Chapter 50: The Ruler of Hell
Ariel Jasmine Lee
It's almost two years since everything started.
Nagsimula lang naman any lahat sa aksidenteng pag-iwan ko ng phone sa church na nagresulta sa aking paghahanap sa pitong archangel.
It's actually a hopeless case since I needed to retrieve the souls of the original owners of the body first before they ascended.
Buti na lang at nasa paligid lamang sila at hindi naging mahirap ang paghahanap.
When all the archangels' souls ascended into heaven, we needed to close the dimensions that Arch accidentally opened because of his sin.
Maraming naging pagsubok ngunit nalagpasan namin dahil mayroon kaming makapangyarihang Diyos na kasama.
And now, we are standing against Satan, the king of the demons.
"Paanong..." tanong niya ng makita niya kaming lumitaw sa kanyang harapan.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa core na kami ng impyerno kung nasaan naroon ang throne room ni Satan na mukhang nadaanan na ng digmaan dahil sa ilang mga debris na mukhang resulta ng pakasira ng pundasyon ng kanyang palasyo.
Hindi naging madali ang pagdating namin dito sa hell core.
Ilang beses kaming nagpakapal ng shield habang nagmamartsa patungo sa lugar dahil sa pataas na pataas na temperatura pagtungo sa hell core.
Idagdag mo pa ang iilang mga mababang uri ng mge demonyong nagbabantay sa bawat hakbang patungo sa throne room.
Good thing at sanay na ang lahat sa labanan kaya't mani na lamang ang pagtalo sa mga demonyong iyon.
Buti na lamang at normal ang temperaturang mayroon ang silid na ito ngunit hindi ka dapat makampante dahil rinig na rinig mo mula sa ilalim ang kumukulong apoy ng impyerno na tila napakanipis lamang ng sahig na tungtungan at anumang oras ay mapiprito ka ng buhay.
"Your seven guards are already defeated. It's now your turn." matapang kong saad sa kabila ng mabilis na tibok ng aking puso.
Nasa likuran ko lamang sila Gab na tila naghihintay sa aking hudyat.
Saglit kaming nagtangunan bago kami sabay-sabay na naglabas ng sandata at tinuro ito sa direksyon ng hari ng mga demonyo.
Isang halaklak ang pinakawalan ni Satan.
Napakalakas nito na tila umugong sa buong impyerno.
Bahagya nga akong kinabahan dahil baka masira ang tinatapakan naming lupa sa halakhak niya na iyon.
"Do you think you can defeat me now? Those deadly sins were nothing but a mere pawn of mine. They did not even know how to be loyal to their master." Satan said and he snapped his fingers.
As he did that, unknown numbers of different creatures appeared and they surrounded us.
They seemed to be hungry predators that wanted to devour their prey.
Sa kabila ng milyon atang iba't-ibang halimaw sa aming harapan ay nagawa naming gumawa ng hugis bilog at walang takot naming iwinasiwas ang aming dala-dalang sandata sa mga predators na nais kumain sa amin.
Lumutang pa si David upang mapana ang mga halimaw na nasa malayong distansya.
Walang humpay naman ang paghagis ni Raph ng kanyang darts.
Magkatalikuran naman sila Franz at Zach na halos sabay ang pagbaon ng lance at paghampas ng latigo.
Kami naman ni Gab ay gumagamit ng apoy at tubig upang matalo ang mga halimaw na nais lumapa sa amin.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
