Chapter 8: Awakening of Benedict's Power

305 10 0
                                        

Chapter 8: Awakening of Benedict's Mortal Power: Introduction

Ariel

Kinabukasan, maaga akong nagising. Let say hindi ako nakatulog. Una, dahil iniisip ko yung tungkol sa misyon. Pangalawa, iniisip ko rin kung totoo ba yung sinabi ni David. Hay, kaloka. Dati iniisip ko lang kung papaano tatapusin ang transactions na inaanalyze ko para mapasa ang balance sheet sa tamang oras. Ngayon pati kaligtasan ng mundo nasa kamay ko pa. Isa pa, buong gabi ko ring kausap si Gab.

He told me a lot of things about anything pero hindi namin napag-usapan yung tungkol sa sinabi ni David. Ayoko rin namang itanong dahil baka isipin niyang assuming ako. Sabi niya pa'y sasamahan niya rin ako sa pagbisita namin kay Cham. He will say sorry sa pagtrato niya rito one time. After nun, sinabi niyang matulog na ako at susunduin nila ako pero hindi na ako nakatulog pa.

Napansin ko nga ang pagiging sweet ng boses niya pag kausap ako at nanlilinsik naman ang mata niya kapag may kausap akong lalaki. Posible kayang tama si David? He is a guy after all. Alam niya kung paano maisip ang isang lalaking tulad niya.

Cut that thought, Ariel. You still have a world to save. tutol ko sa sarili ko.

Nakikipagtalo pa ako sa sarili ko nang may nag door bell. May bibisita ba sa akin ngayon?

"Sandali lang" sigaw ko kahit may possibility na hindi niya ako marinig.

Tinignan ko muna ang mata ko sa salamin at agad na isinagawa ang morning rituals ko. Minadali ko nga dahil baka mainip yung naghihintay sa akin.

Nang masigurado ko nang ayos na ako ay agad ko nang binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Gabriel John De Leon. Bigla akong kinabahan sa presensiya niya. Iniisip ko palang na may gusto siya sa akin, na-aawkwardan na ako. Paano ba kung to too?

Erase. Erase. Focus.

"Uhmm, pasok ka. Napadalaw ka ata?" pinipilit kong umakto nang normal sa harapan niya.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya na tila may nasabi akong kakaiba.

"Ariel, bakit hindi ka pa nakaayos? Dadalawin natin si Benedict ngayon diba. Napadaan ako kasi pinasusundo ka sa akin ni Zach. Mauuna na raw siya roon." sabi niya at napakamot sa batok niya na tila nahihiya.

Eh, ngayon ba yun? Shoot, oo nga. Kinabukasan nga pala usapan namin.

Napatingin ako sa wall clock sa sofa ko at napansin kong 9:00 na nang umaga. Mahaba pa ang byahe namin kaya dapat around 9:30 palang umalis na kami. Bakit ko ba kasi nakalimutan? Pansin ko nagiging makakalimutin ako lately.

"Eh, nakalimutan ko. Sorry. Maghintay ka muna rito saglit. Maliligo lang ako at magbibihis. Free to tour yourself." paghingi ko nang paumanhin.

Tumango lang siya kaya nagdiretso na lang ako sa banyo sa loob ng kwarto na tinutulugan ko.

Nagmadali akong maligo at nag-ayos nang sarili. Hindi na rin ako namili nang damit na susuotin ko dahil naghihintay nga si Gab sa sala. Isa pa, may hinahabol kaming oras.

Around quarter to ten, nakaalis na kami ni Gab sa condong tinutuluyan ko. With the help of Zach, natunton namin ang kinaroroonan ng radio station na pinagtatrabahuan ni Cham.

Exactly 10:30 am, narating namin ang venue. Pawisan pa nga kami ni Gab kasi tinakbo na namin ang fly over para makarating kami ng eksakto sa oras.

Maliit lang ang radio station na pinagtatrabahuan ni Cham at David. Sa unang tingin, para lamang itong maliit na recording studio but actually a radio station. Nasa loob ang estasyon sa isang building ng di na nating papangalanang TV Station.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon