A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
Dala ang mga nakalap na ebidensya, nasa isang malinis na envelope ang mga print-out na naglalaman ng mga nakunan na transaction maging ang ilang maseselang larawan ng biktima. Ipinalangin na lamang ni Nimrod na sana ay maging sapat na ang nakuha nila upang makulong ay maysala.
"Officer Dianelo, magkaiba po sina Sir Jancel at Rancel. Inosente po si Sir Jancel bakit n'yo po siya isasama sa presinto?" nagtatakang tanong ni Nimrod. Ang dahilan kung bakit nawala siya sa pinangyarihan ay tinulungan niya ang guro na halos gumapang na sa sahig dahil sa mga natamo na bugbog mula kay Rancel na pinipigilan ni Jancel sa mga balak nitong masama sa mga estudyante, ngunit hindi ito nagtagumpay. Halos mamilipit na ito sa sakit, ngunit naging desidido ang kapatid nito na tuluyan ang mga estudyante na bumabangga sa kaniya.
"Maraming reklamo ang aming natanggap sa opisina mula sa university. Kailangan din namin siyang imbestigahan. Huwag kang mag-alala." Tinapik ng matandang pulis ang balikat niya at nauna ng umalis aa university sakay ng patrol car.
Pumunta na agad si Nimrod sa clinic upang kamustahin ang lagay ng dalawang kaibigan. Hindi pa man siya nakalalapit ay natanaw na niya ang grupo ng mga lalaki na nakabantay sa labas ng clinic.
"Nagising na ba sila?" kaagad niyang tanong.
"Maghintay pa tayo nang kalahating oras. Ang suspect? Ano na ang nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Tyler.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Nimrod na magkukrus muli ang mga landas nila. Hindi pa rin niya maalis ang paningin sa mga kasamahan dahil sa itsura nila. Mukha talagang pinagplanuhan nilang makapasok sa Medalion University.
"Kinausap ko na si Papa na bantayan nila ang suspect, naibigay ko na rin ang mga ebidensya para tuluyan na siyang maikulong," paliwanag niya at nagpakawala ng mabigat na paghinga.
"Salamat pala sa tulong." Bahagya siyang ngumiti, tumango lang si Tyler at seryoso naman siyang tinapunan ng tingin ni Sirius.
"Walang anuman. Kumusta pala misyon ninyo? May nakuha na ba kayong impormasyon mula kay Steinhart?" diretsong tanong ni Sirius na nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga palad at preskong nakasandal sa sementadong pader.
"Sa ngayon, wala pa, pero susubukan pa rin namin hanggang sa may maalala siya. Kailangan talaga na protektahan pa natin siya ngayon, hindi puwedeng malagay sa alanganin ang buhay niya hangga't hindi natin nakukuha sa kaniya ang—"
Napahinto sa pagsasalita si Nimrod nang marinig ang isang boses sa hindi kalayuan. Nagkapalitan sila ng mga tingin at biglang bumigat ang hangin na kanilang nilalanghap. Pakiwari nila ay hindi nila alam kung paano haharapin ang dalaga. Si Tyler na mismo ang bumasag sa tensyon na unti-unting naghahari sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misterio / Suspenso"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)