Chapter 3: Revelation about the new mission
Ariel
Kinabukasan, pagkatapos kong gawin ang mga ritwal ko sa umaga, ay agad akong bumiyahe papunta sa nasabing lugar ni Seraphiel. Medyo malayo iyon sa lugar na pinag-iistay an ko kaya kailangan ko nang bumiyahe ngayon palang para makarating ako sa eksaktong oras. Ang totoo niyan ay hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano yung gustong sabihin sa akin ni Seraphiel at ano ang koneksyon nito sa panibagong misyon na aking gagawin. Gustuhin ko mang lumipad sa anyo kong anghel at hindi pupwede dahil magugulat ang mga makakakita at isa pa labag sa batas ng mga anghel ang magpakita sa tao nang walang pahintulot ng Pinuno namin. Sa katunayan, ang matataas lang na anghel ang may kakayahang magpakita sa mga tao.
"Miss, nasa terminal na tayo. Hindi ka pa ba bababa?" concern na tanong nang pasaherong katabi ko.
Napalingon ako sa lalaking ito. Mayroon siyang makatipunong katawan, maputing kutis, bilugang itim na mga mata, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, at...
"Miss, bababa ka ba o tititigan mo lang ako." medyo arogante niyang sabi.
Pagkasabi niya nun ay doon lang ako nagising na niyaya niya akong bumaba dahil hindi siya makakababa hangga't nasa loob ako. Hindi pala siya isang pasahero, siya pala ang driver ng bus na sinasakyan ko. Bus? Hindi naman ito bus. Maliit siya para sa isang bus. Baka taxi? Iba na ba ang itsura ng taxi ngayon? "Miss, am I still talking to you?" muli niyang tanong sa akin. "Uhmm... Nasaan na ako at sino ka?" tanong ko nang tila tuluyan na akong matauhan. Napakamot sa ulo ang lalaking kumakausap sa akin. "Red yung traffic light ng magpasya akong lumabas sandali sa kotse ko para manigarilyo. Bigla kang pumasok at sinabi mong ihatid kita sa terminal ng bus. Dahil mabait naman ako at akala kong isa kang chance passenger at nagmamadali, inihatid na kita. Nang narito na tayo, pinabababa na kita para maiwan ko na ang sasakyan sa parking area." paliwanag niya sa akin. Nahihiya akong nagpasalamat sa kanya at buong puso akong humingi ng tawad sa kanya. Masyado kong iniisip kung ano ang sasabihin ni Seraphiel kaya tila lumutang sa ere ang kaluluwa ko. "Uhmm, saan ka ba pupunta baka mahahatid kita?" nahihiyang tugon niya sa pagpapasalamat ko at paghingi ko nang paumanhin. "Sa Sacred Cross Parish. Alam mo?" sambit ko sa kanya. "Sige, miss, sakay na. I'll bring you there. By the way, I am David. May I know yours?" tanong niya at inistart muli ang manibela ng kotse niya. "Ariel. Thank you for a free ride." nag-aalinlangang tugon ko. Ngumiti siya bago niya tuluyang pinatakbo ang kotse. "Ms. Ariel, anong gagawin mo sa Sacred Cross Parish?" tanong niya sa akin habang nag di-drive. Feeling close rin ang isang ito eh! "Ahh! Makikipagkita sa isang kaibigan." medyo awkward kong sagot. "Is your friend an angel?" tanong niya na ikinagulat ko. May lahi bang manghuhula itong si David at nahulaan niya na isang anghel ang kikitain ko roon? Habang nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko siya ay bigla siyang tumawa ng bahagya. "May pamahiin lang kasi na sa simbahan na iyon nagpapakita ang mga anghel kaya ko naitanong. You don't need to answer such lame question." sabi niya at hindi na siya nagsalita pang muli. May posibilidad kayang totoo ang pamahiin na iyon kaya roon balak magpakita ni Seraphiel? Bago pa man nasagot ang tanong sa isipan ko ay narating na namin ni David ang nasabing simbahan. Agad akong nagpasalamat sa kanyang kabutihan sa akin. "Wag kang magpapaalam dahil magkikita pa tayo." sabi niya bago mag wave at ibigay sa akin ang kapirasong papel na nagtataglay ng labing-isang numero. Maari kayang binigay niya sa akin ang contact number niya? Bakit? Maya-maya pa ay nagpasya akong pumasok sa loob ng nasabing simbahan. Walang tao sa nasabing simbahan marahil dahil wala namang misa. Agad kong nilibot ang paningin ko. Punong-puno ng mga rebulto ng mga santo at mga anghel ang nasabing lugar na siyang nakapalibot sa simbahan. Sa may altar nito ay naaninag ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. "Ariel, sa wakas ay dumating ka. Kanina pa ako naghihintay sa iyo." bungad na bati sa akin ng may-ari ng bulto ng katawan na iyon. Pagkasabi niya nun ay humarap siya sa akin at doon ko napag-alaman na tama nga ang hinala ko. Siya nga si Seraphiel, ang nagpatawag sa akin dito minus his wings. "Pasensya na at nahuli ako." sambit ko dahil Hindi ko naman alam kung paano ipaliliwanag sa kanya ang nangyari. "Okay lang. Alam ko naman na malayo ang lugar na ito sa tinutuluyan mo. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Archie De Sevelles is the cause of this war. Siya ang primary reason kung bakit isa-isang nawala ang mga arkanghel at hindi agad sila na detect." diretsang sabi niya na ikinabigla ko. Inihanda ko ang sarili ko sa mga impormasyong nais niyang sabihin ngunit hindi ko akalain na ganito iyon katindi. Paanong ang isang mentalist na si Arch De Sevelles ang dahilan ng lahat? I know that mentalist is impossible to be connected in other realms. Bakit siya? Isa pa, isa rin siya sa biktima diba! "I see confusion on your face. Sa pagtira pansamantala ni Archie sa langit, he confessed that he made a mistake. He broke the rule of their world. Nilagpasan niya ang pagiging isa niyang mentalist. He made his way to become a realm and creature summoner." dugtong pa ni Seraphiel. Ramdam kong bakas na bakas sa mukha ko ang labis na kaguluhan. It seems he spoke in different language. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang buntong-hininga. He pats my shoulder as if it can calm me down, as if it can make me understand the revelation that he just said. Papaanong nangyari ang lahat? Anong rule ang nilabag? Ano ang nagtulak kay Arch na lagpasan ang pagiging isang mentalist? Why he wished for a more power? "Alam kong marami kang tanong but I can't answer those questions. Si Arch De Sevelles lang ang makakasagot niyan. Maliban diyan may isa pa akong sasabihin. In order to win the war, we need the seven mortal powers. We just have three: water, wind and create. Yung mga kapangyarihan na iyon ang susi para muling masarado ang lagusang binuksan ni Arch. Hindi ko alam kong nasaan yung iba but I do have an idea na nasa mga mortal yun na sinaniban ng mga archangel but they are not aware about that. The first part of your mission is let them show and use their powers." Seraphiel reveals. Napabuntong-hininga ako. Mukhang mapapasubo na naman ako ha! Teka, kung tama ang conclusion ni Seraphiel, kulang pa ng isa since Archangel Jophiel just transformed into a mortal. "Kulang ng isa. Si Archangel Jophiel kasi... walang sinaniban na katawan." reveal ko Kay Seraphiel. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "He maybe somewhere here. Hindi man siya sinaniban ni Archangel Jophiel but I think his case is somewhat special." sambit niya at bigla siyang napatingin sa compass watch na hawak niya. Hindi ko man lang ito napansin dahil busy ako sa kakaisip nang tungkol kay Arch. "I am so sorry, Ariel. I will take my leave now. Next time na lang tayo muling mag-usap. Nice to talk to you once again. I will watch you in accomplishing your new mission. Goodbye." pamamaalam niya. I am about to say goodbye ngunit kinuha na siya ng isang liwanag mula sa itaas. I guess he really need to go back there. "So, it is true that your friend is an angel." sambit ng isang lalaki mula sa likuran ko. Hindi ko pwedeng makalimutan ang tinig na iyon dahil kani-kanina ko lang siya kausap. Nagmagandang loob pa nga siyang ihatid ako kanina. Hinarap ko siya at binanggit ang pangalan niya. "David." sambit ko. "Ako nga. I am glad na hindi ako nag-iisa. I can see angels, too." pag-amin niya sa akin. Nagulat ako sa revelation niya. Hindi pa man ako nakababawi ng pagkagulat ay sinundan na niya ito ng mas nakagugulat na revelation. "I possessed the power of light. I can summon creature in light, like angels." sabi niya na tila napaka casual lang ng sinabi niya. Bagama't nagulat ako ay agad din naman akong napangiti. I guess we have four... Three left.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
