A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
[Continuation...]
"Ibig sabihin, alam niya rin ang nangyayari kay Kaixin?"
"Ilang beses na niyang pinigilan ang kapatid, pero hindi niya magawa. Kailangan niya ng matibay na ebidensya para tuluyang mahuli ito ng mga pulis kahit na sobrang nadungisan na ang pangalan niya sa maraming estudyante ng Medalion University. Tuwing gabi ay may kinakatagpo si Sir Jancel para ibalik ang pera ng mga estudyante na biktima ng kaniyang kapatid. Ibinibigay ni Rancel ang mga answer key sa mga bata kapalit ng malaking halaga ng pera. Ito ang paraan na naisip niya para lumayo na ang mga estudyante sa nagpapanggap na teacher at ilihim ang mga ginagawa nito, ngunit hindi 'yun sapat. Mas naging hindi katanggap-tanggap ang mga sumunod na taon kasi may mga estudyante na nagkaroon ng bagsak na grado at hindi lang pera ang kapalit."
Napakuyom ang mga palad ni Neiza sa narinig. Naramdaman niya ang pagkulo ng dugo sa mga nalaman. At sa mga oras na iyon ay wala na sila pang dapat sayangin na oras. Kailangan na nilang kumilos nang maaga.
***
Ano mang oras ay papatak na sa mesa ang laway ni Nimrod sa tagal niyang nakanganga habang nakatingin sa dalawang kaibigan na kanina pa tahimik. Hinihintay niyang kumurap man lang ang mga mata ng kasama para mapatunayan na hindi sila naging estatwa.
"Ito, takoyaki! Ano ba'ng nangyari, bakit bigla kayong natahimik?" Halos isampal na ni Nimrod ang takip ng tupperware na lalagyan ng takoyaki kay Steinhart para magising ito, ngunit hindi niya ginawa. Napairap na lang ito at umarte.
"Kay Malorie na lang ako magpapatulong sa isyu tungkol kay Kaixin. Mahipan sana kayo ng masamang hangin at tuluyang maging mga statue—" Napapikit si Nimrod nang maramdaman ang malamig na tubig na tumama sa mukha niya. Naibuga ni Steinhart ang iniinom niyang tubig sa plastic bottle.
Inabot naman ni Neiza ang sariling panyo kay Nimrod para ipunas sa mukha niya.
"Buti kumilos na kayo," naaasar na sabi ng huli.
"Kailangan namin ng mga uniform ng nurse nurse sa clinic," seryosong sabi ni Neiza.
"Sige, susubukan kong manghiram sa mga club member ko kung meron sila at sa mga kakilala nila. Teka, para saan pala?" tanong kaagad ni Nimrod.
"Kailangan naming magpanggap na nurse sa clinic. 'Yun lang ang paraan para makita namin kung ano'ng nangyayari sa loob ng clinic kung saan dinadala si Kaixin."
***
Short Flashback
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)