasa kaliwang dibdib nito ang kanang kamay. Naupo si Nimrod sa tabi ko at inabutan pa ako ng isang sandwich.
"Kumusta sa labas? Patuloy pa rin ang imbestigasyon?" diretso kong tanong habang maingat na hinahawakan ang inabot nitong sandwich, wala parin akong lakas para makakain dahil sa mga nangyari.
"Hawak na ng pulisya ang killer. Mabuti na lang at mabilis na nakarating ang mga pulis. May ipinaaaabot pala si Mr. Montefalco." Isang maliit na USB ang ibinigay nito sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan, maging sina Malorie, Neiza, at Tyler ay nabaling ang atensyon sa amin.
"Mga importanteng file 'yan na nakapangalan sa atin," dagdag ni Nimrod at napahinga nang malalim.
"Mukhang huling araw na rin natin dito sa headquarters?" singit ni Tyler. Unti-unting naliliwanagan ang mga katanungan sa isip ko matapos kong mahawakan ang USB.
Kailangan na naming umalis sa academy.
"Alam na rin ba ni Neiza ang tungkol sa plano na sinabi mo kanina sa 'kin?"
Napatigil si Neiza sa pagliligpit ng mga laman ng medicine kit. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa makahulugang tingin na ibinato sa akin ni Neiza. Ang akala niya ay tapos na ang mga pagsabog ng mga impormasyon ngayong araw, may mga pahabol pa pala.
Dapat ko na bang sabihin ang lahat?
Marahil kailangan ko na ngang sabihin sa kaniya. Hindi ko na kaya pang magtago at magsinungaling sa kaniya na wala akong alam sa mga nangyayari.
"Ang pinagmulan ng insidente ay dahil sa isang tao na matagal nang pinaghahanap. At ang lalaking 'yun ang dahilan para gumawa siya ng mga pagpatay. Wala akong ideya kung bakit gusto niya ring makuha ang code. Nasa Academy natin siya ngayon, at ang lalaking tinutukoy ko ay si Steinhart," paliwanag ko.
"To be honest, matagal ko na rin siyang minamanmanan, at maniwala kayo sa hindi na nasabi ko na rin kay Sirius, na isa rin ako sa mga taong gustong patayin siya. Hindi lang si Mr. Louie ang gustong itumba si Steinhart, but we have an important thing to secure, may kailangan muna tayong makuha sa kaniya," sabi ni Tyler at inilatag sa maliit na mesa ang ilang litrato at journals na may laman tungkol kay Steinhart mula noong unang araw niya sa pagpasok sa Arch Academy.
"Ang nag-iisang anak ng mga Sevilla ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo, Neiza. Nasa taong 'yan ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Nasa kaniya rin ang kasagutan para matigil ang mga kaguluhan at pagpatay na nangyayari." Napatingin si Neiza kay Steinhart na mahimbing na natutulog ngayon, sariwa pa rin ang sugat na natamo nito sa pagsabog at ang paggilit ng killer sa kaniyang leeg para tuluyan.
"Ano'ng plano na sinasabi ni Malorie?" tanong ni Neiza. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa loob ng headquarters, maging ang mga sariling paghinga namin ay hindi namin matagpuan. Inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para makapagsalita sa harap nilang lahat. Alam ko na pagod pa rin sila sa mga naganap kagabi, pero hindi pa kami puwedeng magpahinga.
"Ilihim natin ang mga nangyari. Imposible man, pero kailangan nating isikreto sa kaniya, kay Steinhart. May ideya na ang mga taong nasa likod nito na buhay pa ang anak ng mga Sevilla at sa oras na makalapit at gawan ng masama at saktan nila si Steinhart, doon tayo kikilos para mahuli sila," seryoso kong sabi sa kanila. Nahuli ko ang iba't ibang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha, maging ang mga makahulugang mga tingin nila mula sa kanilang mga mata na nagsasabing hindi pa rin sila makapagdesisyon nang tama.
Lumapit sa gitna si Tyler at inilahad ang kaliwang palad, sumunod si Malorie sa pagtayo at lumapit kay Tyler sabay lahad rin ng palad sa gitna. Hindi ko inasahan na handa itong sumali sa plano kahit alam niyang delikado. Sumunod na ako sa paglapit sa kanila. Wala akong ideya na nasa tabi ko na pala si Neiza na sumabay pa sa akin na maglahad ng palad. At sa huli ay si Nimrod na tumabi kay Tyler at inakbay pa ang kanang kamay sa balikat ng XO president, at ang kaliwang kanan ay nakalahad rin sa gitna.
Ang malaking katanungan lang ay kung ano ang bagay na hawak ng magulang ni Steinhart na hindi nila isinuko sa mga kumukuha nito at dahilan para tanggapin na lang na patayin sila?
Sa mga oras na ito, rito mag-uumpisa ang bagong istorya.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misteri / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)