Chapter 4: David, the Angel Summoner

261 13 0
                                        

Chapter 4: David, the Angel Summoner

Gulat na gulat ako nang banggitin niya ang mga katagang iyon. Pagkabawi ko ng pagkagulat ko ay agad akong ngumiti.

Bakas sa mata niya na nagulat siya sa naging reaksyon ko ngunit agad niya ring nabawi.

"Isa akong angel summoner. Ikaw, katulad rin ba kita kaya't nakakakita ka rin ng anghel?" sambit niya na halatang nais niyang makakita nang tulad niya.

Kasalukuyan kaming nasa kotse dahil hiniling niya na ihatid ako sa amin para makapag-usap kami ng mas matagal.

Nagdadalawang-isip akong sagutin siya ngunit naisip ko rin na kung hindi ko sasagutin ang tanong niya ay wala na akong ibang pagkakataon na masabi sa kanya na kailangan namin siya.

"Uhm.. hindi ako isang angel summoner. Medyo mahirap ipaliwanag pero isa lang ang bottom line, kailangan kita sa misyon ko. I need to search for seven keys of power at isa ka sa mga keys na iyon." shortcut kong paliwanag at tumingin sa gawi niya. Nakatingin kasi ako sa harapan kanina.

Pagtingin ko sa kanya ay kita ko ang labis na pagtataka sa mukha niya.

"I don't get it. Hindi ka katulad ko pero kaya mong makipag-usap sa mga anghel? Isa ako sa seven keys of power na kailangan mong mabuo for your mission? How does it happened? Saka anong misyon yung sinasabi mo?" sunod-sunod na tanong niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago ikinuwento sa kanya mula sa nagpakita sa akin si St.Peter hanggang sa natapos ko yung paghahanap sa pitong arkanghel hanggang sa pinag-usapan namin ni Seraphiel kanina minus lang yung pagiging reincarnation ko ng isang anghel. Panigurado kapag binanggit ko pa yun ngayon ay lalo lang siyang maguluhan. Nakakunot na nga ang noo niya habang nakikinig sa akin, magdadagdag pa ako nang information na lalong magpapagulat sa kanya.

Pagkatapos kong magkwento ay niyaya ko siyang pumasok sa loob ng condong tinutuluyan ko. Sakto kasing narating namin ang condo nang matapos akong magkwento. Nakakauhaw ang pagkukwento sa buong byahe.

"Juice or water?" tanong ko kay David pagkapasok namin sa unit.

"Orange Juice." sabi niya na ginagala ang paningin sa paligid.

"Sige, sandali lang. Feel at home." sabi ko at dumiretso sa bandang kusina.

Habang nagtitimpla ako ng orange juice ay lihim kong pinagmamasdan si David. Tuwang-tuwa siya sa nakasabit na larawan ng mga anghel sa may pondasyon ng unit. Tila pinapangalanan pa nga niya isa-isa.

"Kilala mo silang lahat?" tanong ko sa kanya na nakaturo sa tinitignan no David na painting sabay abot ng basong may orange juice.

"Hindi ko sila kilala lahat. I just can tell kung anong klaseng anghel sila. By the way, kung naghanap ka ng pitong arkanghel, does it mean na nakita mo na sila in person? If it is the case, ang swerte mo naman." sabi ni David at ininom ang orange juice na binigay ko sa kanya.

"Yes. I met them in person pero kung tutulungan mo akong tapusin ang misyon ko which is ending the supposed to be war between the angels, divine mortals and demons, you will have a chance to meet and be friend them." sabi ko sa kanya with matching assuring smile.

Nakita ko sa mukha niya na bahagya siyang napaisip sa sinabi ko. I don't have a power to convince people kaya hindi ako sure kung nakumbinsi ko nga siya.

Habang nag-iisip si David ay tumunog ang cellphone ko.

"Pag-isipan mo muna yung ino offer ko sa iyo. Sasagutin ko lang ang tawag na ito." sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya at lumabas na ako. Narinig ko pang bumuntong-hininga siya pagkaalis ko at sunod-sunod na uminom ng orange juice. Mukhang na-tetense siya.

Sinagot ko ang tawag at nagulat akong si Arch De Sevelles pala ang tumawag na iyon.

"Sabihin mo kay Zach na ihatid ka sa De Sevelles Mansion sa Biyernes ng 3:00 pm. Pag-usapan natin yung tungkol sa nalalapit na digmaan kasama ang konseho ng mga De Sevelles pagkatapos ng oath of loyalty ni Gab." sabi ni Arch sa kabilang linya.

Bago pa ako makapagtanong ay binaba na niya ang tawag. Ang rude talaga nang isang iyon kahit kailan! Ano nga uli ang sinabi niya? Pag-uusapan namin yung tungkol sa nalalapit na digmaan. Mukhang ito na ang hinihintay kong pagkakataon para mahanapan ng kasagutan ang lahat ng tanong na nabuo sa isipan ko nang mag-usap kami ni Seraphiel kanina.

Sa wakas! Hindi ko na kailangan maghintay pa ng matagal. Sa biyernes. Dalawang araw mula ngayon.

Sa sobrang excited ko ay tinext ko agad si Zach at sinabing ihatid niya ako sa De Sevelles mansion sa biyernes. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at muli akong pumunta sa lokasyon ni David.

Nakita ko siyang nakatingin sa larawan ng isang anghel na tila nakikipag-usap dito.

Nagulat ako nang mapagtanto kong larawan ng anghel na ako ang tinitignan niya. Kung ganon, sinusubukan niyang tawagin ako? Bakit ako?

Unti-unti ko siyang nilapitan. Kinakabahan kada mapapalapit sa kanya. Kakalabitin ko palang sana siya ng humarap siya sa akin.

"Siya si Ariel, ang lion of god. Siya ang anghel na pwede mong tawagin in case you are asking to accept the opportunity or not. Pero bakit hindi ko siya matawag? How could I help you if there is something wrong with my power?" medyo frustrated niyang sabi.

Napalunok ako ng laway. I don't know na ako pala ang takbuhan kapag taking risk ang usapan. Nang isa pa akong Himil Angelus, never akong natawag ng isang tao kaya hindi ko alam na yun pala ang function ko or nakalimutan ko na lang sa tagal ng panahon.

Pinagpapawisan na ako dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin.

Hindi ko namalayan na hinawakan na niya ako sa balikat. That touch makes my knees tremble, makes my eyes close, and makes me feel an outburst of my spirit. Later I know, gumaan ang pakiramdam ko. Tila gumaan ako parang isang kaluluwa na walang katawan. Kaluluwang walang katawan?

Napatingin ako sa gawi ni David at nakita ko ang paglaki ng kanyang mata habang hawak ang katawan kong walang malay.

Napahawak ako sa aking dibdib nang malaman kung anong ginawa niya. He release my soul. Tinatawag niya ang anghel na ako kanina.

"Ikaw si Angel Ariel? Kaya ba nakakakita at nakakausap ka rin ng mga anghel dahil isa ka sa kanila? Paanong nangyari iyon? How do angels became mortals?" sunod-sunod na naman niyang tanong.

Bumuntong-hininga ako at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Mula sa pagsuway ko sa batas namin hanggang sa kahilingan kong mabuhay muli sa katawan ng isang tao.

Nang medyo nalinawan na siya ay agad niya akong pinabalik sa katawan ko. I am amaze as I see kung paano bumabalik yung kaluluwa ko sa loob ng katawan ko. Astig! Dapat pala dati ko pa siya nakilala. He can be a big help.

But there is a question lies in my mind, how does he became a light creature summoner? At bago pa ako makapagtanong, he said something that made me smile.

"I'll accept your offer. Baka ito na ang way ko para malaman ang origin ng power na ito at para na rin makatulong sa mundo." he said from nowhere.

So, hindi niya rin alam ang origin ng power niya.

"Sumama ka sa akin sa Biyernes. Magkita tayo sa mall malapit dito." sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya at nagpaalam na aalis na. Pinaalis ko na rin naman siya at sinabing magkita na lang kami sa biyernes ng mga 2:40 pm at umoo lang siya.

"Let's get to know each other better next time. Bye." sabi niya at biglang kinuha ang kamay ko at hinalikan.

Nagulat ako sa ginawa niya na agad ko namang nabawi. Baka it is his own way to say goodbye sa mga anghel na nakakausap niya.

"Sige. Nice to meet you, David. Salamat uli sa paghatid." sabi ko pagkabawi ko ng gulat.

Ngumiti lang siya at nagwave.

I guess, I gain a new friend. Sana pagkatapos ng misyon ay magkita uli kami.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon