Chapter 30:
The Message and Another Dimension
Ariel Jasmine
Tahimik lamang kaming tatlo habang binabagtas ang daan patungo sa chapel.
Naglalakad pa rin si Cham sa unahan namin na tila wala pa rin sa mood.
"Anong problema niya? He seemed jolly a while ago." bulong kong tanong kay David since kaming dalawa ang halos sabay ang pace sa paglalakad.
David shrugged his shoulder then replied,
"Tanungin mo kaya? He seemed too enthusiastic while airing too, eh."
So, nawala lang siya sa mood nung biglang dumating si Seraphiel. Hindi kaya may kinalaman iyon sa dapat niyang sabihin sa akin?
Binilisan ko ng bahagya ang aking paglalakad para masundan si Cham at matanong.
Nang makalapit na ako sa kanya ay bigla itong tumigil sa paglalakad.
"Ano iyon, Ariel, may sasabihin ka ba?" tanong niya using a tone that I can't identify.
"Uhmm, kung sobrang importante talaga ng sasabihin mo, I am willing to listen to you while we are walking." ani ko sa apologetic na tinig.
Bumuntong-hininga siya at sumilay ang simpleng ngiti sa kanyang mga labi.
"I believe that it is not the right time and right place to say it. It might also add to your burden. It is better for you to not know it today. Let's go, we already arrived in the chapel." sabi niya at bahagya pang binuksan ang pintuan ng hindi ko akalaing pintuan na pala ng chapel.
I am too preoccupied to notice that we already arrived in the given place.
Since pinagbuksan na ako ni Cham ng pintuan, ako na ang unang pumasok, sumunod siya sa akin at huling pumasok si David na nasa likuran namin kanina pa.
Maliit lang ang chapel na ito.
Mukhang sapat na ang dalawampung katao ang pwedeng pagtipon-tipon sa loob.
Sabay-sabay kaming nagtungo sa unang upuan sa harapan nang altar at lumuhod sa luhuran ito.
Tila nag-usap kami sa aming mga isip ng sabay-sabay kaming magtanda at ipikit ang aming mga mata upang mag-usal ng pribadong panalangin.
"Ama kong Diyos, ikaw na po ang bahala sa amin sa pagpapatuloy ng aming misyon. Alam ko pong sa inyong patnubay at gabay ay magagawa naming posible ang lahat. Amen."
Nag-antanda na ako pagkatapos nun at tumayo na mula sa aking pagkakaluhod.
Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas bago nag-antanda si David na sinundan ni Cham.
"So, we already greet Him. Are you ready to hear the angel's message for us?" tanong ni David sa amin.
Nagkatinginan kami ni Cham bago sabay na tumango.
Tumayo si David sa pagkakaupo niya upang magtungo sa altar.
Lumuhod siya sa harapan nito at ipinikit ang kanyang mga mata.
"I, David, granted a power to summon an angel under the guidance of Archangel Jophiel, asking the presence of the great leader of the seraphims, Himil Angelus Seraphiel. Come forward and join us today for us to hear a message of hope from Him through you." ani David sabay chant ng isang phrase na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
