Chapter 20: The Real Reason of Chaos

158 7 1
                                    


Chapter 20:

The Real Reason of Chaos


Ariel


Hindi namin namalayan na unti-unti nang nawawala ang mga kalaban sa paligid.

Bumalik na rin sa dati ang lahat.

Nagtagumpay si Franz.

Natalo niya si Pride.

Hindi ko napigilan ang sarili kong makipag-apir kay Gab.

"We did it. We really did it." saad ko.

"Yeah, Francis did it. Anyways, where's Francis?" sabi ni Gab at hinanap namin si Francis sa paligid.

Nang makita namin siya, he was there lying in the soil almost lifeless.

Malapit siya sa gawi namin kung kaya't agad namin siyang napuntahan.

"Lorenzo, Lorenzo, Francis is dying!" pagsigaw ko.

Alam kong nasa paligid lang si Lorenzo at eecho sa paligid ang boses ko at maririnig niya.

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng kaluskos ng mga dahon.

Parating na si Lorenzo sa gawi namin.

Ngunit laking gulat ko at maging si Gab siguro nang makita namin si Pride na papalapit sa direksyon ni Franz at may dala siyang mga halaman.

Sandali nga, hindi ba natalo na Francis si Pride? Hindi niya ba nagawa?

Agad akong nagpalabas ng apoy na espada at tubig na espada naman ang pinalabas ni Gab at inambaan namin ng atake si Pride.

But because of the condition of our body ay hindi namin siya natamaan.

"Listen, Gab and Ariel, relax. I'm harmless now. My master summon me here to heal Francis's wounds. This is embarrassing. Bakit kailangan kong pagalingin ang taong tumalo sa akin?" sabi niya at tila tinanong pa ang sarili.

Nagkatinginan kami ni Gab.

Pinakiramdaman namin si Pride.

Wala na ang monsterous aura niya kanina. Payapa na ito at tila hindi na makakapanakit.

Ito ba ang epekto ng silent wind?

Saka sino bang master niya ang tinutukoy nito?

"Drop your weapon. He means no harm. Hayaan ninyong pagalingan siya ni Pride. Subukan niya lang suwayin ako, mayayari siya sa akin. Malayo pa kami nila Lorenzo sa gawi ninyo kaya si Pride na muna ang bahala diyan." narinig kong boses ni Arch sa isip ko.

Kung ganoon ay siya ang nagsummon kay Pride.

His borrowed power is useful ha!

I let my weapon vanished in thin air at gayundin ang ginawa ni Gab.

"Buti naman at naisipan ninyong ibaba ang mga sandata ninyo. Sa kalagayan kong ito ay hindi ako makakalaban." sabi niya at unti-unting pinapahid ang halamang gamot sa mga sugat ni Franz.

"Pagkagising ni Francis ay ibibigay ko ulit sa kanya ang susi ko. Nakakainis at makukulong na naman ako." dugtong na pahayag ni Pride habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Kung ayaw mo naman pa lang makulong, bakit pinili mong kumampi sa kasamaan?" tanong ko kay Pride.

Wala kaming alam ni Gab sa panggagamot kaya tinitignan lang namin ang ginagawa niya.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon