Chapter 41:
The Awakening of the Eighth Archangel"Ariel, wake up! Gumising ka." ani ng isang babaeng tinig lamang ngunit walang anyo.
Napamulat si Ariel ng kanyang mga mata.
Sa pagmulat nito ay ginala niyang ang mga mata upang matukoy kung nasaan siya.
Hindi mainit ang paligid. Hindi niya madama ang bigat ng bakal na nakagapos sa kanya.
Tinignan niya ang kanyang kamay at paa.
Wala na ang kalawanging bakal na humihigop ng kanyang enerhiya. Wala na rin ang mga latay na dulot ng paulit-ulit na paghampas ni Wrath sa kanya ng latigo sa tuwing nauutakan ng mga kaibigan niya ang demonyo.
Maayos na rin ang kanyang kasuotan na puti ngayon na may halong pula at dilaw na mga linya.
Nang mapansin niya ang lahat ng naiiba sa kanyang sarili ay binalik niya ang tuon niya sa paligid.
Puti lamang ito at hindi na ang silid ni Wrath na bagama't madilim ay napupuno ng iba't-ibang monitor kung saan niya nakikita ang kalagayan ng mga kasamahan.
Kumirot ang kanyang puso ng maalala niya ang mga kasamahan. Kailangan niyang makabalik at iligtas silang lahat.
Hindi dapat siya nananatili sa lugar na ito.
Naglakad siya upang mahanap ang exit ng lugar at nang mapansin na tila wala itong katapusan ay naging pamilyar na sa kanya ang lugar na ito.
Nakarating na siya rito noon at hindi lang isang beses kundi dalawang beses.
"Gumising ka na, Ariel. Gamitin mo na ang kapangyarihang nasa loob mo. Ikaw ang pag-asa." ani ng tinig.
Maging ang mga tinig na iyon ay naging pamilyar na rin.
Ito ay ang sarili niyang tinig.
Iginala ni Ariel ang mata niya sa paligid upang makita niya ito at doon niya nakita ang lumulutang na apoy, ang apoy na tinanggap niya noon.
"Handa ka na ba?" tanong ng lumilipad na liwanag.
Tumango lang si Ariel sa lumilipad na liwanag at mula sa paglutang-lutang ay muli itong pumasok sa loob ng dalaga.
"Save the world, Archangel Ariel." huling wika nito bago tuluyang makapasok sa loob ng dalaga.
Samantala, patuloy ang pagtawa ni Wrath ng mapansin niyang hindi na humihinga ang dalagang gusto niyang kainin.
Mukhang kitang-kita na talaga ang kanyang tagumpay.
Nahihirapan pa rin kasi ang pito kay Azrael at sa army nito.
"Nagkamali ka ng nakampihan, binibini. Kung tinanggi mo lang sana ang iyong Panginoon. Buhay ka pa sana." ani Wrath na humalaklak pa.
Nang masiguradong wala ng buhay ang dalaga, tinangka niyang ipasok ang kamay sa loob ng dalaga upang kuhanin na ang kaluluwa nito ngunit lumiwanag ang katawan ng dalaga.
Napapikit si Wrath sa liwanag bago ito naging abo at nag-iwan lamang ng isang susi.
Nang maging abo na si Wrath ay kumalat na ang liwanag ni Ariel sa buong silid na kinaroroonan nila.
At sa tuwing may matatamaang kung anuman ang liwanag ay magiging abo ito at liliparin ng hangin.
Nang tuluyan nang mabalot ang buong lugar ng liwanag ay sumabog ito na tila bomba bago nawala kasabay ng pagkalaho ng silid at naging isa lamang itong mahabang hallway.
Sa pagkawala ng liwanag ay iniluwa nito ang isang napakagandang anghel na may apat na puting pakpak, mahabang maalon na pulang buhok at pares nang asul na mata ang tanging natira sa silid.
Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang isang itim na susi.
Hiningahan niya ito at ang itim na susi ay naging puti.
"Kailangan ko nang hanapin sila Gab. Narito sila dahil sa akin kaya't ililigtas ko sila." ani niya sa napakagandang tinig.
Dahan-dahan naglakad ang anghel sa hallway na dating kwartong iyon para tumungo sa ikalawang palagpag kung nasaan ang kanyang mga kaibigan.
Hindi niya alam kung ano ang pasikot-sikot ng lugar kung kaya't hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Habang siya'y naglalakad na walang direksyon ay bigla siyang nakaisip ng isang paraan, ang tanging paraan para makarating siya kung nasaan ang mga kaibigan niya.
"David, call me now. I am Ariel, the lion of god, the angel of fire." ani Ariel sa kanyang isip na hindi sigurado kung maririnig ito ng binata.
Malaki ang tiwala niya rito kaya't naisipan na lamang niyang magpatuloy sa paglalakad habang naghihintay ng summon ni David.
Sa kanyang paglalakad ay sari-saring demonyo ang humarang sa kanya ngunit sa kanyang pagkindat ay naglalaho na sila.
She's indeed the savior that the seven chosen mortals needed to have to save the world.
The eighth archangel that failed to know because of the sin she once committed.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pagdaing ni Arch sa kirot.
Ang kanyang puso ay tila sinasaksak ng hindi makita-kitang espada.
"That shadow is Envy." nanghihinang saad ni Arch.
Pagkasabi ni Arch nun ay ang anino ay humalma ng isang demonyong may mahabang pulang sungay, apat na itim na mga pakpak at mamula-mulang balat at puro itim ang kulay nang mata.
"I thought you already forgotten that you once deal with me." ani Envy as he revealed himself to everyone.
"Arch was once deal with you?" tanong ni Gab na nakakunot ang noo.
Ngumisi si Envy.
"Let me show you the sin that Arch committed since the day you are born, Gabriel John." he said with a grin in his face.
In snapped of Envy's finger, the seven returned to Arch's forgotten past.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
PertualanganAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...