Special Chapter 2

112 5 0
                                    


(same time as Francis's POV in chapter 17)


Ariel Jasmine



Limang minuto pagkatapos kong tawagan si Gab ay hindi pa rin siya nagpapakita.

Siguro ay nakalayo na siya mula sa condo ko kaya matagal siyang nakabalik.

Dahil hindi pa siya dumarating, I decided to order a coffee.

Sigurado akong importante ang sasabihin niya sa akin dahil pinuntahan niya pa ako sa condo ni Josh.

Tungkol kaya ito sa misyon namin? Ano kaya ang bago niyang natuklasan?

"Sorry, Ariel, if I keep you waiting." narinig kong sabi ng lalaking biglang tumabi sa akin.

Busy ako sa pagsipsip ng kape ko kaya hindi ko man lang namalayan na dumating na siya — si Gab.

"It's okay. Alam kong nasa malayo ka na. Anyways, ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Uhmm... kumusta pag-uusap ninyo ni Francis? Was it turn out good?" tanong niya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Why he was trying to divert our conversation? Or ako lang ang nakakaisip nun?

"That's fine. Nag-uusap na sila ni Archangel Uriel doon. Umalis ako para hindi ako makasagabal sa kung anumang ritwal na gagawin nila. Remember, I was once an angel. Anyways, ano nga ba yung sasabihin mo kanina bago dumating si Franz?" pagbalik ko ng tanong sa kanya.

Naging malikot ang mga mata ni Gab nang muli kong itanong sa kanya ang itinanong ko kanina.

Paminsan-minsan pa'y kinakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Uhmm, I think I should order a coffee first. Wait a minute, Ariel." excuse niya.

I don't know why but I think he was somewhat uneasy.

Ano ba kasi ang sasabihin niya sa akin at hindi niya masabi-sabi?

"Okay, take your time. Basta, pagbalik mo ha! I need answers, Gab. Alam kong may sasabihin kang importante." sabi ko sa kanya.

Tumango na siya at dumiretso na sa cashier para umorder.

Pinagmasdan ko si Gab as he ordered his food.

Malaki na talaga ang pinagbago niya sa Gab na nakilala ko noon sa choir.

He was still shy person pero mas expressive na siya ngayon.

He always wears expressions na hindi ko nakita noon.

Maybe because we're not really talking until the event about Archangel Gabriel happened.

Magiging close pa rin kaya kami after this?

After all, this part of my life will become a dream once it was finished.

Bigla kong naramdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.

I wiped it before it fell.

Maya-maya pa ay umupo na muli si Gab sa harapan ko.

Dala-dala niya ang kape na inorder niya.

"Hey, umiyak ka ba, Ariel?" tanong niya sa akin na may pag-aalala sa boses.

If I woke up someday, I wish I will remember that once Gabriel John Deleon worried about me.

"I'm fine. May naisip lang ako na nakakaiyak. Anyways, stop diverting our conversation. Tell me, ano ba dapat ang sasabihin mo kanina at pumunta ka sa condo?" tanong ko ng direkta.

Bumuntong-hininga si Gab.

Sumipsip ng kape bago sumagot.

"If ever we're dreaming right now and this dream will come to an end, I would like you to know that in this dream that we shared, I am falling in love with you. Kung sakali mang matapos ang panaginip na ito at hindi magbago ang nararamdaman ko sa iyo, pwede ba, papayagan mo ba akong ligawan ka at mas kilalanin pa? Ariel, you're the most amazing woman I ever know. Dati pa lang sa choir ay iniisip ko na kung paano ko kakausapin ang isang babaeng katulad mo. That's why I ended up ignoring you as if you are not a part of it. Pero, dahil sa misyon na ito o maaari ring panaginip na pinagsasaluhan nating dalawa, nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin ka at mapalapit sa iyo. So, if ever this dream will end and my feelings for you remains, are you willing to accept it?" Malikot ang mga mata at kamay ni Gab nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

How, how could I react in his confession?

It was not the first time that someone confessed to me pero iba ang dating ng confession ni Gab.

Ito ay isang uri ng confession na kahit na sa tanang buhay ko ay hindi ko maiisip na magaganap.

"Maybe you think that I am silly for loving a girl who I just close too because of the mission that we shared. But, Ariel... believe me or not... I fell in love in your faith, in your bravery and in your kind heart. Kahit ako Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. I thought loving Janella is the greatest gift that I received pero hindi pala. Ang mabigyan ako ng pagkakataon na makasama ka at makilala ka ay ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. I wish that I can bring this gift in my reality." dugtong ni Gab pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ngunit this time ay nakatingin na siya sa akin.

Ako naman ang siyang nag-iwas ng tingin.

Kanina ay gusto kong malaman kung anong sasabihin niya at ngayong sinabi na niya sa akin ay tila nagsisisi akong nalaman ko.

I don't know how to handle his confession.

"Paano si Janella? Babalikan mo pa siya, diba." biglang segway ko ng usapan.

Malungkot na ngumiti si Gab.

"I officially break up with her nang magising ka mula sa pagkaka-coma. Nang nasa ospital ka at natutulog, doon ko na-realize ang isang bagay— nahulog na ako sa iyo, Ariel. I am not accepting any answers now at least I let you know. Mapapanatag na ako. Anyways, goodbye." saad niya at nang akmang papaalis na siya ay tinawag ko ang pangalan niya.

Napahinto siya at napalingon sa akin.

"If ever that you're feelings will stay the same, bakit hindi natin subukan? Let's date each other, Gab, kapag natapos na ang lahat." sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti at pamumula ng kanyang tainga na marahil ay kanina pa iyon at ngayon ko lang napansin.

"Uhmm." tugon niya at lumabas na sa cafe na hindi ako kasama.

Napabuntong-hininga ako pagkaalis niya.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng lahat ngunit isa lang ang sigurado ako—hindi na babalik sa dati ang lahat— dahil panaginip man ito o hindi, ang mga damdamin na nabuo namin sa loob nito ay totoo at sana ay hindi magbago.

Dahil aminin ko man o hindi sa sarili ko, alam kong matagal ng may espasyo sa puso ko si Gab at hindi ko lang alam kung saan siya nakalagay.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon