Third Person
Ngayong umaga, maaliwalas ang buong himpapawid, maganda ang panahon kaya malaya ang mga ibon na sumayaw kasabay ng preskong hangin. Maging ang mga sanga ng mga nagtataasang mga puno ay sumasabay rin sa pag-ihip ng hangin na magandang pagmasdan.
Habang papalapit sa building si Steinhart ay nagiging malinaw ang mga boses ng kapwa niya kamag-aral. Masisisigla ang mga ito at mababakas ang kasiyahan sa kanilang mga tinig. Bagong umaga at may bagong muling mga ideya na pag-uusapan ang bawat isa.
Ngunit gaano pa man kasaya ang nasa paligid niya ay hindi pa rin niya mabura ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan.
***
Pagkatapos ng morning ceremony ay nagsisimula na ang klase. Ang lahat ng estudyante ay pumasok na sa bawat kwarto at naupo sa kanilang mga puwesto. Wala pang kalahating oras ang pagtuturo ng kanilang guro ay may isang faculty member ang nagpa- excuse.
Dahil freshmen pa lang ay may magkakatulad na subject silang pinapasukan kung kaya't madalas ay nagkakasama sila sa mga klase. Napansin ni Steinhart na lumingon si Neiza sa kinauupuan niya, maging si Malorie. Nagtaas lamang siya ng isang kilay dahil sa pagtataka. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone sa kanang bulsa ng itim niyang pants.
"To ask for a donation for my daughter's burial . . ."
Hindi nagbigay ng atensyon ang binata sa isang ginang na nagsasalita sa harapan. Nakatuon ang atensyon niya sa text message na natanggap.
From: Neiza
What do you think about the death of Miss Garcia?
From: Nimrod
May nagpadalang letter sa 'yo na may mga codes, 'di ba? If my memory serves right, her name is Shamaehiah, nakakalungkot lang na namatay na pala siya.
From: Malorie
Anong laman ng letter?
Napabuntonghininga na lang si Steinhart sa mga nangyayari, hindi niya inaasahan na ganito kabilis mawawala ang lahat.
***
A day before.
Abala ang buong university sa paparating na acquaintance party. Habang busy ang ibang estudyante sa mga plano nila ay may isang bagay na pinagtutuunan ng pansin ni Steinhart.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mistério / Suspense"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)