Chapter 10: Awakening of Benedict's Mortal Power: Awakening of the Power
Habang hawak niya ang dalawang kamay ko, nakaramdam ako ng lakas ng loob dito. Muli akong bumuntong-hininga bago tuluyang nagsalita.
"Isang linggo, bumalik ako sa choir room para kunin ang naiwan kong cellphone. Doon ko kasi iyon naiwan. Aalis na sana ako ng may narinig akong boses." panimula ko at kinuwento sa kanya ng maiksi ang naging expedisyon namin nila Gab sa paghahanap at pag rerevive ng pitong archangels. Sinabi ko rin sa kanya na ng araw na nagpahatid ako sa Hansel Forest ay ang araw kung kailan namin ibinalik sa langit si Archangel Uriel kasabay nun ang pagpunta namin sa realm of heavens.
Maya't maya nga dumarating yung waiter para mag serve ng food ngunit deadma lang sa pinag-uusapan namin. Mukhang ngang hindi nila kami naririnig dahil may nakasapak na headphones sa tainga nila. According to Cham, using hand signals tinatawag ang mga crews nila rito at aalisin nila yung headphone para marinig yung ipag-uutos ng costumer. Special floor nga kasi ito kaya mataas ang demand ng privacy.
Maya-maya ay sinuri ko ang reaksyon ni Cham. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka at pagkamangha habang nagkukwento ako. May ilang beses na tinangka niyang ibukas ang bibig niya para magtanong ngunit tila wala siyang salitang mahanap.
Kinuwento ko rin sa kanya ang pagiging reincarnation ko ng isang anghel at ang tungkol sa panibago kong misyon kung saan kasama siya dahil maaaring taglay niya ang kung anumang klaseng kapangyarihan.
At sa sinabi kong iyon ay nabitawan niya ang hawak niya na kamay ko na hinahawakan niya pagkatapos kong kumain.
Lalong lumabis ang kanyang pagtataka at pagkabigla sa mga sinabi ko tungkol sa bago kong misyon. Napa-face palm pa nga siya.
"Hindi ko maintindihan. Bakit ako? Bakit kasama ako? I don't think that there is special to me. Maliban sa likas ang photographic memory ko, wala nang espesyal sa akin." sabi ni Cham nang makahanap siya ng tamang salitang babanggitin.
Walang espesyal sa kanya? Didn't he see, how special he is?
This time ako naman ang umabot sa kamay niya na nasa table.
"Everything about you is special, Benedict." simula ko na bahagyang ikinagulat niya.
It is the first time na tinawag ko siya sa first name niya.
"The question should be, 'bakit hindi ikaw?' You had a lot of potentials. You can give wisdom. You can give love advices. Humble ka at matalino. Bakit hindi ikaw ang dapat biyayaan ng Gift of Memory and Love? Bakit iniisip mo na hindi ka nararapat para maging alaga ni Archangel Chamuel? Benedict, you have a down to earth personality despite of being a rich kid. You should learn to appreciate that." dugtong ko sa words of wisdom na sinabi ko kanina.
It seems to be the cue para lumiwanag ng pink ang buong paligid.
Hindi ko alam kung napapansin ng mga crews ang nangyayari.
Only I know is we suddenly transported to a different place.
In a beach kung saan ko nakita ang sarili ko na hawak ng isang bata na biglang nawala sa pink na liwanag.
Pink na liwanag?
Doon ko palang napagtanto na si Cham ang kasama kong bata noon at kinuha siya ni Archangel Chamuel or nahigop siya ng ray ni Archangel Chamuel kaya siya biglang nawala.
"The power of illusion is my gift, Ariel. Taglay ko ang kapangyarihan na iyon simula nang malunod ako sa beach at hindi mo ako nasagip. Nag-close ang kapangyarihan ko na iyon when I lost in a beach again kung saan kita nakita. Suddenly, I forgot those things dahil sa palagi kong pagdududa sa sarili ko. Now, I am free again. Thank you." sabi niya at muli kaming bumalik sa lugar kung saan kami nakaupo kanina.
Nagkwentuhan kami ng iilang mga bagay hanggang sa nakarinig kami ng pagpapanic ng mga tao.
Napatayo kami ni Cham sa kinauupuan namin.
Maya-maya pa ay may lumapit sa aming isang waitress at hinila kami ni Cham sa magkabilang kamay.
"Sir, ma'am, sa emergency exit na lang po tayo dumaan." pawisang sabi ng waitress sa amin na pinipilit maging kalmado kahit halata sa mukha niya ang pagpapanic.
"What happened?" tanong ni Cham.
"Mayroon pong biglang lumabas na mga hindi kilalang nilalang sa kung saan na kasalukuyang nangugulo sa commoner's floor. Inutos ng manager na i- evacuate lahat ng mga costumers." sabi ng waitress.
"Iwan mo na kami. I- evacuate mo rin lahat ng mga crews and staffs. Kami ng bahala ni Ariel sa sitwasyon." maawtoridad na utos ni Cham sa waitress.
Kahit nagdadalawang-isip ay sumunod agad ang waitress. Kami naman ni Cham ay naiwan sa kinatatayuan namin.
Maya-maya, kinumpas niya ang mga kamay niya at naiwan kaming dalawa at ang mga libo-libong kaluluwa't halimaw na mukhang galing sa purgatoryo.
Agad kong hinawakan ang golden necklace na suot ko at gumawa ng isang signal para makahingi ng back-up.
"Ariel, are you ready?" sabi ni Cham na tinanguan ko.
Gumawa muna ako ng isang fire sword sa mga kamay ko bago kami tuluyang tumalon sa vernanda ng beach restaurant.
"Wag kang mag-alinlangan na makasira ng mga gamit dito. It is just a replica of the real place." bilin ni Cham sa akin bago kami pumunta sa magkabilang direksyon.
By the way, gumawa siya ng isang illusion sword na hindi ko alam ang gamit.
"Good luck." sabi namin sa isa't-isa bago tuluyang naghiwalay ng landas.
Na-eexcite ako sa pwedeng mangyari. A battle for ending the war is about to begin.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...