Chapter 33: Entrance to the Yellow Dimension

95 5 1
                                    

Chapter 33:
Entrance to the Yellow Dimension

Ariel Jasmine

When I open my eyes the next day, I was blinded with the rays of sunlight.

Napapikit ako at dahan-dahan na isinarado ang kurtina sa kwarto.

Pagkalingon ko sa paligid ay doon ko pa lang napagtanto na hindi ako sa condo ni Josh natulog.

Then, I remember what happened yesterday.

Mag-uusap lang sana kami ni Cham ngunit dumating si Seraphiel para magbigay ng mensahe at nagpakita si Gluttony, ang siyang bantay ng dilaw na dimensyon.

Napangiti na lang ako ng mapakla ng maalala na kahit masarado ang lahat ng dimensyon ay magaganap ang digmaan unless unahan namin sila.

Tama, marahil isa sa pitong dimensyon ang dimensyon ng hell kaya kung masasarado namin ito nang mas maaga ay matatapos na ang gulo.

So, dapat na ba naming unahin iyon?

Nasa ganito akong pag-iisip ng bumukas ang aking pintuan at iniluwa noon ang nakangiting si Lorenzo.

"Good morning, Ariel. Handa na ang breakfast ninyo. Eat first tapos ikwento ninyo kung paano ko kayo tutulungan." paanyaya nito.

At bigla kong naalala na may laban pa pala kaming hindi natatapos, si Gluttony.

I think we should close this dimension first.

"Sige po. Mag-aayos lang ako sandali." magalang na tugon ko.

Tumango lang si Lorenzo bago muling isinara ang kwartong tinulugan ko.

After doing all my morning rituals ay bumaba na ako para saluhan sila sa breakfast.

Pinaghila pa nga ako ni Cham ng bangko na siyang ipinagpasalamat ko.

Nandito na rin si David na mukhang okay na ang pakiramdam dahil maaliwalas na ang mukha nito. Hindi tulad kahapon na hinang-hina.

"Kumusta kayong tatlo? Anong dahilan ng inyong pagdalaw?" direktang tanong ni Lorenzo ng matapos na kaming magbatian.

"We need your help to open the gate of purgatory. Nagpakita sa amin kahapon si Gluttony at nag-release siya ng kaluluwa. What if he releases all the suffering souls in purgatory here? It was chaos." pagpapaiksi ko ng kwento.

Bagama't direktang nakipaglaban sa amin si Gluttony, hindi ibig sabihin nun ay hindi niya pwedeng gamitin ang mga kaluluwa para magkagulo.

After all, ginamit nga niya ang ina ni David para matalo kami.

"Hindi ba't si Gab ay may kakayahan na gawin ang bagay na iyon? Why you are asking for my help?" tanong ni Lorenzo.

Pansin ko ang pag-ikot ng mata ni Cham na tila hindi sang-ayon sa suggestion ni Lorenzo.

Ang totoo niyan ay may punto naman ang wizard. Gab has a power to open dimensions at ang divine mortal nga na ito ang nagdala sa amin sa purgatoryo noon kaya lang...

"May inaayos na problema ang De Sevelles family ngayon. Bilang bahagi ng pamilya at isa sa mga tagapagmana, tungkulin ni Gab na tumulong doon. We don't want him to confuse whether he will help his family or he will help us. Mas kailangan siya ng pamilya niya ngayon." ani David na tila tinuloy ang nasa isip ko.

Napahawak sa baba niya si Lorenzo na marahil ay nag-iisip kung tutulungan niya kami o hindi.

I didn't know if Lorenzo has a power to open dimensions dahil palaging si Gab ang gumagawa nun kaya lang ay wala na kaming pagpipilian.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon