Chapter 1: Gab's Resolution

355 15 0
                                        

Chapter 1: Gab's Resolutions

Gabriel John

Bagong taon na naman ang dumating. Malinaw pa rin sa akin yung mga nangyari sa lumipas na taon. Simula sa pakikipaglaban ko sa isang demon para iligtas ang guardian angel ko. Sa pakikipag-cool off ko kay Janella. Lahat ng pagtulong ko kay Ariel para matapos ang misyon niyang hanapin ang pitong anghel. Lahat yun ay parang saglitan lang nangyari. Ngunit sa nakalipas na taon, marami akong natutunan. Marami akong nalaman na dapat ko nang harapin.

"Gil Puyat Station." rinig kong sambit ng operator ng LRT.

Narito na pala ako. Ang unang lugar kung nasaan ang unang problemang dapat ko nang tapusin. Ang tungkol sa pamilya ko. Ang pamilyang kumupkop sa akin nang palayasin ako sa mansion.

Pagkarinig ko nang station na iyon ay agad akong bumaba. Kagagaling ko lang sa ospital kung saan naka confine ang natutulog pa rin na si Ariel at uuwi ako sa bahay para magpaalam.

I need to fulfill my duty as the half heir of the De Sevelles' family at kailangan ko nang magpaalam sa kinagisnan kong pamilya.

Pagbaba ko sa LRT station ay agad akong sumakay ng jeep papunta sa amin.

Pagsakay ko nang jeep, bumaba ako sa may kanto ng street namin at mula roon ay naglakad.

Nadaanan ko pa ang munting playground na pinaglalaruan namin ni Sandra nun, ang half-sister ko. Napangiti ako kapag naalala ko yung mga panahon na nabubully siya dahil sa maliit siya para sa edad niya nun. I am the one who rescue her.

"Kuya Gab?" tila may babaeng tumawag sa akin mula sa likuran.

Kilalang-kilala ko ang boses niya. Siya si Sandra Isiah De Leon.

Hinarap ko siya at ginulo ko ang buhok niya.

"Kumusta? Bakit nasa labas ka? Sino bantay sa shop?” sunod-sunod kong tanong.

Napasimangot naman siya. Mukhang naasar.

"Isa-isa lang ang tanong, kuya. Mahina kalaban." sabi niya na nakasimangot pa rin.

Ginulo ko muli ang buhok niya na agaran niyang inayos at hinalikan ko siya sa noo.

"I just miss you, Sandra. Tara, umuwi na tayo." sabi ko sa kanya at inilahad ang kamay ko.

"I miss you too, kuya. Simula ng nagising ka mula sa pagkaka-confine mo dahil sa anemia, bihira ka na lang umuwi sa bahay. Please, stay at our house more often." pakiusap ni Sandra at hinawakan ang kamay ko na inoffer ko kanina.

Binigyan ko lang siya ng isang malungkot na ngiti.
Sandra, pasensya na but I need to leave. I have a duty to fulfill. Kung dati, wala na akong pakialam doon, ngayon, nagbago na.

Walang nagsasalita sa amin habang tinatahak namin ang daanan patungo sa bahay. Alam kong ramdam ni Sandra ang kalungkutan na nadarama ko. Ayaw niya lang magtanong dahil gusto niyang ako ang magsabi.

Pagdating namin sa bahay ay naroon si Mama at si Papa. Nagulat sila ng makita ako. Kumaripas sila ng takbo patungo sa akin at natulak pa si Sandra na hawak hawak pa rin ang kamay ko kaya natumba siya sa sahig. Agad-agad nila akong niyakap.

"Gab, namiss ka namim. Saan-saan ka ba nagpupuntang bata ka at bihira ka na lang umuwi?" maiiyak-iyak na sabi ni Mama.

Niyakap ko siya dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin na siya ang tunay kong ina at isa akong De Sevelles. I can't tell her that I travelled through purgatory, past, hell and even heaven. Bata pa lang ako sinasabi niya na sa akin na wag na wag akong pupunta sa mga lugar na iyon dahil delikado. Even though I want to tell her my story, hindi ko magawa. My mom has a permanent amnesia, hindi na siya makakaalala.

Maya-maya, bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Mama at niyakap naman ang aking Papa, ang tumayo kong ama habang ang tunay kong ama ay nagdurusa sa kakahanap sa amin sa purgatoryo. Ang taong nagpaaral at nag-aruga sa isang tulad ko kahit na hindi niya ako kilala. Ang taong gumastos sa pang-ospital ko dahil sa pagka-coma ko ng limang taon dahil sa kung saan-saan naglakbay ang kaluluwa ko in the process. I don't know how could I thank him.

"Anak, aalis ka na ba at kung makayakap ka ay tila hindi na tayo magkikita?" banggit ni Papa pagkaalis ko sa pagkayakap sa kanya.

Hindi ko siya sinagot at niyakap ko si Sandra. Ang tumayong kapatid ko sa loob ng napakahabang panahon. Ang babaeng tumanggap sa akin kahit na alam niyang hindi ko siya kadugo. Siya ang tunay na anak nila Papa at Mama. Hindi siya nagtampo kahit na minsan mas priority pa ako ng parents namin dahil sa pagiging fragile ko when I were younger.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa polo shirt na suot ko kaya inalis ko ang pagyakap ko sa kanya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sila hinarap.

Ilang beses akong napapikit para pigilan ang luhang nagbabadya ng tumulo.

"Mama, Papa, Sandra, babalik na ako sa tunay kong pamilya. I just went here to say a formal goodbye. Iiwan ko na lang po lahat ng mga gamit ko rito. Kayo na po ang bahala sa lahat ng gamit ko. Thanks for taking care of me, loving me, protecting me, and guiding me in years of stay here. I never feel that I never belong to the family. Sorry for allow you to sacrifice things because of me. I am wishing that God will watch and bless you, always. I love you all... Till we meet again." sabi ko na hindi man naluha dahil sa pagpigil ko.

Narinig ko ang paghikbi ng aking ina at ni Sandra. Inalo sila ni Papa na alam kong tulad ko rin ay nagpipigil ng luha.

"Why? Bakit babalik ka pa sa kanila? Pagkatapos ka nilang iwanan, ngayon kukunin ka na nila?" humihikbing sabi ni mama.

Ngumiti ako ng mapakla.

"I have a duty to fulfill as a De Sevelles. May kinalaman po yun sa palagi kong pagkakasakit nung bata pa ako. I don't want to leave you but fulfilling that duty is really important." sambit ko na nagpapakatatag pa rin.

"And,mom, I want you to know that dad is still waiting for you. He still love you. You forbidden to remember this but you are my real mother, my biological mother. You are part of De Sevelles family like me." dugtong ko na kinagulat ng lahat.

Napahagulgol si Mama sa narinig niya. Inaalo na siya ni Papa at Sandra ngayon. Gusto ko man siyang lapitan ay hindi ko magawa. If I does, baka magbago ang desisyon kong tanggapin ang pagiging isang De Sevelles at manatili kasama nila.

Wala pa man akong naririnig mula sa kanila ay lumabas na ako ng bahay. Baka hindi na ako umalis doon kapag nanatili pa ako ng matagal.

Hindi pa man ako nakakalayo, nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Papa.

"Alam kong mahirap ang naging desisyon mo. Alam kong pinaghirapan mong pag-isipan iyan. Alam kong ilang beses kang nag dalawang-isip na wag nang ituloy iyang desisyon na iyan. I am proud of you for making that big decision. I wish your happiness. Suportado ka namin. Dalaw ka na lang pag hindi ka busy. Boss pala kita." message sa akin ni Papa.

Napangiti ako sa mensahe niya. Nag-text ako ng 'Salamat, Papa' at nagtuloy-tuloy ng naglakad papunta kila Janella.
I am planning na makipaghiwalay na sa kanya ng tuluyan. I feel something towards Ariel at hindi ako manhid para hindi iyon ma-identify.

Kakatok palang ako sa pintuan nila Janella nang may mag door bell doong isang maputi at matangkad na lalaki.

"Uhmm... Are you Janella's boyfriend?" medyo hesitant kong tanong.

"Hindi... Manliligaw pa lang niya. Mahal pa raw niya yung ex niya. Umaasa pa siyang makipagbalikan yun sa kanya. Ikaw, kaanu-ano mo si Janella?" sagot niya.

"I am a friend. Nagmamadali kasi ako. Pakisabi kay Janella, aalis na yung kaibigan niyang si Gab. Tell her that don't wait for him. She deserves to be happy. She deserves someone who take care and love her. Say my farawell. Take care and love Janella, bro." banggit ko dun sa manliligaw ni Janella.

Nakita kong naguguluhan siya pero hindi na ako nag-atubiling magpaliwanag pa.

Naglakad na ako palayo. Bumubuntong-hininga kada maalala ko yung mukha ng pamilya ko na umiiyak at nalulungkot. But, my decision is final. Kailangan kong i-fulfill ang duty ko as a savior of the world sa nalalapit na battle between heaven and hell. I need to face the world that really made for me.

Naglalakad-lakad ako patungo sa sakayan ng jeep nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko.

It was Kuya Zach's car.

"Gabby, sakay na. Kailangan na nating puntahan si Ariel. Nagising na siya." sabi niya sabay bukas ng pintuan sa passenger seat.

Sumakay ako sa kotse niya at nagpasalamat.

"How's your day?" bungad niyang tanong sa akin habang nagmamaneho.

"I feel a lot of sadness. But my decision is final. I will take my oath as a family member of De Sevelles family this Friday." malungkot na sabi ko.

Pagkatapos nun ay nanaig ang katahimikan sa kotse. Ramdam kong ramdam ni Kuya Zach ang kalungkutan ko ngayon. Ramdam ko rin na nalulungkot din ang guardian angel ko ngayon. But this is the right choice. This is my destiny. Mas malungkot kung patatagalin ko pa.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon