Someone's Pov
Lumipas ang kalahating oras ay natapos na ang pulong. Habang naglalakad na sila palabas ng library ay palihim na sinundan ni Nimrod ang dalaga. Nagpaalam muna siya kay Steinhart na siyang ikinapagtaka ng huli.
May kasama itong grupo ng mga babae na kasama rin sa pulong kanina sa library. Sinundan pa rin niya ang kamukha ni Neiza para kumpirmahin ang hinala. Nagtago muna siya sa isang pilar at tinawagan ang kaibigan. Halos manghina siya nang makumpirma ang nasa isip. Nakapagtataka lang na nakapang-disguise rin ito. Naalala ng binata na siya ang babaeng nasagi nila ni Steinhart kanina sa tapat ng bulletin board. Maging si Steinhart ay hindi napansin na si Neiza ang nakabangga nila.
Bakit niya nagawa ang bagay na ito?
Ano ang plano nito?
Nagbalik sa reyalidad si Nimrod nang marinig ang boses ng dalaga sa kabilang linya. Agad niya namang ibinaba ang tawag at walang sabing lumapit kay Neiza at hinila ang kamay paalis sa lugar. Kahit anong pagpupumiglas ng dalaga sa hawak niya ay hindi niya ito pinagbigyan. Nasa isang garden sila sa likod ng library na tagong parte ng university.
"Sino ka ba? Bitiwan mo nga ako!" sigaw ng dalaga. Hindi pa rin pinakakawalan ni Nimrod si Neiza.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nandadaya ka rin?" Napahinto sa pagpupumiglas si Neiza matapos marinig ang mga sinabi ng lalaki.
"Nimrod?! Bakit . . . bakit ganyan ang suot mo? Teka, ano'ng sinabi mo!" Sumigaw muli si Neiza dahil napagtanto nito ang mga sinabi ng binata sa kaniya.
"Bakit mo 'yun ginawa? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Nandito naman kami para tulungan ka kung nahihirapan ka sa pag-aaral! Hindi 'yung nandadaya ka para makapasa!" singhal ni Nimrod sa sobrang inis sa nangyari.
"Ano'ng pinagsasasabi mo? 'Yan ba ang tingin mo sa akin, Nimrod? Ha?" Gusto mang kumawala ni Neiza sa pagkakahawak ng lalaki, pero hindi niya magawa dahil sa inis ni Nimrod ay napahigpit pa ito lalo.
Isang pagsuntok sa kabilang pisngi ang dahilan para mapahiwalay si Nimrod sa pagkakahawak niya sa dalaga. Malutong na mura ang ibinato sa kaniya ni Steinhart na pulang-pula na ang mukha sa galit.
"What the fuck are you doing!"
Kaagad na pumagitna si Neiza sa dalawang lalaking kaibigan at inilayo sa isa't isa. Nilapitan niya si Nimrod at tinulungan na makatayo kahit na nangingilid ang mga luha niya sa nararamdaman.
"Bakit sa 'kin ka nagagalit, Steinhart? Nakita mo ba na nasa grupo rin si Neiza—"
"I don't care for Pete's sake! Huwag na huwag mong babastusin si Neiza!"
Inipon lahat ni Neiza ang lakas at lumapit kay Steinhart at binatukan ito. Maging si Nimrod at binatukan niya rin dahilan para manahimik ang dalawa.
"Ang pangit n'yong mag-away. Tara sa ilalim ng mangga, may meeting tayo."
Nagkatinginan sina Nimrod at Steinhart dahil sa sinabi ni Neiza. Pinakalma nila ang sarili at umayos ng tayo.
"Sorry, hindi ko nakontrol ang sarili ko," paghingi ng paumanhin ni Nimrod sa kaibigan. Pasimple siyang napahawak sa labi na pumutok. Kaagad siyang inabutan ng panyo ni Steinhart para punasan ang dugo.
"That's your last warning. Baka hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at mabigyan kita ng mag-asawang suntok." Tinapik nito ang balikat niya sabay akbay rito. Sumunod na sila kay Neiza na nauna na sa paglalakad.
"She has a reason why she suddenly changed her appearance. Hindi mo ba naisip 'yun?" tanong ni Steinhart.
"Sinabihan mo rin siyang mag-disguise? Alam niya rin plano natin?" tanong ni Nimrod na napapikit pa para tiisin ang pagkirot ng pisngi at pumutok nitong labi.
"Hindi. Pero mukha may ideya rin siya at plano niya ring isumbong si Austin. Naghinala rin ako kanina dahil kahawig rin ni Neiza 'yung babaeng itinuturo mo sa akin. Alam mo bang gusto kitang bigwasan kanina? Paano kung mahuli tayo ni Austin na nagmamasid sa kanila?"
Ngayon lang napagtanto ni Nimrod ang lahat. Kailangan na niyang mag-ingat sa mga kilos sa susunod nilang mission.
***
Naibuga ni Steinhart ang yogurt drink na iniinom nang marinig ang kuwento ni Neiza sa kanila. Nasa ilalim sila ng mangga, ang tanging lugar kung saan sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkapag-usap nang maayos.
" Kulang sa tatlong buwan? Paano ka napunta sa sitwasyon na 'yun?" punong pagtatanong ni Nimrod na napatigil sa pagkain ng fried chicken bilang meryenda nila ngayong araw.
"Kaklase ko si Austin, at kalahati ng klase ay alam ang pandarayang ginagawa niya. Takot ang ilan na magsumbong kasi administrator ng university ang papa niya."
"Pero base sa obserbasyon ko kanina, kasama ang mga ibang nasa grupo . . . mga kaibigan mo na sila."
Nagkapalitan sila ng tingin na may malalim na pangangahulugan.
Well that's what Traitors Club is for.
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)