Chapter 27: Defeating Greed

94 6 0
                                    

Defeating Greed

Ariel's POV

Walang alinlangan naming tinahak na tatlo ang gintong daanan na ginawa nang anghel. Wala mang kasiguraduhin kung saan nito kami dadalhin ngunit sigurado akong papunta ito kay Greed, kung nasaan man siya ngayon.

"Sigurado ba kayo na dadalhin tayo ng daanan na ito kay Greed?  Tapos,  ano nang gagawin natin? Kaya ba natin siyang talunin?" sunod-sunod na tanong ni Raph.

Biglang naputol ang gintong daanan.

Masamang tinignan ni Gab si Raph na tila hindi naman naintindihan ni Raph ang ibig sabihin.

Maya-maya pa ay huminto na kami sa paglalakad dahil wala na iyong daanan namin.

"Teka,  nasaan si Greed dito?  Mukhang nasa kawalan tayo ha!  Ariel,  please enlighten me." reklamo ni Raph.

Kumamot si Gab sa ulo niya at tahimik na nagmukmok.  Paulit-ulit na sinasabing 'Kasalanan mo ito.' habang nakatingin kay Raph.

Raphael reminds clueless kaya mukhang dapat na akong magpaliwanag sa kanya.

"Raph,  David is an angel summoner. Ang nilalang na gumawa nang gintong daan ay isang angel. Hindi niya tayo ililigaw dahil isinugo siya para tayo'y tulungan. Kung mag-aalinlangan ka,  hindi tayo makakarating sa pupuntahan natin. Kung matatakot ka sa mga posibleng mangyari, hindi tayo mananalo sa laban. Greed will defeat us." paliwanag ko.

Kumunot ang noo ni Raph at buong pagtataka akong tinignan.

Hindi siya na-orient sa ganitong mga bagay kaya normal lang na ganyan ang maging reaksyon niya.

"We are in a reality wherein we need to change the world for it to not end. Tayo ang mga piniling front liners sa laban na ito. The only thing we need to do is to trust God and trust ourselves. You are a strong believer,  Raph,  we can do it if you will not give up." pagpapaliwanag ko pa.

Tumango-tango lang si Raph at nagpatuloy na naglalakad kahit wala na ang gintong daanan.

"Teka,  Raph." pagpigil ko sa kanya.

"Ang sabi mo wag tayong sumuko. Hindi ba pagsuko ang paghinto at hindi pagpapatuloy dahil wala na tayong nakikitang daanan?" ani Raph.

Napangiti kaming dalawa ni Gab sa sinabi niya at sinundan siya sa paglalakad nang diretso.

Maya-maya pa ay may nagpakita na muling gintong daanan at tahimik namin itong tinahak.

Sa dulo nang gintong daanan ay isang portal na lagusan.

Walang alinlangan kaming pumasok sa loob nito kahit hindi namin alam kung anong lugar ang naghihintay sa amin sa kabilang bahagi nito.

'... ang alinlangan ay hindi dapat baunin... ' tanda kong sabi nang anghel na nagturo nang daan sa amin.

Pagpasok namin sa loob nang portal ay naramdaman ko ang pagtaas ng temperatura nang lugar.

Muli naming nakita ang gintong daanan na senyales kung nasaan man kaming dimensyon ngayon ay naririto rin si Greed.

Ngunit ang tanong nasaan kami?

"Impiyerno." bulong ni Gab na hindi ko namalayan na lumilinga-linga pala sa paligid.

Bahagya kong napansin ang panginginig ni Raph nang narinig niya kung nasaan na kami ngunit agad din itong nawala nang mag-usal siya ng 'Hail Mary'.

"Release your shields so that we can maintain our body temperature while we are in Hell. Remember, pumasok tayo rito na may katawan." utos ni Gab na agad naming sinunod.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon