[Continuation...]
"That's the point. Masyadong na siyang desperado para mapansin ng chancellor. Wala na siyang pakialam kung magkaroon ng issue ang university," Neiza added.
Nakisali na rin sa usapan si Malorie na may pag-aalala sa pares ng mata.
"Ayaw kong sabihin 'to, pero ang sabi n'yo, nahuli niyo sila. Ibig sabihin, nakita nila kayo. Paano kung abangan nila kayo—"
Naputol ang sasabihin ng dalaga nang tumayo si Neiza habang nakatingin sa cellphone.
"Someone responded to my message." Kung kanina ay halos magdikit na ang mga kilay ng dalaga sa gitna. Ngayon naman ay ang masayang ngiti ang ang biglang naipinta roon.
"May nagkaroon na rin ng lakas ng loob para isumbong din si Leinad." Ipinakita ni Neiza ang mga forward picture mula sa isang estudyante.
"May group page ka?" Seryoso ring nakatingin si Steinhart sa cellphone. May isang page sa social media ngayon ang popular na tinitingnan ng mga estudyante sa unibersidad.
"No, I thought of posting anonymously the photo I got from Leinad earlier. If he wants attention, I'll give it to him. I don't expect any other students to also post their photos of Leinad doing something wrong. Now, he is not only famous at the university, the whole town already knows the nonsense he's doing. And if you're worried, Malorie, he should still thank me for helping him become famous."
***
Those posts about Leinad have become hot news. The photographs taken have also reached the chancellor. He ordered the deletion of posts about his son. He also turned his attention to the news of taking pictures of women in a restroom. He also found out that the child was dressing as a woman so that he could freely enter the ladies' restroom. Even when it was really a headache, the old man continued to take care of his work especially now where the university had an occasion and the faculty members were busy.
***
Pagdating ng umaga, unti-unting nagbabalik sa normal ang bawat klase. Ang buong umaga ay para sa awarding ng mga atletang nanalo sa bawat laro at ang panghapon naman ay pagpapatuloy ng mga klase.
Napansin ng guro ni Steinhart ang kaunting dugo na tumagos sa face mask ng binata. Sinabihan niya kaagad ito na pumunta sa clinic upang malagyan ng gamot. Dahil na rin sa pagiging abala ni Steinhart kagabi ay hindi niya na napansin pa na may sugat siya na kailangang magamot. Nakalimutan niya ring lagyan ito ng Band-Aid sa pagmamadaling pumasok at tanging face mask lamang ang naisuot.
Napuno ang isipan niya sa mga nangyari kahapon. Ang nakapagtataka lang ay pa ring ginagawang aksyon ang chancellor sa insidenteng kinasangkutan ng anak.
Alas-dos na ng tanghali at tirik na tirik ang araw. Maalinsangan ang buong paligid dahil tila walang hanging naligaw sa kapaligiran. Maging ang mga ibon ay natatakot na sumayaw sa himpapawid dahil sa init ng panahon. Tila mga ipininta ang mga puno sa gilid ng lugar dahil maging ang mga dahon nito ay hindi gumagalaw sa bawat sanga.
Pagdating niya sa clinic ay wala siyang nurse na naabutan. Gusto man niyang hintayin itong makabalik upang maasikaso siya, ngunit siya na rin ang kumilos para makabalik muli sa klase. Sa sobrang linis ng lugar ay halos hindi gusto ni Steinhart na hawakan ang mga gamit sa loob. Sinubukan niyang buksan ang maliit na drawer sa gilid upang tingnan kung may gamot ba roon, ngunit tanging mga papel ang kaniyang natagpuan.
Natigilan siya sa pagkilos nang may marinig siyang umuungol. Marahan niyang kinuha wood clipboard na nasa mesa. Hinawakan niya itong mabuti at nakahanda nang ihampas sa tao na nasa loob din ng clinic. Nang maglakad pa siya nang ilang metro ay natagpuan niya ang maliit na ward kung saan may tatlong hospital bed. Isa sa mga kama ay may nakahigang lalaki. Nakabaluktot na ito sa higaan na tila giniginaw, nakahawak rin ito sa tiyan na parang may masakit doon. Tanging electric fan lang naka-on at hindi pa masyadong malakas ang hangin na dala nito. Nakapagtataka lang kung bakit giniginaw ang lalaki at halos yakapin nito ang sarili.
Nang lapitan ni Steinhart ang lalaki ay napahinto siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nang makasigurado na walang kakaibang bagay ay tuluyan na niyang nilapitan ang lalaki.
"Leinad? Ayos ka lang?" dire-diretsong tanong ni Steinhart. Nang hawakan niya ang braso ni Leinad ay napabitiw siya kaagad. Nakapapaso sa sobrang init ang balat ng lalaki, ngunit kapansin-pansin ang mga butil ng pawis sa noo nito. Napansin din ng binata ang mantsa sa bedsheet, mukhang makailang beses na ring sumuka si Leinad.
"U-Umalis ka na," nahihirapan na sabi ni Leinad.
"Tatawag ako ng tulong, hintayin mo kami." Hindi na nagsayang ng oras si Steinhart at tumakbo sa main building ng Medalion University. Mabuti na lamang at walang gaanong estudyante ang nasa labas. Mabilis siyang nakarating sa office ng chancellor nang walang balakid sa daan.
Marahan siyang kumatok sa pinto at binuksan kaagad ito upang makapasok. Naabutan niyang tahimik ang lugar. Unang beses pa lang siyang nakapasok sa isang office at tila nasa isang five-star hotel siya.
"Ano'ng atin?" tanong ng isang babae sa kaniya, mukhang secretary ito ng chancellor.
"Nandito po ba si Mr. Samonte?" Hindi na nakasagot pa ang babae nang lumabas sa maliit na office ang isang matandang lalaki na may hawak na tasa ng kape, bagong timpla lamang ito dahil sa umuusok pa.
"Magandang tanghali po." Nag-bow pa si Steinhart matapos bumati kay Mr. Samonte.
"Maupo ka, may kailangan ka ba?" Nanatiling nakatayo si Steinhart at walang pagdadalawang-isip na sinabi ang rason kung bakit siya tumakbo nang mabilis makarating lang sa office nito.
"Si Leinad po, nasa clinic. Inaapoy po siya ng lagnat, makailang beses na po siyang sumuka at namimilipit na po sa sakit." Napaatras si Steinhart maging ang sekretarya nang mabitiwan ng matanda lalaki ang hawak na tasa. Kumalat sa sahig ang laman ng tasa.
"Wala pong nurse roon, sir. Kailangan na pong madala sa hospital si Leinad, hindi po ako nagbibiro."
Mabilis na kinuha ng chancellor ang cellphone na nasa kanang bulsa ng kaniyang itim na pantalon. Hindi na narinig ni Steinhart ang usapan ng matandang lalaki dahil nagmamadali itong lumabas sa office.
Ilang minuto pa ay may wang-wang ng ambulansya ang naghari sa unibersidad. Pababa na sa groundfloor si Steinhart at nakasalubong pa ang mga ilang security guard papunta sa clinic.
"Hey! Anong meron?"
Hindi alintana ni Steinhart ang mabigat na pagkakaakbay sa kaniya ni Nimrod na biglang sumulpot sa gilid niya. Naamoy niya ang takoyaki sa hininga nito.
"Ah, si Leinad," tipid na sagot ni Steinhart.
Sumimsim muna sa chocolate drink si Nimrod bago magsalita, "'Yung nagpapanggap na gay?"
Natuon ang atensyon ni Steinhart kay Mr. Samonte na natataranta sa pag-aasikaso sa mga nurse na dumating. Hindi ito mapakali at inuutusan na buhatin nang maigi si Leinad, ang anak nitong nawalan na ng malay.
With the amount of trouble he made here at the university. The harassment in his classes, bullying witnessed by everyone, but were afraid to sue him because of the unseen authority that was on his head, where no one wanted to fight him. Ang pagpapahiya sa kapwa niya mag-aaral o kahit na gumagawa ng mga malisyosong bagay para lamang makuha ang atensyon ng kanyang magulang. Iyon ay hindi sapat, ngunit kailangan ba talagang umabot sa punto na ilagay sa alanganin ang sariling buhay upang pagtuunan ito ng pansin at pahalagahan? Para bigyan sila ng oras at importansya para hindi na gumawa ng panibagong dahilan kung saan ang iba at ang sariling anak ng biktima ay kailangang masaktan? Huwag naman sana umabot sa puntong nagiging suwail ang mga bata at hindi sila humihinga dahil sa kawalan ng atensyon at pagmamahal sa sariling mga magulang.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misteri / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)