[Continuation...]
Nagdesisyon si Steinhart na lumiban ng klase sa kadahilanang sumasakit ang ulo niya. Hindi na niya nakayanan ang pagkahilo at minabuti na sa clinic na matulog. Ngunit hanggang sa pagtulog niya sa maliit na kwarto ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari.
Makalipas ang kalahating oras ay nasa tapat na siya ng bahay ni Shamaehiah. Tahimik at walang tao sa lugar. Alas-tres na ng hapon at ang init na dala ng araw ay natatalo sa malamig na simoy ng hangin na hindi gusto ng binata na maramdaman. Mukhang magkakaroon siya ng lagnat sa anumang oras.
"Si Daryl ang itinurong suspect ng mga magulang ni Shamaehiah, maging ng ibang estudyante at mga kapitbahay ng dalaga. Sa madaling salita, magkasintahan pala sila at palihim lamang na nagkikita."
Napalingon siya sa kaniyang tabi nang marinig ang boses ng isang babae, si Malorie.
"Kaya ba Dearest Suspect ang nasa letter dahil boyfriend niya ang may kasalanan?" Hindi inaasahan ni Steinhart na nasa tabi niya rin si Neiza.
"May faculty meeting, 'buti na lang talaga! Ang sakit lang sa damdamin na susugod ka sa giyera nang walang kasama." Ngumuso pa si Nimrod na parang nagtatampo pa. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Steinhart, hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.
***
Nasa isang maliit na waiting shed sila nakaupo at pinag-uusapan ang nangyari. Ayon sa imbestigasyon nina Neiza, Malorie, at Nimrod sa university bago sila umalis, nalaman nila na may nangyayari ngang kakaiba sa dalawang estudyante.
"Akala ko pa naman, gentleman, guwapo lang talaga, pambihira!" asik ni Nimrod.
"Bago ka manghusga, alamin mo muna ang katotohanan." Halos hindi na nila marinig ang boses ni Steinhart. Lumapit si Neiza sa kaniya at akmang hahawakan ito, ngunit mabilis na lumayo si Steinhart sa dalaga.
"Kailangan nating pumunta sa police station."
Dahil na rin may kakilala si Steinhart sa police station sa kanilang lugar ay pinayagan silang makausap si Daryl Ibanez. Nadatnan nila itong nakakulong sa isang rehas, nasa sulok nakaupo at tahimik lamang na yakap-yakap ang magkabilang tuhod.
"Officer Dianelo, maraming salamat po." Nag-bow pa ang apat para magbigay-galang sa matandang officer.
"Walang anuman. May trenta minutos kayo para makapag-usap," bilin ng matanda at iniwan na silang lima.
Nasa likod sila na parte ng police station, malawak ang lugar at maganda ang landscape ng garden nila. May mga upuan at mesa kung saan puwedeng mag-usap ang mga taong bibisita sa station.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)