Chapter 37: Saving Ariel, Saving the World

62 4 1
                                    

Chapter 37: Let Us Save Ariel! Let us Save the World!

Ariel Jasmine Lee

Mainit. Madilim. Masakit.

Ayan ang mga nakikita at nararamdaman ko sa ngayon.

Nasaan ba ako? Sino ba ang dumakip sa akin?

"Sa wakas ay nagkita tayong muli, Ariel. How's your new home?" ani ng isang nilalang na may nakakatakot na boses.

Pamilyar sa akin ang kanyang boses ngunit hindi ko ito matandaan.

Nanatili akong tahimik na tila hindi siya naririnig.

"Kinalimutan mo na ako kaagad? Ako nga pala si Wrath. Now, praise me and I will let you leave." sabi nito sabay tawa ng napakalakas.

Inirapan ko siya at nginisian.

"Are you my God, my father, my Creator? Why would I praise you?" sabi ko sa kanya na may panunutsya.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi at nagpalabas ng itim na apoy sa aking kinaluluhuran.

Naramdaman ko ang init at hapdi nito sa aking tuhod.

Gusto kong lumaban ngunit nakagapos pala ang aking mga kamay at mga paa habang nakaluhod sa harapan ng demonyong hindi ko makita ang mukha dahil sa kadiliman.

"Now, deny your God before me and praise me or else you will suffer." ani niya sa mas mataas na tinig.

Mukhang napausok ko ang ilong niya sa aking tinuran.

"Even you kill me, I will not deny my God. I know someday He will redeemed me." matapang kong sabi sa kanya na nakataas ang aking ulo.

Bagama't ang hapdi at ang init ng apoy na kinaluluruhan ko ngayon ay hindi ako magbabago ng paniniwala because I know God will not leave me behind.

Bata pa lang ako ay tinawag na Niya ako upang maglingkod sa Kanya.

Dahil sa sinabi ko ay hinampas ako ni Wrath ng isang may tinik na latigo sa aking katawan.

Ramdam ko ang lakas ng kanyang pagkahampas at sakit ng mga tinik nito na tiyak na nakasira sa aking kasuotan.

"Let see how they can help you. Nagpadala ako ng mga tauhan ko para sugpuin ka. No one can reach you. No one can help you except from me who can release you by denying your God before me." sabi pa niya at muling humalakhak.

Hindi ko pinansin ang kanyang katwiran at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang makausal ng isang panalangin.

"Panginoon, kung nanaisin mo akong mamatay dito sa impyerno ay wala akong magagawa. Ang tanging kahilingan ko lamang ay iligtas mo sila Gab sa anumang sitwasyon nila sa mundo. Gab is Your loyal worship and David is Your faithful servant. Benedict is Your humble son. Francis already saw you. Arch, despite of being a black sheep, he believes in You. Zach raised to serve You and Raphael loves You very much. Lorenzo is always with You when you show him Your Mercy. So, Lord, make them safe in Your arms even you forgot about Your humble servant, Ariel, who was once an angel who sinned against you. Amen." tahimik kong panalangin at sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin na tila ako'y hinahaplos upang mawala ang alinlangan sa aking puso.

Napangiti ako.

Panginoon, I leave everything to You.


Gabriel John De Leon

Ako ba ang may kasalanan kung bakit naririto ang mga diablong ito?

Ilang oras na simula ng kinuha si Ariel ng aninong iyon ngunit ito pa rin kami, nakikipaglaban sa tila bakal ang katawan na mga diablo.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon