Francis Guzman's Perspective
Tumatakbo kami ni Lia, ang dati kong kasintahan sa isang kagubatan.
Natamaan ako ng bala sa kung saan-saang bahagi ng aking katawan.
Patay na ako. Alam kong hindi ko na kaya pang bumangon.
"I know she's safe now. Kunin ninyo na ako."mahinang bulong ko habang nakatingin sa langit.
Hindi ko na kaya. Alam kong hindi ko na kaya.
Patulog na ako ng makarinig ako ng isang tinig, isang maganda at mahiwagang tinig na hindi ko mawari kung sino.
"Francis, may I borrow your body for a while? I'll promise you, I will protect those dearest to you. I am not worthy to protect the humankind. I am not worthy to be the patron of peace. I am now like you, lifeless. God, I hope you will forgive me but I need to find myself. I badly need to find a hope. Promise, I will returned him to you when I finally find my worth again." wika ng isang nilalang na hindi ko mapangalanan.
Hindi ko alam kung sinagot ko siya o hindi.
At bigla kong naidilat ang mga mata kong natutulog na kanina.
Ano na naman ba ang panaginip na iyon? Nangyari ba talaga iyon?
Minsan na ba talaga akong namatay?
Lihim akong napatawa sa aking naisip.
I was just comatose pero hindi ako namatay.
Dahil ang lahat ng namamatay ay hindi na muling nabubuhay unless it was a reincarnation.
And I believe it was not my reincarnation dahil ako pa rin naman ito.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga.
Kailangan kong hanapin si Lia at magpakita sa kanya.
Kailangan niyang malaman na buhay ako at nagising na.
Ngunit saan? Saan kaya siya maaaring nagtago?
Nagmadali na akong gawin ang mga morning rituals ko: paliligo at pagtutooth brush.
Kailangan ko nang makita sa Lia bago pa niya maisip na ipagpalit ako sa iba.
Nang matapos ako ay humigop lamang ako ng kape at naglakad na sa kung saan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Makadaan na nga lang sa simbahan.
Bukas ang St. Michael Basillica kahit na walang misa.
Hindi ako palasimba na tao ngunit tila malaking parte ng pagkatao ko ang simbahang ito.
"Francis, sa wakas, nakita na rin kita." rinig kong banggit ng isang nilalang na hindi ko kilala.
Napatingin ako sa paligid ko.
Wala akong nakitang tao.
Nagsitayuan ang balahibo ko kaya nagmadali na akong tumakbo palabas ng simbahan.
Sa kamamadali ko ay may nakabangga akong isang tao.
Napangiti ako ng makita ko siya.
Siya iyon. Ang babaeng hinahanap ko.
"Totoo nga, nabuhay kang muli, Francis. Ikaw ba talaga ito?" ani ng babae sa harapan ko.
Nginitian ko siya bagama't naguguluhan ako sa sinabi niya.
Nabuhay akong muli? Totoo bang namatay ako?
"Oo, Lia, ako si Francis. Nakabalik na ako." sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi.
Niyakap niya ako.
"Buti naman at nakilala mo na ako. Nung huli tayong nagkita ay hindi mo ako nakilala." saad niya.
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
Sa pagkakaalala ko ay kailan lamang ako nagising.
"Ako yun, Francis. Minsan kong ginamit ang katawan mo. Alalahanin mo." rinig ko na namang bulong ng kung sino.
Bahala siya sa buhay niya!
Basta kasama ko na muli si Lia.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
