Enter Key

57 8 0
                                        


Steinhart Sevilla Pov

His name was Flavian Montefalco. A fifty-year-old man who wore glasses. He had fair skin, a well-built body, he was wearing a dirty, white long-sleeve rolled up to his elbows, and black slacks. His hair was gelled up and his eyes had the color of almonds.

"Magandang araw din po, sir. May hinihintay po kaming isang babae na pumasok sa office," paliwanag ko at siya namang pagtango nito. Pinagbuksan niya kami ng pinto at pinapasok sa loob ng opisina.

The room was neat and the design was modern. Trophies, certificates in frames, and different awards could be seen on the shelves, and some were hanging on the wall. The room was big and it could fit two classrooms in it. There was a long sofa at the corner alongside a table with a flower vase on top. There were chairs made of steel around the table. It felt like we were in a five star hotel room.

While Nimrod and I were busy admiring the whole room, Mr. Montefalco entered another door. It was the principal's office. A moment passed and we saw the girl again, she seemed shocked.

"Bakit kayo nandito?" naguguluhan na tanong ng babaeng hinahanap namin. Umayos ng tayo si Nimrod hawak-hawak ang susi ng club room at akmang iaabot na niya ito sa dalaga, ngunit napahinto ito sa pagkilos.

"I assumed, Neiza, that these two good looking guys are your new recruits?" he said with authority.

Neiza? Sa wakas ay nalaman na rin namin ang pangalan niya. Ang pangalan na mayroon siya ay talagang bumagay sa kaniya. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig namin siyang magsalita.

"Ang totoo po niyan, hindi—" Hindi nito naipagpatuloy ang sasabihin nang may pagtunog mula sa isang cellphone.

Mula iyon kay Mr. Montefalco, kaagad na kinuha niya ito sa kanang bulsa ng itim na pantalon. Nang mailabas niya na ang manipis na touchscreen cellphone at nakita ang natanggap na mensahe ay nanlaki ang mga mata nito. Pigil hininga siya sa nakita at walang sabing nabitiwan ang cellphone at lumagapak sa makintab na sahig.

Inalalayan namin ni Nimrod si Mr. Montefalco na makaupo sa sofa malapit sa kinatatayuan namin. Ilang sandali lang ay pinulot ko ang touchscreen cellphone at naupo sa tabi ng principal. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha namin ni Nimrod dahil na rin naguguluhan sa nangyayari.

Nilapitan kami ni Neiza. Maging siya ay hindi komportable sa mga nangyayari. Kahit ipakita niya na maging matatag ay bakas na bakas sa mga mata nito ang takot at pag-aalala. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang balikat ng principal na tila gustong iparating na hindi ito nag-iisa.

Habang tahimik kong tinitingnan ang senaryo ay may ideyang nabuo sa isip ko. Ibig sabihin, ang tumawag sa cellphone ni Neiza kanina sa club room at ang pagmamadali nitong makaalis ang dahilan para habulin namin siya ay walang iba kundi ang uncle nito.

At ito ay ang principal ng Arch Academy.

Habang pinakakalma ni Neiza ang uncle nito ay hindi ko maiabot ang cellphone ng principal. Ako iyong tipo ng tao na hindi nangingialam sa buhay ng iba, pero hindi ngayon. Hindi ko sinasadya na mabasa ang naka-flash sa screen ng cellphone. Muntik ko na rin itong mabitiwan at ang takot na nararamdaman lamang ng dalawa ay siya rin naghari sa akin. Tila naging disyerto ang lalamunan ko dahil pakiramdam ko ay bigla itong natuyo.

Forty-eight hours remaining. The whole Academy will blow up.

Iyon ang mga salitang nabasa ko na nangangahulugang may masamang mangyayari. Hindi na lang ito isang palabas tulad ng insidenteng nangyari isang linggo na ang nakaraan. Ang akala ko, sa mga pelikula na napanonood ko lang nangyayari ang mga ganitong bagay. Dahil hindi pa rin ako makapaniwala ay wala akong maisip na mga paraan para magkaroon ito ng solusyon.

"I know you saw that kid, Neiza. You and this guy right here can help me and the whole academy."

"Pero hindi ko naman sila—" Neiza objected, but I cut her off.

"Hindi mo na maitatago ang totoo. Handa kaming tumulong para sa kaligtasan ng lahat." I was hoping that she would consider my pledge. I could see how her eyes showed fear and sadness. She was just as confused as Nimrod. We were still waiting for her answer, but silence was the only response we got.

Neiza sighed and finally nodded, showing that she agreed. I was relieved that she approved that Nimrod and I could join the Code Breakers Club . . . for awhile.

Tumuloy na kami sa hindi kalakihan na kwarto sa loob ng faculty room, nasa principal's office kami para makapag-usap nang mas pribado.

"No one has to know about this, even the teachers or the administrators. This threat will only stay in these four walls, so please keep it within yourselves."

Neiza sat in the cubicle where the computer was placed. The numbers 48:00:00 was flashed on the screen along with the words enter key in bold in the middle.

The tension inside the room was so thick you could slice it with a knife. We were trying to figure out who sent the threat, but Mr. Montefalco had some assumptions on who it might be.

He seemed very ashamed of it. "The administrators didn't know about this problem. Isinekreto ko ang mga nangyayari dahil natatakot ako sa mga susunod na gagawin ng mga taong nasa likod nito."

Ikinuwento ng principal ang lahat ng tungkol sa threat na natanggap nito bago pa magbukas ang pasukan sa academy ngayong taon. May misteryosong tao ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya dahil napag-alaman daw na nasa eskwelahan nila nag-aaral ang isang lalaki na matagal na nilang hinahanap. Ang problema ay walang ideya ang principal sa lalaking hinahanap nila, at dito na nag-umpisang manakot ang misteryosong tao na pasabugin ang buong academy at idamay pa ang mga inosenteng tao.

Nang magkaroon na ng lakas na tumayo si Nimrod sa pagkakaupo sa kabila ng takot na yumayakap sa kaniya ay hinarap niya kami.

"Kailangan nating isumbong 'to sa mga awtoridad," matapang nitong sabi, ngunit kaagad na umalma si Mr. Montefalco.

"We can't do that! Let me remind you that we are not allowed to ask for help because when the person behind this finds out that we're reaching for help from the authorities, they might actually blow the whole campus any minute!"

Nang subukan ko na gamitin ang isa sa mga computer dito sa opisina ng principal ay hindi ko magawang maka-access dito para magamit ang internet. Tila kontrolado ito ng taong may planong masama sa academy. Maging ang cellphone ni Mr. Montefalco ay na-hack na rin. Kahit na may paraan pa na gamitin ang mga sariling cellphone namin ay magiging delikado dahil sa oras na ma-trace nito na humingi kami ng tulong sa labas ng school, sasabog ang buong eskwelahan.

Tanging isang itim na folder ang naka-flash sa screen ng computer katabi ng timer para sa countdown ang naroon. Naupo si Nimrod sa tapat ng computer at nagsimulang magtipa sa keyboard.

We needed to know the right words to stop the timer, then we would have the chance to stop the disturbance. According to the file, the bombs were placed in different parts of the academy premises.

This was so frustrating just thinking about how we were going to find every bomb in short amount of time. I prayed that this was only a dream. I wanted to wake up right here and now.

Palubog na ang haring araw at sinamahan ito ng mga makapal na ulap. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na itong naglaho. Gayumpaman ay nagsisimula na ang pagkislap ng mga bituin kahit na milyon-milyon ang layo ng mga ito sa mundo. Ang pagkislap ng mga bituin ay nagbibigay ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Neiza sa gilid ko. Maging siya nakatingin sa bintana na gawa sa malaking transparent na salamin dito sa opisina ng kaniyang tito. Makikita sa baba ang mga estudyante na pauwi at masayang lumalabas ng eskuwelahan na kasama ang kani-kanilang mga kaibigan, tila pinag-uusapan pa ang mga bagay na nangyari ngayong araw. Wala silang ideya na nasa panganib ngayon ang lugar kung saan sila nakatayo.


Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon