[Continuation...]
Limang building pa ang tatakbuhin namin makarating lang sa library. Nang makarating na kami ay halos mawalan kami ng pandinig, nakatatakot kumilos at gumawa ng ingay dahil pakiramdam namin ay magiging kapalit iyon ng aming buhay. Nakarating na rin sina Tyler at Claud, napag-usapan namin na maghiwalay para mahanap namin kaagad ang bomba. Mukhang mahihirapan din kami dahil walang supply ng kuryente sa lugar, at napakalaki ng library sa academy dahil may dalawang palapag pa ito. Sa buong lugar ay nakapalibot ang nagtataasang mga bookshelve lulan ang makakapal na libro.
"Saan ako magsisimula?"
Nasa dulo na ako ng library, halos wala na akong makita sa sobrang dilim. Minsan ay nababangga pa ako sa mga bookshelve at mesa. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan ko pang dalhin ang cellphone ko.
"May nakita ka ba?" tanong ni Jervey nang makasalubong ko siya, malabo na rin ang ilaw na mula sa cellphone nito na ilang minuto na lang ay mamamatay na.
"Wala pa, nasa basement sina Claud at Tyler. Paano kung papuntahin natin sina Sergey at Takishima? Para mapadali ang paghahanap."
Umiling kaagad ako nang banggitin niya ang pangalan pa ng mga kagrupo namin sa XO Club. Hindi sila puwedeng umalis sa headquarters at iwan sina Neiza, Nimrod, at Steinhart. Mabuti nang may kasama sila roon at baka kung ano pa ang mangyari kapag sumunod pa sila sa library.
"Halika na, baka nasa basement ang bomba." Nauna na akong maglakad, pero hindi ko naramdaman ang pagsunod ni Claud sa likuran ko.
Nilingon ko ito at nakita na nakatayo pa rin ito sa kinatatayuan niya at nakatingala.
"May nakita ka ba?" Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat nito. Nagulat pa siya sa paghawak ko at tila nalunod sa malalim na pag-iisip.
"May babae."
Mahina ngunit sapat na para marinig ko ang sinambit nito. Napakunot noo ako sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. Tumingin din ako sa itaas kung saan itinuro pa ni Claud ang tinitingnan nito.
Pataas sa hagdan, sa dulong parte ng mahabang hallway makikita ang malawak na hanay ng mga libro. Maayos na nakahilera din ang mga malalapad na mesa kung saan madalas pumuwesto ang mga estudyante upang magbasa at mag-aral ng kanilang mga leksyon.
May isang puting uniform kaming naaninag. Hindi man abot ng dala naming ilaw ang direksyon kung nasaan ang babae ay minabuti namin itong puntahan. Hindi na namin nagawa pang tawagan ang mga ibang kasama namin sa pagmamadali dahil may oras kaming hinahabol.
Mapanglaw na kulay pulang ilaw ang napansin namin sa kalayuan, sa unang tingin ay hindi ito kapansin-pansin, ngunit sa matagal na pagkakatitig dito ay makikita mo ito. Marahil ilaw iyon sa bomba. Ang ikinapagtataka namin ay kung bakit may babae.
"Huwag kang lalapit," awat sa akin ni Claud nang mabilis akong umakyat kasunod nito sa hagdan.
"Bakit? May problema ba?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Pinagmasdan ko nang maigi ang sitwasyon ng babaeng walang malay ngayon. Nakatali ito sa isang lumang upuan habang nakapalupot sa katawan nito ang bomba.
"Kailangang mas maging maingat tayo sa pag-alis ng bomba sa katawan niya. Sa oras na magkamali tayo, may buhay na mawawala . . . at hindi malabong madamay tayo."
Tinawagan niya si Tyler na pumunta sa ikalawang palapag para humingi ng tulong. Dahan-dahan naman akong lumapit sa babae. Tulog ito at mababakas ang pagkabasa ng magkabilang pisngi at ang pawis at luha ay bumasa narin sa kaniyang uniporme.
Ilang oras na ba siyang nandito?
Akmang hahawakan ko na ito para tingnan kung may buhay pa siya ay napaatras ako sa gulat nang makaramdam ako ng ground. May isang bagay akong natapakan sa sahig, pigil hininga ako nang makita na may kumislap. Sa kabilang banda sa itaas ng kisame ay nahulog ang isang fluorescent light sa tapat ko, muntik na akong mahulugan nito. Mabuti at nahila ako ni Claud. Sumunod ay may narinig akong kakaibang paggalaw sa dulo ng mga bookshelve, may isang shelve na natumba at tumama ito sa isapa pa na parang domino effect. Nang mapagtanto ko ang nangyari, ang magiging dulo ng mga pagtumba ng mga bookshelve ay tatama sa babaeng nakaupo sa upuan. Mabilis akong kumilos para maging harang dito. Lumapit na rin si Claud na natataranta sa nangyari.
"Ilayo mo na 'yung babae!" utos ko, pero nanatili itong nakaharang sa pinipigilan kong shelve na pabagsak na, at sa oras na mawalan ako ng lakas ay madadaganan na ako nito kasama ang makakapal na libro.
"Pero masyadong mabigat ang bookshelves na 'to!" Gamit ang kanang kamay ko ay itinulak ko siya dahilan para mapaupo ito.
"Bilis na!" sigaw ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung mapugto ang ugat ko sa leeg maging sa noo sa sobrang pagsigaw ko dahil wala na kaming oras para magtalo pa.
Ilang sandali pa ay nakarating na sina Jervey at Tyler. Kumilos na sila para tulungan ako sa pagpigil sa isang bookshelf na unting-unting bumabagsak at ilang segundo lang ay madadagdagan na ako.
Malutong na mura ang narinig ko mula sa kanila. Hirap din ang mga ito sa pagbuhat sa bookshelves na pinipigilan namin.
"Bibilang ako ng tatlo. Umalis ka riyan kaagad," seryosong sabi ni Tyler na pilit inaangat ang shelve.
Gamit ang natitirang lakas ko ay iniangat ko pa nang isang beses ang natutumbang bookshelf na naging mas mabigat pa dahil nakadagan ang mga naunang natumbang mga shelf at mga lamang makakapal na libro.
"Isa, dalawa, tatlo!"
Napasubsob kaming tatlo sa maalikabok na sahig. Para kaming nanghuli ng isda sa tuyong sahig sa lagay namin. Hapong-hapo kaming tatlo sa pagpigil sa mabigat na bookshelf. Pinilit kong makatayo at nilapitan na ang babae.
"Putangina! Kung wala lang talaga akong respeto sa katawan, matagal ko nang itumba ang matandang 'yun!" asik ni Tyler na inilabas ang pliers para putulin ang mga wire sa bomba.
"Oras na para isuplong na natin siya sa pulisya. Hindi na tama na pumatay siya ng mga tao, may ebidensya na rin tayong nakalap. Mahirap kalaban ang isang baliw," sabi ni Jervey at inilibot ang paningin sa paligid na tila naghahanap ng mga kakaibang bagay na maaaring makasakit sa amin. Baka may kung anong matapakan ang mga paa namin sa sahig at mahulog muli ang mga ilaw sa ulo namin.
Napalingon kami kay Tyler na malutong na nagmura. Seryoso pa rin ito sa pagtingin sa mga wire ng bomba.
"Buksan n'yo ang bintana. Hindi natin mapapatigil ang oras nito. Kailangan na lang nating mabilis na matanggal ang isang 'to sa katawan ng babae at ihagis sa labas ang bomba."
Nagmadaling kumilos sina Claud at Jervey. Sinubukan kong lumapit sa puwesto ng babae, wala pa rin itong malay, nakatakip ng packaging tape ang magkabilang kamay at paa nito, mahigpit itong nakatali sa upuan, maging ang bibig nito ay naka-tape rin.
Kinuha ko ang matalim na kutsilyo sa tagiliran ko at inumpisahan ang pagtanggal sa tape sa katawan ng babae.
Tatlong minuto pa ang natitira sa oras. Mabagal man ang pag-andar nito ay hindi pa rin kami makampante. Sasabog pa rin ang bomba sa oras na mamali kami sa pagputol ng mga wire.
"Hindi ka ba nagsisisi na sumali sa grupo namin?"
Napahinto ako sa pag-alis ng mga tape sa katawan ng babae.
Ano'ng ibig niyang sabihin?
#
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)