Chapter 32: Gluttony, Guardian of Yellow Dimension

87 5 0
                                        

Chapter 32:

Gluttony, the Guardian of the Yellow Dimension

Third Person

Nang maglaho ang babaeng nagpakilala bilang ina ni David ay ang siyang pagsulpot ng isang nilalang na may katabaan, may mamula-mulang balat, itim na mga pakpak, pulang mga mata at may dalawang sungay.

Agad na umilaw ang gintong kwintas ni Ariel at naglabas ito ng isang pilak na espada. David is now holding Archangel Jophiel's sacred bow and arrow at isang lazer sword ang hawak ni Benedict.

"Greetings to all of you! I thought her illusion is enough to bend you, angel summoner. I underestimated you. I am Gluttony." pagpapakilala pa ng bagong dating.

Pagkasabi niya nun ay agad na sinugod ni David ang diablo.

"How dare you to used the soul of my mother in your game?" nagagalit na saad ni David sabay hila ng kanyang palaso na sa kasamaang palad ay nailagan ni Gluttony.

Tumawa ng napakalakas si Gluttony ng hindi siya mataaman ng angel summoner.

"Hindi ka pala marunong umasinta, ginoo. Tignan mo ito." ani Gluttony at naglabas ng isang hugis palasong itim na bagay sa kanyang kamay at inihagis ito kay David.

Sa bilis ng paglipad ng palaso ay natamaan nito si David sa bandang braso dahil nakailag siya ng kaunti.

Sumigaw sa hapdi si David dahil sa sugat na kanyang natamo.

"David, okay ka lang? Gluttony!" pag-aalala ni Ariel at sinugod si Gluttony dahil sa ginawa nito kay David.

Susubukan sana ni Ariel na atakehin si Gluttony gamit ang kanyang espada ngunit agad itong naglaho at dinaplisan siya sa bandang likuran.

Napangiwi ang dalaga sa sakit at napaluhod ito sa sahig.

Lalong lumakas ang halakhak ni Gluttony ngunit agad din itong natigil nang makaramdam siya ng pananakit sa kanyang likuran at nang tumalikod ito ay isang nakangising Benedict ang bumungad sa kanya.

"You!" naiinis na ani Gluttony at naglabas ng isang itim na bola at nang akma niyang itatama ito kay Benedict ay nawala na naman ito.

"Damn! Hindi ko akalain na ang mortal na ito ang kalaban ko. Duwag! Duwag!" naiinis na saad ni Gluttony.

Ngunit hindi natinag si Benedict at mula sa kawalan ay inatake niya muli si Gluttony na napangiwi sa sakit ng tamaan siya ng kung anong matulis na bagay sa kanyang paa.

Patayo pa lang si Gluttony ng mapansin niya ang bolang apoy na papunta sa kanya.

Lumipad ito upang maiwasan.

"Mga duwag! Magpakita kayo!" nabubwisit na saad niya.

"Duwag? Ang duwag ay umuurong sa laban. Kami ay patuloy na lumalaban. Hindi mo lang kami nakikita, duwag na kami." ani Ariel at muling naglabas ng isang bolang apoy at pilit na tinatamaan ni Gluttony na kasalukuyan pa ring lumilipad para makailag.

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi natamaan si Gluttony.

"Hahahaha! Bagama't hindi ko kayo nakikita ay hindi iyon hadlang sapagkat hindi ninyo ako natatamaan." ani Gluttony.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nainis si David at kahit humahapdi pa ang kanyang balikat ay inatake niya si Gluttony.

"Archangel Michael, please, allow me to use your strong wings." dasal ni David at sa isang iglap ay nagkaroon siya ng apat na pakpak, ang pakpak ni Archangel Michael.

At gamit pa rin ang palaso ni Archangel Jophiel ay tinira ni David si Gluttony na hanggang ngayon ay wala pa ring ideya na nasa isang ilusyon ni Benedict.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon