Chapter 9: Telling Him

266 11 0
                                    

Chapter 9: Awakening of Benedict's Mortal Power: Telling Him

Kagabi ay Hindi muli ako dinalaw nang antok. Sa Lorenzo's Paradise kami natulog lahat dahil ni-report namin kagabi ang mga nalaman namin kay Lorenzo na kasalukuyan nang nagsasaliksik para malaman kung paano mapapalabas yung mortal power and so far, wala pa siyang nakakalap na impormasyon.

Maya-maya, biglang nag-ring ang telepono ko. Rumihestro rito ang pangalan ni Cham. At doon ko lang nalala na may usapan nga pala kaming date ngayon.

Pagkaalala ko nun ay agad kong sinagot ang tawag.

"Hi, Cham."

(Hey, Ariel. Saan ba kita susunduin? I know na hindi mo alam yung lugar na iyon.) si Cham yun sa kabilang linya.

Bumuntong-hininga muna ako bago siya sagutin.

"Excited ka naman. Pwede mamayang gabi para romantic." sabi ko na medyo pabiro.

Narinig ko ang pag hinga ng malalim sa kabilang linya.

(I want to spend the whole day with you. At para malibot natin yung place. I want to tour you around. So, please tell me where should I fetch you.) malungkot na may pagkaexcite na sabi niya sa kabilang linya.

"Ikaw ha! Gumaganyan ka na. Bahala ka baka isipin ko may gusto ka sa akin." biro ko

(Eh! What if kung may gusto nga ako sa iyo?) seryosong sambit niya.

And it comes the awkward silence.

Maya-maya nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya at agad din namang nawala. He murmur something pero hindi ko narinig kasi parang nilayo niya ata yung phone niya sa kanya or talagang binulong lang niya.

(Nevermind that. I am just teasing you because you tease me first. Now, tell me where should I fetch you?) sabi niya pagkatapos nang mahabang katahimikan.

"Do you heard the place called Lorenzo's Paradise? Can you come here?" sabi ko na nagbabakasakali na pwede siyang pumunta rito.

Tinatamad akong bumiyahe para lang masundo niya. Isa pa, malaking problema kapag nagkasalisihan kami o kaya hindi niya ako nadatnan sa unit ko. Anong palusot ang sasabihin ko?

(Lorenzo's Paradise? I know the place but it is a private place. Mahal ang entrance fee at maraming dokumentong kailangan ipakita at i-process kung pupunta ka. Maganda sanang tourist spot pero sarado pa sa ngayon sa publiko. Anong ginagawa mo diyan at paano ka nakapasok?) mahabang sabi ng kausap ko and it shut me up.

Hindi ko naman alam na ganon pala ka-private ang lugar na ito. Hindi kasi ako interesado sa travelling kaya hindi ko alam yung mga private and public place. Isa pa, hindi ko rin natanong kay Josh kung open ito sa public. So, I still need to tell a lie.

"Tell to the security guard that you are Lorenzo's friend. Papapasukin ka niyan. Lorenzo is my... uncle." pagsisinungaling ko.

I never lied unless it is necessary.

(Okay. I'll start driving na. Medyo malayo iyang place. Just wait me there and we spent the whole day together kaya marami kang oras para ikwento ang weird mong experience. So, see you later.) masigla na sabi ni Cham na siyang nagpahinga sa akin ng maluwag.

"Sige. Ingat sa pagdidrive. Be safe. See you later too." sabi ko at binaba ko na ang linya.

"Sinong kausap mo?" biglang sabi ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa pagkagulat.

Pagtingin ko ay si Arch lang pala. Kahit kailan talaga, walang manners ang isang ito.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon