Chapter 14:
Close the Pink Dimension
Benedict
"Benedict, gising na. Narito na tayo." rinig kong banggit ng isang nilalang na may mala-anghel na tinig sa tabi ko.
Sa hudyat niyang iyon ay naidilat ko ang mga nakapikit kong mga mata.
Sa hudyat niya ring iyon ay tila nawala lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko kanina.
Sino ba ang nilalang na ito? Bakit nagagawa niyang tanggalin lahat ng dinadala ko?
Hindi ko man makita ang itsura niya sapagkat nababalutan ng liwanag ang mukha ngunit sapat na ang maaliwalas na presensiya niya sa tabi ko upang malaman kong hindi siya kalaban kundi isang kakampi.
"Benedict, ako si Chamuel at narito tayo ngayon sa pintuan ng mga halimaw." ani niya sa pinakamalambing na boses na mayroon siya.
Naging cue ang sinabi niyang iyon para pagmasdan ko ang buong paligid.
Tila isa itong kawalan na ang kulay na umiibabaw ay hindi kulay puti o itim kundi kulay rosas o pink.
Ang tanging naririto lamang ay ako, Ang presensiya ng anghel at ang libo- libong rosas na pintuan na nakabukas ngunit tila kawalan lamang din ang ilalim.
Napatingin ako sa aking palad.
Hawak ko pa rin ang susi sa galing mula kay Lust, ang devil na nakalaban ko at natalo kani-kanila lang.
Ngunit saan... saan sa libong pintuan na iyan ang siyang kailangang isara ng susing ito?
"Lahat ng pintuang iyan ay dapat isarado gamit ang nag-iisa mong susi." ani ng anghel.
Napataas ang aking kilay.
Iisang susi na isasarado ang isang libo o higit pang pintuan?
Napakaimposible naman 'ata.
"Believe in yourself and in your faith, Benedict. Nothing is impossible. I'm leaving. Ikaw lang ang makapagsasara ng pink dimension. Good luck. We're waiting for you." sabi ng anghel at nawala na ang presensiya niya.
"Archangel? Archangel Chamuel?" tawag ko ngunit tila wala na talaga siya.
Akala ko ba ay ituturo niya sa akin, eh, bakit bigla na lang siyang nawala nang hindi man lang ako binigyan ng hint para maisarado ang libu-libong pintuan sa harapan ko?
Saglit pa ang lumipas ay sinubukan ko muli siyang tawagin ngunit ayaw na nga talaga niyang magpakita.
"Kaya mo iyan, Benny. You can do it." cheer up ko sa sarili ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay unti-unti akong lumapit sa lokasyon ng mga pintuan.
Hirap ang bawat hakbang ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
Bigla kong naalala na nasa loob ako ng hindi makilalang dimensyon ng mga halimaw.
Mukhang may pwersang pumipigil sa akin para lumapit.
Maya-maya pa ay hiningal na ako sa paglalakad.
Ang pwersang maaaring nagmumula sa mga pintuan ang siyang nagpapahina sa akin.
Paano ko ito maisasara kung hindi ko man lamang ito malapitan?
Bigla kong naalala ang sinabi ng anghel.
Tinuro niya sa akin kung paano ko maisasara ang pintuan.
Sadyang hindi ko lang agad ito naunawaan.
Ganito naman talaga ang mga tao, at tao rin naman ako, nasa harapan lang ang kasagutan ay naghahanap pa ito ng iba.
Bakit ba naisip ko na hindi ko masasara ang pintuan na iyan gamit ang nag-iisa kong susi?
As far as I remember, I was gifted by the power of illusion.
Using my mind, I asked in my prayer to duplicate my key into thousands of keys that might be enough to close all the door at once.
Hindi ko alam kung nagkatotoo ang kahilingan kong iyon since I closed my eyes.
Believing that my key duplicated into thousands of keys, I spoke another prayer,
"Almighty Father and the angel who chose me to close this dimension, grant me the power to close all of the doors at once with your undying guidance. I asked all of this in His Holy Mighty Name." panalangin ko.
I felt a relaxing cold wind at front of me.
I didn't bother to open my eyes.
I just walked as my eyes closed.
The difficulty was still there but in some ways I didn't feel tired.
Hindi ko kabisado ang dimensyon na ito at nakapikit pa rin ako ngunit tila alam ng katawan ko kung saang direksyon ang pupuntahan ko.
Kusa na lang akong huminto sa kung saanman.
My eyes was still close.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Pakiramdam na tila magkakasama ang init ng apoy, lamig ng tubig, simoy ng hangin at paggalaw ng lupa ngunit tila Hindi ako natinag sa aking kinatatayuan tulad ng isang matatag na puno ng narra.
Itinaas ko ang kanan kong kamay na siyang may hawak ng nag-iisang susing nakuha ko mula kay Lust.
"In the name of the Almighty Creator of Heaven and Earth, I, Benedict Chamuel Lozaga, the chosen one of Archangel Chamuel, commanded all of these doors to close at once." saad ko.
Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga katagang binanggit ko tila may bumulong nito sa akin.
Hindi ako iniwanan ng anghel.
Naririto lang siya sa loob ko sapagkat ang anghel na iyon at ako ay minsang naging isa.
Humangin ng malakas.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsarado ng mga pintuan.
Tila isa-isa na silang nasasarado.
Nang maramdaman kong nasarado na ang lahat ng pinto ay binuksan ko ang aking mga mata.
Piniit ang kandado ng pintuang nasa harapan ko.
Sinusi ito gamit ang nag-iisa kong susi.
Kasabay nun ay ang pagpasok ng kaparehas din ng susing hawak ko sa kandado ng katabi nitong susi.
At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sapagkat tila may kung anong elemento ang naghatak sa akin sa kung saan na siyang tuluyang nagpatulog sa akin.
"Maraming salamat, anak." narinig kong sabi ng isang mahiwagang boses at naramdaman ko ang malamig niyang halik sa aking kanang pisngi.
Nagawa ko. Natapos ko ang misyon na may pagkilala sa Iyo.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
