Chapter 35:
Closing of Gate, Opening of New Battle
David John Solomon
I still remember the days where I am hoping to see my mom smiling at me.
Palagi kasi siyang nakakunot ang noo pag nakikita niya ako.
Wala akong naalala na narinig kong malambot ang kanyang boses sa pakikipag-usap sa akin.
She was always angry.
Kaya't ang kanyang malambing na pananalita habang binabantayan ang dilaw na pintuan ay nakakapalambot ng aking puso.
May I stay here?
"You grew up as a decent gentleman. You are kind despite on how I treated you before. I am very proud of you, anak." nakangiting sabi niya.
Nagsibagsakan ang luha sa aking mga mata.
My mom never told me those things when she was still alive.
Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan siya at yakapin.
Niyakap niya rin ako pabalik.
Her hug is warm enough to let me feel that she was almost alive pero alam kong wala na siya.
She caressed my back as she hugged me na siyang nagpahagulgol sa akin.
Tumagal ng ilang minuto ang aming yakapan bago niya ako binitawan.
"David, I am sorry if I forsaken you. Sa tuwing nakikita kita noon ay naaalala ko ang gabing sinamantala ako kaya nga ayaw ko sa iyo. Sinubukan ko naman na mahalin ka ngunit tila binabangungot ako ng gising kapag sinusubukan kong maging mabait sa iyo. I am so sorry and thank you. Thank you dahil sa kabila ng lahat ng pagpaparusa ko sa iyo ay pagmamahal ang siyang pinalit mo.Thank you for loving me until my last breath, David. Please, continue to be a good boy. I am always guiding you although I am not an angel." wika ng aking ina na kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha pero may ngiti sa kanyang labi.
I stretched my arms to hug her once again ngunit umiling-iling siya.
"Patawarin mo sana ako, David. Mahal kita." ani niya pa na siyang lalong nagpaluha sa akin.
"Matagal na po kitang pinatawad at kahit kailan po hindi ako namuhi sa inyo. Mahal din po kita. Hayaan po ninyo..." pinutol na niya ang sasabihin ko.
"No, you are not going to stay here. You need to leave. Open that door and close it after you leave. Do not look back. Mabuhay ka, David. Mabuhay ka. You still have a world to save, right!" sabi niya sabay turo sa pintuang nasa likuran niya at nagbigay siya ng daanan para sa akin.
Hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko.
Gusto ko dito. Gusto ko dito kasama ang babaeng matagal ko ng nililimusan ng pag-ibig.
"Go, David. Do not hesistate. Patay na ako at buhay ka pa. Just remember that I am just here waiting for you to come back pero dapat hindi ngayon." paliwanag pa ni Mama at naglakad siya papalapit sa akin at tinulak-tulak ako papasok sa nakabukas na pintuan.
Ngumiti siya sa akin habang tulak-tulak pa rin ako.
"Be good, David. Live."ani niya pa at unti-unting inalis ang mga kamay niyang tumutulak sa akin.
Tumango lang ako habang patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Mom, I will be good and live as you said. Palagi ko pong maaalala ang araw pong ito. Please, wait for me here. Matagal na po kitang pinatawad kaya po maging masaya ka sana. Paalam." ani ko at pumasok na sa pintuan.
Nang makatawid ako sa kabila ay sinarado ko na ito ngunit bago tuluyan itong magsara, isang nakangiting ina na kumakaway sa akin ang aking nakita.
Sa wakas, natapos na rin ang galit niya sa akin.
Natapos na rin ang kanyang pagkamuhi sa akin.
Malaya na siya. Malayang-malaya.
Pinagsaklub ko ang dalawa kong palad at ipinikit ang aking mga mata.
"Amang Makapangyarihan, marapatin po Ninyong makatawid ang aking ina sa payapang mundo. Siya'y biktima rin katulad ko ng mga demonyong bumubulong sa mga tao. Pakiusap, Panginoon. Let my mother see Your kingdom." usal ko.
Isang mapayapang hangin ang siyang humaplos sa akin at narinig ko ang Kanyang mahiwagang tinig,
"Siya'y isisilang muli, anak, at sa panahong iyon siya ay magiging masaya na. Pangako." ani nito.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi kasabay ng tuluyang pagpikit ng aking mga mata ngunit baho ako tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdamanan ko ang banayad Niyang haplos sa aking ulo.
"You did a great job, my son. Rest." ang huli kong narinig bago nilamon ng panghihina ang aking kamalayan.
When I opened my eyes, a sparkling sun welcomed me.
Nasaan na naman ako?
The last time I knew I closed the dimension, He caressed me, then... what happened next?
"I am glad you are already awake. You've been unconscious for two days. Good job, David. You closed the dimension without my help." narinig kong banggit ng aking anghel na naririto sa aking tabi at tila binabantayan ako.
"That's not true, my archangel. Ang bow and arrow mo ang nakatalo kay Gluttony. Without its power, malamang namatay na kami ni Ariel." sabi ko at luminga-linga ako sa paligid hoping that Ariel is on my premises.
The last time I checked was we got separated by the huge needle of Gluttony.
She's badly hurt that time.
How is she? Where is she?
"Kung si Ariel ang hinahanap mo ay nasa kabilang kwarto siya at nagpapahinga. I just arrived in a right time, David. I saved Ariel. I released my yellow ray to capture those souls who are trying to get in her way. Alam kong nasa kabilang parte ka lang but I decided to leave you alone in purgatory. I know you can survive because you are one of the closest people to Him." kwento niya sa akin.
Napatango-tango lang ako at dahan-dahang tumayo sa aking pagkakahiga.
Ramdam ko pa ang sakit ng aking katawan dulot ng matagal na pagkakahimbing ngunit nais kong makita si Ariel.
Speaking of Ariel, kasama rin namin si Benny diba.
"How about Benny? Where he is?" ani ko ng makaupo na ako sa aking kama.
"He's back on his condo safe and sound. He just waiting at me at the exit when I saved Ariel. Babalik daw siya mamaya pag gising na kayo. So, aalis na pala ako. Magre-report na ako kay Benny. Magpahinga ka pagkatapos mong dalawin si Ariel ha!" paalala ni Archangel Jophiel at binukas na niya ang kanyang pakpak at siya'y naglaho na sa kawalan.
Napahinga ako ng maluwag sa aking nalaman.
Sa wakas, ligtas kaming lahat na nakalabas ng purgatoryo.
Ngunit bakit pakiramdam ko ay may masamang mangyayari na higit pa rito?
At tila ako'y nagdilang anghel dahil sa paglabas ko ng aking silid para tumungo sa silid ni Ariel ay ang tanging nadatnan ko lamang doon ang nakakakagat-labing si Gabriel John at nakayukong si Benny na hindi ko alam na nakarating na pala rito.
"Are you looking for Ariel? She's gone. Someone kidnapped her." ani niya habang nagtutubig ang kanyang mga mata.
Another battle will about to happen.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
