Chapter 34:
The End of Gluttony
Ariel Jasmine
I don't know what thing is waiting for us as we enter in the former temple of Tempesta.
Maliban sa halatang evil aura na nakapaligid sa lugar, tila dinaanan ito ng malawakang paglindol dahil sa sira-sira nitong bubong, bitak-bitak na pader at nakagewang na poste.
Kung tila paguho na ang labas, iba ang itsura nito sa loob.
Maayos na maayos ang lugar sa loob at may iilan pa kaming kaluluwa na nakikitang nag-aayos dito.
Nakasuot sila ng maid outfit ngunit may bakal na nakakabit sa kanilang mga paa at kamay na patunay na sapilitan silang pinaglilingkod sa demonyong nakatira na sa dating templong ito.
"Let's go, Ariel. Let's find Gluttony. The golden carpet where we are standing now are extended in that direction." ani David na siyang nagbalik sa akin sa aking kamalayan. Bahagya pa niyang tinuro ang sahig na tinutungtungan namin na hindi ko namalayan na isa pa lang golden carpet.
Sinundan ng aking mga mata ang direksyon ng carpet at mukhang tinuturo nga nito ang direksyon patungo kay Gluttony.
"Let's go. We don't need to waste even a second here." ani ko at nauna na akong naglakad.
Nang maihakbang ko na ang aking mga paa ay biglang tumigil ang mga tila maid sa kanilang ginagawa at humarap sila sa direksyon namin.
Sa kanilang pagharap ay tila nakaramdam ako ng matinding awa sapagkat ang kanilang mga mata ay lumuluha na tila humihingi ng tulong.
Nang akmang lalapitan ko na sila upang iligtas ay biglang umilaw ang suot nilang bakal sa kanilang mga paa at bigla na lamang silang nagkaroon ng sandata na mula sa kawalan.
Naglalakad sila na tila mga robot papunta sa akin at iwinasiwas nila ang kanilang sandatang dala-dala.
Wala akong magawa kundi ang umiwas.
Paano ko aatakehin ang mga kaluluwang ito na nais na humingi ng tulong sa akin?
Paano ko sila sasaktan kung nadudurog ang puso ko dahil nakikita ko ang luha sa kanilang mga mata?
"Ariel, anong ginagawa mo? Labanan mo rin sila." utos ni David na hindi ko namalayan na nakikipaglaban na rin sa tila mga puppet na kaluluwang ito.
Muling akong inatake ang kaluluwang lumuluha na siyang iniiwasan ko lamang.
"I can't. She's crying." sagot ko kay David at muling umilag sa kaluluwang umaatake sa akin.
"Kaya nga mas dapat mo siyang atakehin eh. Those kind of suffering souls asking us to let them rest peacefully. Open your ears and listen to the demands of their heart." ani David na nakikipagbuno pa rin sa kaluluwang umaatake sa kanya.
Open my ears and listen to their hearts?
Pumikit ako at finocus ang pandinig sa paligid.
Mahina lamang ito ngunit naririnig ko ang pagsamo niya–nila.
"Help us. Kill us. Palayain mo kami." naririnig kong sabi niya.
Bumagsak ang luha sa aking mga mata at pikit-matang kinalaban ang mga kaluluwang umaatake sa akin.
Hindi ako dumilat. Pinakiramdaman ko lang ang paligid at inaatake ko lang sila sa direksyon kung saan ko nararamdaman ang paggalaw at kada nahahagip sila ng aking punyal ay naririnig ko ang mahina nilang pasasalamat.
"Thank you. I am now free." ani nung kaluluwang umiiyak.
Mas lalong tumulo ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
